Chapter 12: Make love

53 16 0
                                    

Chapter 12: Make love

S H U N

Pagkatapos kong mag take-out ay bumalik agad ako sa table namin ni Soju.

"Let's go?" sambit ko at agad rin naman siyang tumayo bitbit yung corndog na bigay ko at sa kabilang kamay niya ay bitbit niya ang dalawang box ng donut. Hindi po siya nahihirapan, opo. Tinungo na namin ang parking space ng food court.

"Ikaw na magmaneho," binigay ko sa kaniya ang car keys. Inubos na niya ang corndog niya. Hindi lang siya umimik saka pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Nang makapasok ako ay nilapag ko sa passenger's seat yung tinake-out ko.

Sumakay na rin si Soju sa loob ng sasakyan at nilagay niya rin sa passenger's seat yung dalawang box ng donut.

Diet ata si Soju kasi churros, corndog at yung fruit juice lang ang nilantakan niya. Ano ba pakielam ko, katawan niya yan. Basta ako, busog na busog ako.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot niya ito pauwi sa Arcoíris Subdivision. Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Nakikiramdam kung sino sa aming dalawa ang gustong magsalita. Iniisip ko pa rin yung mga kinain ko. OMG, ang sarap.

Nakapasok na kami sa Subdivision at tinungo na namin ang bahay ko. Kapansin-pansin na may lalaki na nakatayo sa labas ng gate namin. And he really looks so familiar to me.

"R-Rain? Anong ginagawa niya sa labas ng bahay namin?"

Agad na huminto ang sasakyan sa di kalayuan sa pwesto ni Rain tapos walang pag-alinlangan na lumabas ng sasakyan si Soju at pinuntahan niya si Rain saka niya ito mapusok na hinalikan...?

Nakatalikod sakin si Soju habang naghahalikan sila tapos yung mata ni Rain ay parang nangungutya!

"Hindi! Hindi pwede!" Pakiramdam ko ay napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw! "Hindi pwede!"

Matapos ang ilang segundong paghahalikan nilang dalawa ay pareho silang tumingin sa kinaroroonan ko saka ngumiti silang dalawa ng matamis sa akin.

"Shun, nananaginip ka!" Inalog-alog ako ni Soju dahilan para magising ako.

"Hindi pwede!" Saka ko pinaghahampas si Soju.

"Shun, tumigil ka nga!"

"Taksil ka!"

"Huh? Ano?"

"Umalis ka na nga! Mas lalo mo pang dinagdagan ang kasalanan mo sakin!"

"T-Teka—"

"ALIS!"

Napakamot siya ng batok niya saka dali-dali niyang kinuha yung dalawang box ng donut sa passenger's seat at lumabas na ng sasakyan ko.

"Pokinginang panaginip yun," dali-dali akong lumabas ng sasakyan ko dala-dala ang sando bag na pinaglagyan ko ng take-out at tinungo na ang bahay namin.

Naabutan ko si Chan sa sala na nakaupo lang sa sofa at tutok sa cellphone niya. "Chan..." saka ko nilapag sa coffee table ang sando bag. "Ayan na tinake-out ko."

Nabaling agad ang tingin niya sa sando na nasa coffee table saka siya tumingin sakin. "Kuya, anong nangyari sa'yo? Para kang pinagtaksilan ni—"

"Huwag mo na tapusin ang sasabihin mo, please lang."

Chan looked puzzled. "P-Pero ano ba nangyari at ganiyan ang mukha mo?"

"Stress lang ako, brother. Nothing to worry about."

"Ba't ka masi-stress eh nag date—"

"Chan," mahinahon na tugon ko sa kapatid ko.

"S-Sorry, kuya."

Arcoíris Series 3: Warm Nervous Feeling • BxBWhere stories live. Discover now