Chapter 14: Fondness

29 15 0
                                    

Chapter 14: Fondness

S O J U

"Tignan mo si Chan. Nasasabayan niya ang trip nina Enzo." Saka ako mahinang natawa. Pinagmasdan lang namin ang apat na naglalaro ng tong-its. Aliw na aliw ang apat sa nilalaro nila. "Magkasing-edad lang silang apat eh diba?" dagdag ko pa.

"Sina Haje at Chan ang magka-edad," sagot ni Shun sa tanong ko.

"Ah, kaya pala. Ano kaya ang feeling ng may anak noh?" Naiimagine ko na may anak kami ni Shun. "Yung feeling na may batang sasalubong sa'yo galing kang trabaho, tapos may tatawag sa'yong Papa. Yun bang may aalagaan ka." Pero kahit ganun pa man ay ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking responsibilidad. Naiimagine ko pero hindi ko rin kaya na may anak. At isa pa, hindi pa naman namin napag-usapan ni Shun ang tungkol dito.

"Gusto mo pala ng magkaanak eh, edi hindi nalang sana ako." Sabi niya at agad siyang tumayo sa pagkakaupo niya sa stool at dali-daling lumabas ng bahay.

Naguguluhan man ay tinawag ko ang pangalan niya. "Shun! Teka lang!" Malakas niyang isinirado ang pintuan.

"Anong nangyari kay Sir, kuya Soju?"

Dali-dali akong lumapit sa apat. "Dito lang kayo at may aasikasuhin lang ako. Mas mabuting mauna na rin kayong kumain. Wag niyo nalang kaming intayin, ok?" Kapansin-pansin na parang naguguluhan ang apat na binata.

Hindi ko na sila inantay na makasagot pa kaya dali-dali kong hinubad ang apron ko tapos kinuha ko sa stool ng island counter ang T-shirt ko saka ko ito sinuot at lumabas na ng bahay.

"Shun!" Tawag ko sa kaniya ng makalabas siya sa gate. Putek! Ano ba nangyari sa kaniya?

Lalabas na sana ako ng gate ng may narinig akong sumigaw kaya agad akong napahinto. "Kuya Soj! May tumatawag sa cellphone mo!" Napatingin ako sa sumigaw; si Chan, bitbit niya ang cellphone ko.

"Sino raw?"

"Si Boss, iyan ang naka phonebook eh."

Marahas akong napakamot ng ulo. Bushet! Bakit ngayon pa! Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Chan at kinuha ang cellphone ko saka ko sinagot ang tawag.

"Boss... May gagawin ako bukas... Day-off ko kaya... Sa susunod na buwan pa uy... Ok! Basta libre mo. Ok sige. Bye."

"Ano ba nangyari kay ku—"

Binigay ko sa kay Chan ang cellphone ko. "Mamaya na tayo mag-usap at hahanapin ko pa ang kuya mo." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali-dali akong lumabas ng gate.

Tumingin ako sa kaliwa't-kanan ko. Putek! Asan na si Shun?! Saan ba siya nagpunta?

Dumiretso ako sa kaliwa ko. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila. Magbakakasakali na andun siya. Andaming tanong ang bumabagabag sakin dahil sa biglaang pag-alis niya.

Nang makarating ako sa gate ng bahay nina Shun ay nag doorbell ako. Nakailang pindot ako sa doorbell pero walang tao na nagpakita.

Nag text ako kay Chan na papasok ako sa bahay nila. Ayokong makasuhan ng trespassing. Ilang saglit lang ay nagreply siya. "Akala ko andiyan si Kuya? Hay naku. Sige lang kuya Soj. Pasok ka lang."

With his consent, I opened the gate and made my way to the main door. At nang nasa pintuan na ako ay pinihit ko ang doorknob pabukas. Buti nalang at naka on ang ilaw. Walang katao-tao sa living room.

"Nasa kwarto ata siya," sabi ko at umakyat na sa taas. Nang mabuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Shun ay sobrang dilim nito,  kaya kinapa ko sa gilid ng dingding ang switch at ni-on ko na ang ilaw.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBWhere stories live. Discover now