Chapter 15: Assurance

102 16 0
                                    

Chapter 5: Assurance

S H U N

Nakakasilaw ang sinag ng araw dahilan para magising ang diwa ko. Wala na akong magagawa dahil umaga naman na, bumangon na ako sa pagkakahiga. Isa pa 'tong katabi ko, yung braso niya nasa baywang ko. Dahan-dahan kong hinawi ang braso niya sa baywang ko, hinawi ko na rin ang kumot at tumayo na.

I stretched my body. Sooo satisfying.

Yes, sa kwarto ni Soju ako natulog. Mind you, walang nangyari sa aming dalawa, well, kiss-kiss lang. Nothing more, nothing less.

Nang makababa ako ay dumiretso na agad ako sa ref ni Soju at binuksan ito, naghanap nang pwedeng ulamin.

"Hotdogs, eggs and hams for breakfast," sabi ko at inihanda ko na ang mga ito para lutuin. Prito-prito lang. Pagkatapos ng ulam ay ginawa kong fried rice yung natirang kanin kagabi. Nag diet ata 'tong mga kasama ko kagabi eh, hindi gaanong nabawasan ang kanin sa rice cooker, pero ubos ang ulam.

Nang matapos ako sa fried rice ay isinalin ko na ito sa malaking mangkok. Inihanda ko na rin ang mga plato, kutsara at tinidor.

Bumalik ulit ako sa ref ni Soju para tignan kung may fresh milk ba siya, buti nalang at meron pa,  bumalik ulit ako sa island counter at nagsalin na sa mug.

"Morning, love," he hugged me from my back.

"Morning," nilapag ko sa countertop yung mug at yung fresh milk.

"Ang aga mong nagising ah."

He kissed my back. "Alangan, nagising ako sa sinag ng araw sa kwarto mo eh."

He kissed my neck. "Ginising mo na lang rin sana ako para matulungan kita sa paghahanda ng agahan natin."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ibinalik ko na sa ref ang fresh milk at humarap ako kay Soju. "Sira, ayos lang. Wala namang kaso sakin 'yun eh, kain ka na," umupo ako sa stool ng island counter at umupo rin siya sa kabila. Sinalinan ko ng fried rice at ulam ang plato niya.

"Thanks," he said with a smile. I smiled back as an answer.

"Si Haje?" tanong niya nang makasubo siya ng pagkain.

"Hindi pa gising eh, alam ba ng parents niya na lasing siya kagabi?"

"Ako ang nagpaalam sa mga magulang niya na sa bahay siya magdi-dinner. Pero hindi nila alam na lasing si Haje kagabi. Tumawag na rin ako kagabi na dito sa bahay siya matutulog at sumang-ayon naman ang parents niya."

"Hala! Pano ba 'yan, di alam ng parents ni Haje na uminom siya."

"Edi kakausapin ko parents niya, ano pa nga ba?"

"Buti naman kung ganun, pero maiba ako... damang-dama ko ang sakit na naramdaman ni Haje."

"Kaya nga eh, sinabi ko naman na huwag na siyang uminom. Pero mapilit ang bata eh."

Nagsalin na ako ng fried rice sa plato ko. "Kung hindi lang sana siya nagpumilit edi di niya mailalabas ang mga hinanakit niya sa ex boyfriend niya."

"Sa pagkakaalam ko, matagal na niyang tinatago ang hinanakit na 'yun, pero masasabi kong mabuti na rin 'yun kasi, kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman niya. I mean, nasabi niya kung anong gusto niyang sabihin kay Sage."

Lasing na lasing si Haje kagabi. Actually, wala sa plano namin na mag-inuman. Idea kasi 'yun ni Chan eh.

Sa grupo namin ang lasing lang talaga ay sina Enzo at Haje.

"Kane, buti pa tawagan mo si Sage," napatigil kaming lahat nang magsalita si Haje. Namumula na ang buong mukha niya dahil sa alak.

"Haje, gabi na. Matulog ka na," sagot ni Kane habang nasa balikat niya ang ulo ni Enzo.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBWhere stories live. Discover now