Chapter 8: Upset

60 19 0
                                    

Chapter 8: Upset

S H U N

"Kuya, ayos ka lang ba?" Tanong ni Chan sakin ng makababa siya sa kwarto niya at umupo siya sa tapat ng stool sa kinauupan ko.

"Hindi. Ako. Okay." Mahinahon na sagot ko sa kaniya.

"Para kang nalantang gulay na nakaupo sa stool ng island counter habang nakatuon ang pansin sa pagkain." Inilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat. Ano ba nangyari sa'yo, kuya?"

"Wala lang 'to, Chan. Stress lang talaga ako these past few days dahil na rin sa mga pasaway kong estudyante," matamlay na sagot ko sa kaniya. Alam ko na hindi siya kombinsido sa sagot ko.

"Ay naku, kuya. Pati yung suot mong long sleeve polo ay dark blue. Eh, hindi ka naman nagsusuot ng ganiyang kulay eh. Mostly, mga light colors lang ang sinusuot mo. 'Wag ka kaya muna mag trabaho. Magpahinga ka muna dito sa bahay," suhestiyon niya.

Idinikit ko sa counter top ang noo ko, "Hindi pwede, may activity ako sa mga estudyante ko."

"Grabe ka kuya. Kakatapos lang ng final exam, may pa activity ka? Hindi ka ba naawa sa kanila?"

"Chan, ayokong magalit sa'yo, ok? Wag mo akong simulan."

"Owkey. Maliligo na muna ako tapos kakain na. Ikaw rin kumain ka na diyan, may trabaho ka pa. Baka bigla ka nalang mahimatay habang nasa corridor ka."

"Oh," matamlay kong tugon habang nakadikit pa rin ang noo ko sa counter top. Ang aga-aga stress na ako.

                               ∞∞∞

Pagdating ko sa faculty office ay naagaw ko lahat ng atensyon nila. Lahat ng co-teachers ko nakatingin sakin nang makapasok ako sa loob ng faculty.

"Sir Shun? Are you ok? You look pale."

"May lagnat ka, sir Shun?"

"Broken-hearted ka ba, sir Shun?"

Samot-saring tanong ang ibinato nila sa akin ng maka-upo ako sa swivel chair ko. Hindi ko sila pinansin lahat. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanila. Inihanda ko na ang gamit ko.

I just sighed heavily.

Nang makarinig kami na nag ring ang bell. Hudyat iyon na magsisimula na ang first subject ngayong umaga.

Lumabas na ako sa faculty office bitbit ang class record at laptop ko pati na rin pala chalk. At tinungo ko na ang advisory classroom ko.

As usual, nagkakagulo ang mga estudyante ko sa loob ng classroom. At nang makapasok ako ay dali-dali silang umupo sa kani-kanilang upuan.

"Good morning class." Matamlay na panimula ko.

"Good morning, sir Shun!" They said in unison.

"How was the exam?" Pagtanong ko ay hindi sila magkamayaw. Nag-rereklamo sila dahil daw mahirap ang final exams.

"Ok. Settle down, now. Alam ko na nastress kayo sa final exams kaya today we will not have our class. But, I'll be giving an activity, this'll be your final output on this semester. I want you to write your reflection about your experience on my class. Write it on a short bondpaper. Of course with your name."

Nag reklamo na ulit sila dahil sa sinabi ko. Mga batang to talaga.

"Sir, kailan 'to ipapasa?" Tanong ng isa sa mga estudyante ko.

"Today is... Wednesday, so, you will pass it on Friday. May araw pa kayong mag procrastinate, di'ba? Anyway... before ako aalis, let's check your attendance first."

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon