Chapter 9: Abduct

62 19 0
                                    

Chapter 9: Abduct

S H U N

Pagbaba ko galing sa kwarto ko ay tinungo ko agad ang island counter. May nakahanda ng ulam: sunny side-up, tocino, hotdogs at pancit canton. Naalala ko tuloy yung issue about sa pancit canton na may ethylene oxide. Maagang umalis si Chan kaya siya nagluto ng ulam.

Hindi muna ako papasok sa trabaho ngayong araw kasi hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko. Dapat maayos na ako eh kasi nailabas ko na ang mga hinanakit ko kahapon sa isang estranghero na tumabi sakin kahapon sa dalampasigan.

Speaking of that stranger. Hindi ko naitanong yung pangalan niya. Anlaki ng tulong niya sakin kasi kahit papaano ay naibsan ng kaunti ang iniisip ko. Hindi ko rin siya napasalamatan dahil nagmamadali siya nang tumawag sa cellphone niya ang Dad niya.

Bumuntong hininga ako nang kumuha ako ng plato. "Anong gagawin ko rito sa bahay? Ay, oo nga pala, yung lesson plan ko, kailangan ko pa yung tapusin." Sumandok ako ng kanin sa rice cooker at umupo na sa stool ng island counter. Kumuha na ako ng hotdog at tocino at nilantakan ko na ito.

"Bibisitahin ko sila mamayang hapon." Sabi ko sa sarili ko habang ngumunguya ng pagkain.

Productive rin naman pala ang araw na'to eh kasi may gagawin naman ako. Nilantakan ko na ulit ang pagkain ko. Kailangan ko ng lakas dahil sasabak ako mamaya sa laban. Kung iniisip niyo na madali lang gumawa ng lesson plan, well, diyan kayo nagkakamali. Kailangan mo ng maraming idea sa utak mo para maging efficient and effective sa klase mo yung ituturo mo sa mga estudyante.

Kaya kung gusto mo maging teacher o passion mo ang pagtuturo. Go! Chase that dream and passion of yours, not people.

Pero bago ang lahat, dapat mong isiping maigi ang desisyon mo, dahil baka hindi pala talaga sa iyo ang pagtuturo. Habang nasa Senior High ka pa lang, isipin mo na talaga ng maigi dahil sa kolehiyo: pera, panahon at pagsisikap ang kakailanganin mo o sa madaling salita ay puhunan para maka survive ka.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan ko. "Grabe  ka Chan, di mo man lang hinugasan pinagkainan mo. Gusto mo talagang ako pa mismo ang maghuhugas. Tsk."

Nang matapos akong maghugas ng plato ay dumiretso na ako sa study table ko para sumabak sa laban.

∞∞∞

Nilagyan ko ng tig-iisang palumpon ng bulaklak sa itaas ng lapida nina Mama at Papa. Magkatabi lang kasi ang puntod nilang dalawa.

"Ma... Pa... I really missed you so much. Alam kong nasa maayos na kayong kalagayan ngayon. Huwag po kayong mag-alala samin ni Chan dahil maayos lang po kaming dalawa. Naging Adviser na ako, Ma... Pa... Hindi kagaya dati na subject teacher lang. Sapat lang ang sweldo ko sa pang araw-araw na gastusin sa bahay. Kahit papaano ay nababayaran ko ang tuition fee ni Chan. Speaking of Chan, after nung nangyari sa kaniya, sobrang tuwa ko kasi naging mabuti na ulit siya. Tsaka po, anlalaki ng grades niya ngayon dahil sinabihan ko siya na kapag hindi siya nag-aral ng mabuti hindi ko babayaran ang tuition fee niya.

"Pero minsan nag-aaway kami tapos magkakabati kaagad, pero ngayon, hindi kami okay," napabuntong hininga ako habang inaalala ko ang nangyari kahapon, "pinipilit niya sakin na gusto rin ako ng natitipuhan ko, pero kahit anong pilit niya sakin hindi talaga ako naniniwala. Kaya sabi niya kakausapin daw niya yung natitipuhan ko tapos sabi ko sa kaniya na huwag na kasi baka ano pa sabihin niya sakin. Nakaka stress talaga, tanggap ko naman sa simula pa lang na hindi talaga 'yon magkakagusto sakin. Pero ewan, nasaktan talaga ako nung ilarawan ng natitipuhan ko ang mga katangian ng nagugustuhan niya. Sana buhay pa kayo para may yayakapin ako kapag may problema ako."

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon