Chapter 2: Recall

95 21 0
                                    

Chapter 2: Recall

S H U N

"Sigurado ka bang magandang subdivision ang lilipatan natin, kuya?" Tanong ni Chan nang makasakay kami sa sasakyan ko.

Binuhay ko agad ang makina ng sasakyan at nagmaneho na ako patungo sa destinasyon namin, "Oo naman. Co-teacher ko ang nag-recommend sa subdivision na 'yun at nakita ko misko ang disenyo ng mga bahay dun. Napaka-ganda talaga. Rent-to-own ang policy nila, pero kapag ikaw ay estudyante ay pwede ring mag-renta, pero hindi rent-to-own. At isa pa pala, balita ko gwapo daw yung security guard ng subdivision na yun. At isa pa ulit, rainbow ang kulay ng mga kabahayan." 

Naguguluhang napatingin si Chan sakin. "A-anong sabi mo? Rainbow?"

"Oo. Yung isang bahay ay pula tapos yung kasunod na bahay naman is orange and so on." Focus lang ako sa pagmamaneho dahil excited talaga ulit akong makita yung magiging bahay namin. Pinili ko yung blue na kulay ng bahay kasi wala lang.

"Hindi naman siguro masakit sa mata yung mga kulay di'ba?"

"Oo naman noh, sabi sakin nung assistant nang may ari ng subdivision na maselan daw sa kulay yung may ari mismo ng subdivision." I frowned.

"Ang ganda siguro pagmasadan 'pag—"

"At isa pa pala, Chan. May second floor ang bahay tapos dalawang kwarto lang, ayos rin naman yun di'ba kasi tayong dalawa lang naman. Actually, andaming options eh. May bahay na apat ang kwarto, meron ring tatlo lang. At higit sa lahat, dahil yung bahay natin ay may dalawang kwarto lang naman so, affordable lang yung monthly payment."

"Ah ok." Umayos na lang siya ng upo at nginitian ko lang si Chan.

Ang rason kung bakit napagdesisyonan naming lumipat ay gusto naming pareho ni Chan na magsimula ulit. Masakit pa ring isipin at tanggapin ang pagkamatay ng mga magulang namin. Pero ganun pa man ay tuloy lang ang takbo ng buhay namin, patuloy pa rin sa pag-aaral sa kolehiyo si Chan habang ako naman ay mas pinagbutihan ako ang pagiging teacher.

Ganun talaga ang buhay eh, may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin aakalaing mangyayari pala at magiging dahilan para mas maging malakas tayo sa mga taong mahal natin. At dahil hindi naman na maibabalik ang buhay na nawala, kailangan nalang naming tanggapin ang katotohanan at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang mga magulang namin.

Matagal-tagal rin naming pinag-isipan ni Chan na lumipat. I did some research sa mga subdivisions around the city and Arcoíris Subdivision really caught my attention. Good thing ay ni-recommend din ito ng co-teacher ko kaya I did some background research sa Arcoíris Subdivision. And I felt strange when I went there, but I truly like how it feels like home and inviting. So I didn't delay, I took precautions, and I signed the proper paperwork right away, and here we are.

"Kuya, ba't di mo sinabi sakin na—wait! Rainbow Subdivision? Don't tell me, Arcoíris Subdivision?!" Napatingin ako sa kaniya saglit at binalik ko ulit ang pansin sa pagmamaneho dahil natatawa ako sa mukha niya. He looked puzzled.

"Oo, Chan. Doon nga. Why?"

"No way, kuya!"

I frowned at him. "Anong no way ka diyan!"

"I mean, yes! Pakshet, may nakapagsabi rin sakin na maganda raw talaga ang mga bahay diyan eh."

I giggled, "Buti naman at nagandahan ka rin."

"Ba't antagal na proseso ng utak ko yung sinabi mo? Like, nagtanong-tanong rin kasi ako sa mga kaklase ko kung saan may magandang subdivisions. Eh, nakalimutan ko ring sabihin sa'yo ang tungkol sa Arcoíris Subdivision at buti nalang din at dun na tayo titira."

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBWhere stories live. Discover now