Chapter 23

329 24 0
                                    

Happy reading ✨

Zyna's Pov

Nagising ako ng may tumapik sa pisngi ko, uminat  ako bago imulat ang mata, na-paayos din ako upo ng makitang si Zero nalang ang andito na kasama ko, kaya pala sobrang tahimik nung gumising ako.

“Lets go home" saad nito at nagpatiuna ng maglakad, bilis bilis ko namang kinuha ang gamit ko bago tumakbo palabas.

Hello! Sinong gusto na maiwan mag-isa sa room.

Baka mamaya may multo pala don tapos kainin ako noh?

May multo bang nanga ngain?

Ayy oo nga noh, bahala na.

Habang naglalakad ay nasa unahan siya, masyadong malaki ang bawat hakbang niya kaysa sa akin, ang hahaba ng binti akala mo naman nagagamit ng sobra

Iniisip ko tuloy kung basketball player siya dahil narin sa tangkad niya, maganda sana kung ganon para naman may kwenta yung laki niya.

“Ay,oo nga pala,saan ka nauwi?" Tanong ko at tumakbo papuntang tabi niya, hanggang balikat niya lang ako,I mean matangkad ako pero iba yung tangkad  niya.

Magmumuka kang maliit.

“Bahay" maiksing sabi nito at nagpatiuna, tinakbo ko ulit ito dahil sa sagot niya, putcha pilosopo.

“No, I mean kung sa dorm ka ba nauwi?" Saad ko dito dahil narin sa ayaw ko namang uminit ang ulo ko dahil lang doon sa sagot  niya

“Ikaw saan?" Balik tanong niyo na para bang walang kwenta ang kausap niya, nagsimula na akong mainis dahil sa walang kwenta naming pag-uusap.

“Dorm ako ngayon uuwi" nakangiti kong sabi, hindi ko lang alam kung ngiti ba talaga yon o hindi dahil ramdam ko ang pag ngingit-ngitan ng dalawa kong ngipin dahil sa gigil.

Tumango ito, kaya naman hindi ko na ito pinansin pa,ngayon ko lang napansin na malapit na kami sa dorm bldg. Namin kaya naman humiwalay na ako sakanya, pauwi ata kasi siya.

Nang makarating doon ay nakita ko si Chanler na nasa labas, nakatingin sa malayo at parang may iniisip,Ni hindi niya nga ata ako napansin na naglalakad dito, may problema ba siya?

Lumapit ako dito at kinulbit siya,hindi niya ako napansin kaya kinulbit ko ulit siya at tulad ng una hindi parin niya ako napansin, dahil sa inis ay binatukan ko ito kaya napahawak siya doon at napa-daing.

“Aray"

Napatingin ito saakin at biglang nanlaki ang mata.

“Problema mo?" Tanong ko dito bago tumabi sakanya at ipinatong ang siko sa railing.

“Hu-Huh?" Lutang nitong sabi na nagpatigil saakin, lutang pa ata ang isang toh o napalakas Ang pag batok ko sakanya.

tsk,ang sabi ko kung may problema ka ba?" Ulit ko dito, wala ata talaga siyang narinig kaya inulit ko na.

“Ah-Ahh, wala naman" sabi nito kaya napatingin na ko dito, sa pagsasalita nito ay parang sobrang kinabahan siya na hindi ko alam, ano ba toh?
“Ok,bahala ka,ikaw din" paninisi ko dito bago magsimula na maglakad papuntang dorm, dito din pala siya na-umuwi sa dorm niya kaya siguro marami saamin ang dito umuuwi,para kasing ang unti ng tao na lumalabas kanina.

Baka tinamad umuwi o talagang dito na nakatira, pagpasok ko sa Dorm ay nagtanggal na ako ng sapatos at maayos na inilagay sa lagayan nito.
Kaunti lang ang gamit na dala ko dito dahil narin sa hindi ako sanay na hindi umuuwi sa bahay, marami na akong nabili para dito sa dorm ko, kaunti pa lang kasi ang mga gamit dito nung dumating ako.

Bumili ako ng lagayan ng sapatos para sa tabi ng pintuan tapos merong oversize mirror na nasa pader,nasa taas lang ito ng lagayan ng sapatos kaya magandang tignan.

Marami narin akong gamit sa may WIC na Nandito sa may dorm dahil sa marami ang damit na kaylangan ko, kasama na din doon ang mga importanteng bagay na gusto kong dalhin,bumili na rin ako ng flat screen TV na pede kong pag connect-kan ng CP ko if ever na gusto ko.

Bumili na din ako ng mga organizers na cabinets para sa study table ko at lamp para magandang tignan at maayos.

Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama,sobrang sakit ng katawan ko at pagod dahil sa mga ginawa ko ngayong araw, masyado ko atang na enjoy ang pag gagala sa buong school, muntik pa nga akong maligaw kanina nung nag hahanap ako ng CR eh.

______________________________



Thank you for reading and supporting ✨❤️
Stay sage everyone



Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now