Chapter 3: Evening Meal

76 22 0
                                    

Chapter 3: Evening Meal

S H U N

Half past four o'clock when I dismissed the class. We're on our way to the school's parking lot, together with Chan.  Sasamahan niya akong mag grocery. Paubos na kasi ang stock namin sa bahay.

Naalala ko tuloy yung mga panahon na every sunday ng hapon: buong pamilya kaming bumibili ng mga grocery, nakakamiss ang mga panahon na yun.

"Inilista mo ba ang mga bibilhin natin, kuya?" Tanong ni Chan habang tutok ang atensyon sa cellphone niya.

"Oo naman, ako pa ba. Mamaya na yang cellphone mo, baka madapa ka diyan."

Agad niyang ibinulsa ang cellphone niya. "Ba't ba kasi ang laki ng university na'to. Tsaka, ang layo pa ng parking lot. Kanina pa sumasakit ang paa ko sa kakalakad." Pagmamaktol ni Chan pero di ko nalang siya pinansin.

Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay agad kami sa sasakyan ko at pinaharurot ito palabas ng shool.

Pagpasok namin sa super market kumuha ako ng push-cart at ganun rin sa Chan.

"Sundin mo lahat ng mga inilista ko para sa'yo ah."

"Sige kuya," sagot niya at naghiwalay na kami ng landas habang tulak-tulak ko ang push cart.

Pumunta ako sa kung saan nakalagay yung de-carton na gatas. Oo, malaki na ako pero umiinom pa rin ako ng gatas, milk is an excellent source of calcium and other essential nutrients.

Sinubukan kong abutin yung de-carton na gatas pero di ko maabot!

"Ano ba yan, ba't ba isa nalang ang natira at sa pinakmataas pa ng estante nakalagay!" Pagmamaktol ko dahil hindi ko talaga ito maabot. Itong brand lang ng gatas ang gusto ko at wala ng iba.

Sinubukan ko pa rin itong abutin pero napansin kong may kamay na kumuha sa gatas ko kaya agad kong hinarap kung sinong hinayupak ang kumuha ng gatas ko. And to my surprise... My cheeks turned pink.

Soju handed me the container of milk with a real smile on his face. I'm still in a state of shock. And as a result, my heart continues to race.

"S-salamat..." Ang tangi ko lang nasambit. And he patted the top of my head.

"You're welcome. You better drink more milk for you to grow taller." He smiled again. Oh God. His smile it really makes me crazy.

"Uh-huh, mas matangkad ka lang talaga sakin."

He giggled. "Kaya nga, tignan mo hanggang balikat lang kita."

I frowned at him. He just laughed at me.

"Cute mo, Shun."

"Ulol, wag mo'ko kausapin."

Actually, kapansin-pansin ang gwapo niya sa OOTD niya ngayon. Gray T-shirt tapos black above the knee shorts at white sneakers.

"Hala siya. Ay. by the way, ikaw lang ba mag-isa, Shun?"

"A-ano... kasama ko si Shun."

"Ah ganun ba. Samahan ko nalang kayo mamili. Tutal tapos na rin naman akong mag grocery," saka iya itinaas ang cart niya na may lamang kung anu-ano.

"Wow kuya. Andami nang laman ng push cart ko tapos—oh! Hi kuya Soj." Ani Chan nang makita niya kaming dalawa ni Soju.

"Hi Chan. Naabutan ko kasi ang kuya mo na nahihirapang abutin yung carton ng gatas kaya—"

"Chan! Buti pa tulungan mo nalang ako, pwede?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ba't ba kasi mas inuna mo pa yang gatas mo? Alam mo naman na ang liit-liit mo tapos—"

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang