Chapter 22

343 29 2
                                    

Happy reading✨
Anyway, picture ng school nila yung nasa taas,more like a map.

Zyna's Pov

Pagkabukas ko ng pinto sa dorm ko ay pumasok na ako, nabigla nalang ako sa kakapalan ng muka ng kasama ko at nagtuloy tuloy sa pagpunta ref ko.
Hindi ko sana papansinin pero putcha, ang kapal kumuha ng pagkain.

Gusto ko sanang batukan pero naisip ko wag nalang kasi baka maging flat ulo niya haha, mag muka pang papel.

Napatawa ako sa naisip mo, napa haba ata yon dahil nakita ko itong nakaupo na sa may stall at luma-lamon, inirapan ko ito at dumiretso sa kwarto para kunin ang naiwanan kong headphone.

Paborito ko ito at hindi pinapa-hawak kahit kanino dahil bigay pa ito ng lola ko, siya ang kasama ko sa bawat sakit ang malungkot na nangyari saakin pero sadly hindi ko siya nakasama sa bawat masasayang nangyari sa buhay ko. Nawala na siya eh, anong magagawa ko?

Umiling ako para mawala sa isip ko ang muka at mga ala ala niya saakin, kahit papaano ayaw kong pumasok sa isip ko ang mga bagay na yon. Baka ma miss ko lang siya.

At umabot pa sa baka May magawa akong masama.

Naglalaban ang kulay pula at itim dito kaya magandang tignan, paboritong kulay ko ito at hindi magbabago pa iyon. Kinuha ko ito sa may study table ko at inilagay sa may leeg bago pumuntang kusina at dumiretso sa may ref para kumuha ng tubig, hindi kasi ako naka inom kanina dahil dun sa Cyrus ata pangalan non, ewan.

Umupo muna ako sa may sala habang umiinom, habang umiinom ay nagsalita si Mi-Z na nakapag pa-baling ng tingin ko sakanya.

“Ang ganda pala ng dorm mo ate, saamin kasi malaki pero magulo dahil kay Leo" saad nito na nag pairap saakin.

“Pano naman to hindi magiging malinis kong hindi ako dito nauwi" saad ko dito bago Inirapan at uminom ulit ng tubig, lumalandas sa leeg ko ang malamig na tubig na magpapaginhawa ng pakiramdam ko, sobrang init kasi sa labas pati na dito dahil narin sa hindi ko binuksan ang aircon, mabilis lang naman kami dito kaya hindi ko na binuksan.

Tumayo na ako at pumuntang lababo para hugasan ang pinag-inuman kong baso bago ito inayos sa lagayan.

Tinignan ko si Mi-Z na busy parin sa pagkain, kinakain niya yung graham na natira na nandito sa ref ko, kinuha ko yon sa bahay para naman May ma-meryenda ako pero parang hindi naman saken napunta eh.

“Tara na"  sabi ko dito bago pumasok ulit sa kwarto para kuhanin ang selpon ko.

Tumayo na ito at inayos ang pinagkainan, buti nalang at naisipan niyang linisin iyon at kung hindi ay iiwan  ko talaga siya dito sa dorm na to hanggang  hindi niya yon ginagawa

Nang matapos ay nauna na itong lumabas, sumunod naman ako sakanya at ako na ang nag lock ng pinto.

Sinimulan na naming maglakad papuntang building namin, habang naglalakad ay marami kaming nakikita na estudyante na nag-gagala din tulad namin.

Siguro ay sinusulit ang oras para mag saya, bukas kasi ay marami nang gagawing activity na baka hindi na nila toh magawa, hindi ko naman sinasabi na hindi sila mag eenjoy sa mga activities na yon pero makakalimutan na nilang mag lakad lakad at hindi na nila makikita ang boong Desenyo ng school pag nangyari ang activities.

“Grabeh ate, ang ganda ng ginawa mo dito sa school, halos ikaw na nga nagpapatakbo eh, ang daming pedeng gawin" masayang sabi ni Mi-Z na para bang manghang-mangha sa mga nakikita, hindi ko naman gustong maging ganto ang kalabasan nang event na to.

Ayaw ko namang may magtaka kung pano ko ito nagawa eh isa lang naman akong simpleng tao na pumapasok sa school.

Baka may makahalata sa mga galaw ko.

Nang makarating sa room ay sumalubong saamin ang ingay ng mga kaklase namin, sumali pa di Mi-Z kaya lalo akong nainis.

“Saan kayo pumunta ha? Hinanap namin kayo eh" tanong ni Felix saakin kaya napatingin ako dito.

“Sa dorm" maiksing saad ko dito bago umupo, pagod ang paa ko sa paglalakad simula sa hallway hanggang sa hagdan na papunta na atang langit dahil sa haba.

Hindi ba naisipan ng owner na palagyan ng escalator o elevator ang bawat building lalo na kung sobra sa apat ang floor nito. Tsk. Isang mahinang nilalang.

Charot, si tito pala ang owner haha.

Pinatong ko sa braso kong nasa lamesa ang ulo para bago pumikit, tinatamad akong igalaw ang paningin ko dahil sa pagkahilo, mainit kasi sa labas at pumapasok ang init nito dito sa room dahil narin sa sliding window lang ito, pinagpapasalamat ko nalang na tint ito kaya hindi masyadong maliwanag.

Ipinikit ko ang mata ko dahil narin sa inaantok ako, wala naman akong problema sa mangyayari ngayon dahil narin sa wala ngayong activity.

Dahil narin siguro sa antok ay mabilis akong nakatulog, kahit na maingay ang mga kasama ko dito sa room.

_____________________________
Always remember to smile😊
Be safe everyone and thank you for reading and supporting my story- LJMAUN

Sorry for waiting!! Hindi ko sadya🥺
Masyado lang na occupy yung utak ko this past few days,hindi ako makapag concentrate sa pag gagawa ng story kaya tinitigil ko. Iniisip ko kasi na baka hindi niyo magustuhan kung maiksi at lame yung chapter na ilang araw niyong hinintay, kung nag hintay man kayo!

Pasensya na talaga,but im thankful na sinusuportahan niyo parin ako. Iniisip ko tuloy na baka meron ng nagsasabi na ang arte ko at ang dami kong sabi everytime na may UD. Haha,hindi ko kayo masisi. Masyado nga ata madami😅

But anyway, thank you for your support, sobrang na appreciate ko yon,baka nga pag tawanan niyo pa ako kada makikita ko kasi ang notif ko na about sa story na toh eh para talaga akong may bulate sa pwet dahil sa kilig, yung kapatid ko nga eh nahahampas ko na eh. Minsan nga binabawian na ako haha.

Sige,yung lang.
‘Lang' talaga haha...

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now