Chapter 2

1.2K 61 3
                                    

Thank you for voting Reeeeezaee

Zyna Pov

Pagkatapos ng klase ay umalis na ako kaagad,sino ba hihintayin ko doon? Ayy oo nga pala ang pinsan kong mukang paa,bumalik agad ako sa room at doon nakita ko siyang inaayos ang mga gamit niya

Tinatanong niyo bakit di ko inayos akin?wala naman kasi akong aayusin..

Lumapit ako dito bago siya batukan “Aray!!Ano ba?Di inaano ih" sabi niya bago humarap,nabigla siya ng makita ako “As--" di niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko na ang bunganga niya.

Hayop toh!siya pa ata sisira ng plano ko.

“Wag ka ngang maingay,sobsob kita diyan eh" inis na sabi ko sakanya, tumango ito kaya tinanggal ko na ang kamay ko “Bat andito ka?" Tanong nito kaya napa-irap ako,anong tanong yan “Nagaaral?" Patanong na sarkastiko kong sabi kaya napatango ito “Bat di ko alam?" Takang tanong nito.

“Obob ka talaga,tulog ka ng nagpakilala ako" sabi ko dito na may kasamang batok,kaya hinimas niya ang batok niya ng nakanguso “Eh sa wala akong tulog kagabi eh" sabi niya kaya inirapan ko siya bago hilahin palabas “Libre mo ko" utos ko dito ng May seryosong muka kaya napa-pantay ito saakin ng lakad “Wow, inutusan mo talaga ko ha" sarkastiko niyang sabi na inirapan ko lang bago umupo sa isang good for 2 table dito sa cafeteria.

“Dali" maiksi kong sabi kaya inis siyang pumunta sa bilihan pero kahit ganon ay maayos parin itong naglakad.

Tinuruan kasi kaming maging pormal,sa Totoo nga niyan ay pinasok pa kami sa school kung saan kami tuturuan kung pano ba ang dapat na galaw palagi.

Naghintay lang ako ng ilang sandali bago dumating si Yula na may dala dalang pagkain.

Kinuha ko na yung akin bago simulang kainin.

“Oo nga pala,bakit mo naisipang dito pumasok?" Sabi nito habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain,nilunok ko muna ang pagkain ko bago siya sagutin “Trip ko lang and you know the thing" tumango ito bago ituloy ang pagkain kaya tinuloy ko narin ang pagkain ko.

Nung matapos kami ay nagkwentuhan muna kami sandali bago bumalik sa room,nandoon narin ang mga kaklase namin at nagkwekwentuhan.

Umupo na ako sa upuan ko bago nangalumbaba at isa isang tinignan ang mga kaklase ko,Kung ako ang tatanungin ay lahat naman sila ay gwapo,may itsura at halatang matatalino,may panglaban kung baga..

May naririnig pa akong ang pinaguusapan ay mga tungkol sa Science,Math etc.

Shanaol,charr..

Ganon naman talga ang mga matatalino kung magusap hindi pwedeng hindi pumasok ang paborito nilang subject,Eh kung ako ang tatanungin niyo paborito ko ang kahit ano hehe..

Umobob nalang ako ng magsawa ako sa muka nila kaya hindi ko maiwasang makatulog....

Nagising lang ako ng may nanghampas ng sang bagay sa teachers table,tinignan ko ito at doon ko lang nakitang teacher na pala namin iyon at ang hinampas niya at mitter stick.

“Ok everyone, there's a news na meron daw transferee dito" sabi nito,hindi mahinhin kundi  mataray na boses. Strick to be exact...

Tumayo ako ng walang imik kaya napapunta saakin ang atensyon ng lahat, tinignan din niya ako ng nakataas ang kilay “Bakit naman kaya naisipan ni Mr.principal na ipasok ka sa section na toh?" Tanong nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa, pero sigurado akong di niya nakita paa ko may nakaharang kasing upuan.

“Tanong mo sakanya,wag samin" boryo kong sabi bago umupo ulit, narinig ko ang hagikhigan ng mga kaklase ko kaya napatingin ako sakanila, umiwas naman agad sila ng tingin pero halatang  nagpipigil ng tawa dahil sa mga namumula nilang muka,pinagsawalang bahala ko nalang yon kahit na muka na silang kamatis.

“Hos dare you to answer me like that" sigaw sakin nito kaya napatingin din ako sakanya “Istudyante ako at may karapatan akong sabihin ang mali niyo dahil baka ang maituro niyo saming estudyante au mali, at sa tingin ko mali kayong tinanong niyo kami kasi hindi naman kami ang Principal"
Boryo ko ulit na sabi,ewan ko ba inaantok parin ako eh hindi naman ako nag puyat kagabi.

Inis itong umalis pero ng nasa pintuan na siya ay humarap siya saamin bago magbigay ng isang banta ashushu....

“Hintayin mo,ipapa principal kita" bago umalis kaya inirapan ko siya bago nag-make face na ginagaya ang sinasabi niya.

“Tsk. stupid" irap kong sabi, napansin kong may gamit sa tabi kong upuan kaya tinignan ko ito at mula palang sa Batman na bag,Batman na notebook at batman na ballpen ay masasabi ko nang pang-bata ito.

Kaylan pa ako nagkaroon  ng kaklaseng kinder. Ngayon....

Napabaling ang tingin ko sa umupo dito, ngiti ngiti ito na parang sobrang saya niya at walang problema, sino ba to?

“Hello ate,ako si Mi-Z ang pinaka-gwapong 15 years old na naniniwala sa kasabihang Lahat ay gwapo,pinagpala nga lang ako" sabi niya bago nag-pogi sign kaya napangiwi ako,nawawala ang mata niya kada nangiti siya kaya ang cute niyang tignan tapos ang puti niya din at mahahalata mong bata mula sa galaw at sa.... Height...

“Ate alam ko namang anak ako ni adonis at namana ko lahat pero hindi tayo pede,ayaw kong pumatol sa matanda" sabi niya kaya lalo akong napangiwi, di ko na napansin na may lumapit na saamin at binatukan siya “Tangina mo Mi-Z, bawas bawasan mo pagka-mahangin mo kung ayaw mong madala sa pacific" inis na sabi nito kaya naka-ngusong hinimas ni Mi-Z daw hung batok niya “Nanggaling talaga sayo Leo ha!!" Sabi nito kaya napatingin sakanya si Leo din daw ng naiinis “Bakit palag ka ha?Palag ka? Nagsasabi lang naman akong totoo ah" sabi nito at pinangsuntok ang dalawang kamay kaya tumayo din si Mi-Z “Bobo ka? Sinong nagsabing gwapo ka ha?" Sabi nito na parang naghahamon “Nanay ko bakit?" Sabi din nung isa kaya halos mag patayan na sila ng tingin “Syempre nanay mo yon eh, ako nga sinabihan ng pamilya ko ng gwapo" sabi pa ng isa kaya na-pairap ako, “Awat na!awat na! Alam namin ang sagot,no need to fight" awat ng isang di ko kilala at gumitna sa dalawa “Oh diba? alam ni Felix na ako ang gwapo" mayabang na sabi ni Mi-Z bago tumingin kay Felix “Ikaw talaga ang totoo kong kaibigan" sabi nito bago tapikin sa balikat si Felix daw kaya nabatukan siya nito “Sinong May sabing ikaw? Ibig kong sabihin ay alam naming ako talaga ang gwapo at hindi kayo" mayabang na sabi niya na nag-paasim ng muka ng muka ng dalawa “Traydor!! Sino ka sa akala mo para kalabanin si Batman" sigaw ni Mi-Z bago ito dinuro kaya napatawa ako ng malakas.

Bobo, sino ba siya para sabihing siya si Batman...

“Bakit ka natawa?" Tanong ni Yula sakin kaya napatigil ako at inayon ang portura ko “H-Ha? Wala, wala" pigil tawa ko parin sabi at iniiwas ang tingin at tumingin nalang sa bintana

__________________________
Hindi ako nakapag-Ud kahapon dahil sa busy ako,baka pati sa isang araw but ‘baka' lang naman....

Thanks for reading✨
Godbless:)

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now