Chapter 6: Kiss

53 20 0
                                    

Chapter 6: Kiss

S H U N

"Bakit mo kasi ininsulto yung tao? Wala namang ginawang masama si Soju sa'yo ah. Alam kong mabuting tao siya." sabi ko habang ginagamot ko ang mga pasa sa mukha ni Rain. Buti nalang at hindi masyadong dumugo ang mukha niya. Kung hindi lang rin dahil sa kaniya, hindi sana magiging ganito ang mukha niya.

Palibhasa... papansin.

"So, kinakampihan mo yung security guard na yun?! Alam mo bang nagselos ako sa kaniya kanina kasi habang kausap ka niya sobrang saya mo, pero sakin—"

I cutted his words. "Wala kang karapatang magselos in the first place. Alam mo kung bakit? Walang tayo, Rain. Kasi ayoko sa'yo! And I know you're aware of that. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo at the end of the day, sarili mo lang ang kawawa. Know your worth Rain! Andaming babae riyan, Rain. Bakit sa katulad ko pa?"

Napatitig ako sa mga mata niya. Nag-iwas naman siya ng tingin. Nilagyan ko ng band-aid ang pasa sa mukha niya.

"Bakit kasi di nalang ako? Bakit iba pa? Bakit si—"

Mahina kong hinaplos ko ang mukha niya dahilan para mapatitig siy sakin, "kasi hindi tayo pwede, Rain. Not as a lover, but as a friend, that's what I see. Rain, you have a slew of admirers. Allow your eyes to open and take in everything that is going on around you. Perhaps you'll be able to find someone to accompany you."

Matapos kong sabihin yun napansin ko na nanunubig ang gilid ng mga mata niya, dahil rin siguro roon ay umalis na siya sa kwarto ko.

Inaamin kong masakit sa damdamin yung sinabi ko kay Rain. Pero para rin naman sa kaniyang ikakabuti yun. Ayokong pag-aksayahan niya ng panahon ang taong hindi naman siya ang gusto.

Pagkatapos kong ilagay sa box yung natirang band-aid at ointment ay bumaba na ulit ako para makipaghalubilo sa mga 'bwisita' ko. Mga teacher at kaibigan lang naman ni Chan ang mga bisita ko.

Hindi na sana ako mag-celebrate ng birthday eh, kaso pinilit ako ni Chan. Siya na daw ang bahala sa catering service at sa lahat-lahat na. Pero yun ang akala ko na siya na ang bahala sa lahat, akala ko pera niya gagamitin, pero pera ko pala. Akala ko wala akong perang ilalabas sa birthday ko, akala ko lang pala yun.

"Shun," lumapit ako sa co-teacher ko na babae habang may hawak siyang canned beer.

"Oh, kumuha pa kayo ng beer." Sagot ko sa kaniya.

"Salamat," she smiled to me. "Siya nga pala, kaanu-ano mo yung pogi na sumuntok kay Rain kanina? Ang gwapo niya ah. May girlfriend na ba yun?"

Speaking of Soju. Nawala saglit sa isip si Soju. Ginamot naman siguro siya ni Chan, di'ba?

"Ah... Si Soju. He's my friend."

"Close ba kayo ng pogi na yun?" Tanong niya ulit sakin.

"Ah... Oo, bakit?"

"Reto mo naman ako sa kaniya oh." Kilig na kilig niyang tugon sakin.

I awkwardly replied. "H-huh? Ah... Ano kasi..." Hindi ko inasahan yun ah. Potragis ka Soju. Ba't ba kasi ang gwapo mo?

Napakamot siya ng ulo niya. "Wag na nga lang, baka may girlfriend na yun. Sabihin mo sakin ah kapag naghahanap siya ng girlfriend andito lang ako." She cheerfully said to me. I awkwardly laughed as a reply to her.

"Enjoy ka lang ah," saad ko at umalis na. Pumunta agad ako sa kwarto ni Chan. Pinihit ko agad ang door knob.

"Chan?" Bungad ko nang makapasok ako sa kwarto niya.

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBWhere stories live. Discover now