Chapter 41

396 13 5
                                    

Happy reading ✨

Zyna's Pov

Nang makapasok ako ay nakamulat si Mi-Z na parang nabigla sa pagpasok ko, nakatingin siya sa paanan dahil nandoon ang pintuang pinasukan ko

“Ayos kana ba?" Tanong ko dito habang naglalakad palapit sakanya, nakatingin parin ito sa akin na parang baliw kaya di ko maiwasang matawa bago umupo sa single sofa.

“Hey?Ayos ka na ba?" Tanong ko ulit dito, pero parang wala itong narinig at nakatitig parin saken. Nakapagtataka ang pag-titig nito dahil umiyak lang naman siya kanina, ang akala ko ay magiging maayos na ang pakiramdam niya dahil nalabas na niya ang saluobin niya sakin.

“Mi-Z?" Tawag ko ulit dito, pero wala paring pinagbago, nilapitan ko na ito at lumuhod sa tapat niya bago haplusin ang noo niya mula buhok, nagtataka akong tumingin sa kanya pero para itong tanga na nakatingin pa rin sakin.

Sa hindi ko malamang dahilan biglang nangilid ang luha niya at maya maya lang ay nagsituluan na rin, tahimik itong umiiyak habang nakatingin pa rin sakin.

“Mi-Z? ayos ka lang ba? Bakit umiiyak ka?" Tanong ko dito at pilit hinahanap ang sagot pero umiyak parin ito at naging maingay na, para itong baliw dahil nakatingin lang siya sakin at malakas na umiiyak na parang bata, hindi ko mapigilan ang sarili ko at niyakap na ito, naglalaban pa siya na parang kalaban niya akong ayaw niyang lapitan, sumakit ang tiyan,dibdib at mga braso ko dahil sa pang-lalaban niya pero hindi ako sumuko, ayaw ko siyang tigilan dahil alam kong may pinagdadaanan siya.

“Mi-Z?Mi-Z? Ano bang problema ha??" Malumanay kong tanong dito at hinaplos haplos ang buhok, naiiyak na rin ako dahil sa kanya pati narin sa sakit ng katawan kong nasipa at na-siko niya.

“Ate tulungan mo ko!, Ate!Ate!" Paulit ulit niyang tinatawag ang ate niya pero hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya,kung ang ate ba niya o ako.

“Shhhhh!!! You can cry okay?, Ilabas mo lang yan, just say your problem to ate later" pagpapagaan ko sa loob niya, ayaw ko siyang patigilin o pigilan sa pag-iyak dahil it will cause more trouble to him na dalhin yon sa loob loob niya, and i realized, mas magandang pagaanin mo nalang ang loob ng isang tao kaysa pigilan mo sila sa mga bagay na magpapa-gaan ng loob nila, just stay by there side would be enough to them  not to  feel alone.

“Ate, papatayin  niya ko, papatayin na niya ako ate!, Sinabi ko sayo eh, sana di ko nalang sinabi" umiiyak na sabi niya saken, hinaplos haplos ko lang ang buhok niya at hinayaan siyang umiyak.

“No, you do well saying it to me, wala kang ibang ginawa okay?, Trust me,walang mangyayari sayong masama" pagsagot ko dito, takot na takot nga talaga siya sa mangyari.

Mahirap kalimutan ang isang pangyayari lalo na kung tumatak ito sa isip mo at mahirap pigilan ang nararamdaman dahil nakakasikip ng dibdib. Nangyayari ito parehas kay Mi-Z ngayon, hindi niya mapigilang ilabas ang nararamdaman niya na alam kong makakabuti sa kanya pero ang nangyari kung bakit siya nagka ganito, wala na akong ibang maisip na dahilan bakit ginawa yon ng babaeng yon,Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang naman sila nagkita at imposibleng kilala nila ang isa't isa lalo na sa nangyayari ngayon kay Mi-Z, Hindi ko alam kung anong problema, kung siya ba o yung pagkatao niya lang?.

Tumahan na din ito pagkalipas ng halos isang oras,mugto ang mata niya,namumula ang ilong lalo na ang mata at nagkalat ang mga luha sa muka niya.

“Hilamos ka muna don, hintayin natin si kuya Yuan" utos ko dito at tumango lang ito at pumunta sa kusina para maghilamos, kanina ko pa napansin ang matagal na pagdating ni kuya Yuan, kanina ko pa siya tinawagan at sinabi niyang nasa daan na siya.

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now