Chapter 27

347 25 0
                                    

Happy reading:)

Zyna's Pov

Wala kaming ginawa maghapon kundi tumitig sa blackboard, bakit ba blackboard tawag dito? Eh green toh,diba? Dapat greenboard tawag dito tsk..

Wala palang klase o kahit ano na gagawin ngayon pero pumasok pa ako, kung hindi ako pumasok ay di sana natutulog parin ako hanggang ngayon at nag pa-party party kasama ng unan at kumot sa panaginip ko hayss..

Inaayos ko na ang gamit ko ngayon, awkward parin dahil kasama ko sina Lewis, hindi pa sila umuuwi at nag aayos palang din ng mga gamit kasama ko, nag aral kasi sila at ako naman ay inilalagay ang mga basura ng snacks na kinain ko kanina

Si  Kian lang ang nakausap ko buong mag hapon, tumabi kasi siya saakin kasi may pagkain ako.

Isa din pala yung buraot 

Nagsisimula na akong magisip na lahat ng Section L ay buraot  kahit mayaman, hindi naman sa nilalahat ko pero parang ganon na nga haha.

Nang matapos mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Kian na aalis na ako, sinimulan ko nang maglakad papuntang dorm building, nag mamadali ako dahil baka abutan ako ng gabi sa daan mamaya.

Nang makarating doon ay patakbo akong umakyat sa hagdan at tumakbo papuntang pinto ng dorm ko, hindi ko na pinansin ang mga gagong tinatawag ako.

Mga putik na toh,nakatambay lang dito sa hallway at hindi pumasok, feel na feel pa nila yung hangin ha, minsan talaga kung tamad ka kung ano ano ng ka-dramahan  gagawin mo.

Bilis bilis kong ipinasok ang susi sa doorknob ng pintuan, para akong may hinahabol dahil sa nanginginig pa ang kamay ko.

Nang mabuksan ito ay pa-hagis kong ipinatong ang bag ko sa kama, wait nga lang!! Bat ba ako nag ma-madali eh uuwi lang naman ako ah.

Feeling ko kasi may surprise akong malalaman ngayon,tsk.

Bilis bilis kong kinuha ang susuotin ko at pumuntang banyo.

Nakasuot ako  ng isang white plain t-shirt at pina-resan ko ng maong na Jumpsuit, muka tuloy akong aeistetic dahil sa suot ko, putcha muka akong nag fe-feeling cute haha.

Kulay baby pink yung jumpsuit kaya pina-resan ko ng sneaker na pink white ang kulay,tiyaka ko kinuha ang shoulder bag ko na black, may zipper itong butterfly kaya cute din.

Tumingin ako sa salamin at napangiwi nalang dahil sa itsura ko, muka akong taga Korea na nag papa-bebe haha,with class nga lang.

Kinuha ko ang wallet at selpon ko pati narin ang susi ng kotse, tama po kayo, may kotse ako pero minsan ko lang magamit kasi nakakatamad mag drive,most commute po ako dahil isa po akong good gurl.

Nah fe-feeling mahirap.charot.

Kinuha ko ang pamuyod ko at pinu-yudan ulit ng normal na tali ng buhok ko which is donut.

Lumabas na ako at ni lock ang pinto ng dorm ko, maglalakad na sana ako ng tanungin ako ng isa sa mga gago.
“Hoy! Zyna saan ka pupunta?" Tanong ni Harvey,tinignan ko ito at nakita kong naka tayo to kasama ng iba pang gago na naka tingin din saakin.

“Uuwi" saad ko at bumalik ulit sa pag lalakad, nang makarating sa parking lot ay hinanap ko ang kotse ko, nakalimutan ko na kasi kung saan ko nilagay, pinahatid ko yon sa isa sa driver namin para may magamit naman ako pag kaylangan.

Nang makita ito sa dulong bahagi ng parking lot ay tinignan ko muna kung ayos ba,baka kasi may nagisip na pag tripan ito ng hindi ko alam.

Kahit naman kasi nasa loob ito ng university ay meron at meron paring ganon ang ugali, hindi man tambay pero yung ibang estudyante,meron kasing magaspang ang ugali diyan pero hindi ako mag na-name drop haha

Nang makitang ayos ito ay binuksan ko na at sumakay, hindi na ako nag sayang ng oras at pinaandar na ito, tumigil ako sa tapat ng guard house para mag paalam, baka kasi umuwi ako mamaya at hindi na niya ako pag buksan pa.

“Manong,uuwi lang po ako,baka po mamayang gabi pa  ako umuwi, baka naman po pa-usap?"  Sabi ko dito, ngumiti ito saakin bago sumagot.
“Ano ba iyong ipapakiusap mo?" Nginitian ko ito bago sabihin ang kaylangan kong sabihin.

“Baka po pede niyo akong pag buksan mamaya pag dating ko? O kaya naman po ay kung nag pa-papasok po sila  ng mga ganoong oras ng uwi,ano hong oras ang curfew?" Sunod sunod ko ditong tanong, napatawa nalang ito ng mahina.

“Sa pag ka-kaintindi ko iha ay hindi ka nag basa ng binigay na papel ng dean? O siya sige, sa 11 pm ang curfew ng paaralan at kaylangan mo ng id para makapasok" natatawa nitong saad, napangiti nalang ako dahil masiyahin pala sila,sana ay hindi mawala hanggang sa pag tanda pa nila hanggang makaabot sa langit hehe..

“Salamat po manong, sige po at mauuna na ako,salamat po ulit" ngiting sagot ko at pinaandar ang sasakyan, sinarado ko na ang bintana at binuksan ang aircon, mainit mga men if ever you dont know haha...

Habang nasa byahe ay palakas ng palakas ang pag kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung anong dahilan at ganon ito pero parang may mangyayaring masama na hindi ko i-kakatuwa, like wtf self,walang nakakatuwang masama tsk.

Mabilis lang akong nakarating sa bahay dahil hindi masyadong traffic, slight lang.

Bu-musina ako para pag buksan ako ng pinto ng guard, nginitian ako nito na parang may halong pag aalala, ewan pero lalo atang kinabahan ang kaloob-looban ko dahil sa ngiti niya.

Hindi ko nalang iyon pinansin at pinarada ang sasakyan sa garage, noong matapos ay bumaba na ako at pumasok sa main door,naabutan kong nag lilinis ang mga kasambahay kaya hindi ko na sila inabala,lumapit nalang ako sa isa sakanila para mag tanong.

“Nandito ba sina dad?" Tanong ko dito,mukang nagulat pa ito dahil nang lalaking mata niya akong tinignan,tinaasan ko ito ng kilay kaya dali dali itong yumuko.
“pasensya na po mam, hindi ko po kasi kayo napansin, pero nandoon po sila sa dining area at kumakain kasama ni mam Nica" saad nito, napakunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi na pangalan.

“Sinong Nica?" Kunot-noo kong saad dito, napatingin ito saakin ng nag tataka.

“mam akala ko po ay alam niyo na,dumating po dito noong isang araw ang bago niyo pong kapatid" saad nito na lalong nag-pakunot ng noo ko,nag si-simula naring uminit ang ulo ko dahil wala man lang sinabi saakin sina dad tungkol sa pag dating nito.

Oo at ayaw ko ng bagong kapatid pero ayaw ko ding maging bastos.

Tumingin ulit ako dito, “Explain what you see about her" utos ko dito, sumeryoso ang muka nito at inayos ang tayo,tumingin ito saakin ng seryoso kaya hinintay ko itong magsimula.

“Pag dating nito dito ay umupo agad ito sa upuan ng walang paalam, tinawag niya pa kaming alipin at pinag linis  ng kuko niya, walang sinabi ang mga magulang mo at naging proud pa ang mga ito"  lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, ginalaw ko ang daliri ko para sabihin ituloy niya.

“sa pagkakakita ko ay isa itong spoiled brat at hindi nakuha sa ampunan, mukang pinaikot niya sina tita dahil kahit anong gawin nito ay nasusunod ng walang pag tutol....
Sabihin mo lang ang kaylangan kong gawin at gagawin ko na" sabi nito at inirapan ang hangin“Ilang araw na akong nag ti-timpi diyan" inis na saad nito, tinignan ko ito ng seryoso na nagpatigil sakanya.

“To how you say it, she's really  suspecious, dont do some move ng padalos-dalos,i gonna go there and see her" tumango ito sa sinabi ko at nagkunwari na yumuko pero may kasamang pag irap.

Mukang napuno na niya ang pasensya ni  Claire dahil sa ugali niya.

Yeah! Shes one of my friends and i give her a mission na bantayan ang bahay at pamilya ko and she want to be an yaya para makapasok pa siya dito sa bahay,hinayaan ko ma dahil yun naman ang gusto niya.

____________________________
Good night everyone and have a nice day tomorrow-Ljmaun.

Thank you for reading and waiting,i really appreciate it from the bottom of my heart haha..

Sorry if this story is not that long to read but i wish you are happy, i am really busy this past few weeks to my studies,hindi ko yon pedeng tigilan, its a personal problem lang naman and its  already quarter 4 kaya keep up your good work haha, ewan ko kung ganon din sainyo but good luck 🥰

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now