Chapter 17

403 28 0
                                    

Happy reading ✨
WARNING:




















Lame ang chapter na toh.hahahahaha

Zyna's Pov:

Naka-upo at bugnot ang muka kong nasa harap ng table ni kuya Loe,Napilitan akong pumunta dito dahil baka importante ang sasabihin niya.

Hinihintay ko lang siya dito dahil nasa meeting room pa siya,Anyway kong di niyo alam ay Accessories Company ang pinapatakbo ni kuya, ewan ko don,ka-lalaking tao ganon ang pinapatakbo.

Ngayon ko lang na knows na pati lalaki pedeng magpatakbo ng accesories com.,at mainggit kayo angganda ng mga klase ng accessories ang meron kami.

Siya mismo nag gagawa, angdami ngang sketch sa pader eh, nagka photoshoot pa pati kwintas at singsing, daig pa ako..charot.

At dont get me wrong,sariling kompanya niya toh at napatayo niya pagkatapos niyang mag-aral,tinulungan lang siya nina mom nung umpisa.

Kinuha ko nalang muna ang selpon ko para mag-tingin tingin sa mga balita at hot news sa internet

At akalain niyo mag asawa na pala sina Boobay at Tekla,naging lalaki na si Boobay at nagpalit na ng pangalan na Boyet.

(Pasensya sa balita,putcha sila agad nasa isip ko eh haha)
(Wag niyo yan paniwalaan,fake news yan haha)

Minsan talaga,kung sino pa yung magkaibigan yun pa ang nagkakatuluyan.
At minsan din kung sino ang hindi mo inaasahan ang siya ring mangyayari sa hinaharap.

Kaya kayo,simulan niyo ng landiin ang bestfriend niyo at kaaway ha!
I swear sila magkakatuluyan niyo,oo!

Di biro lang, baka sabihin niyo tinuturuan ko kayo lumandi.

"What are you thinking?" Napabalikwas ako ng upo ng marinig ang striktong boses ni Kuya,ayy shota nandito na pala siya.

"Ahh hehe,wala. Wala. Andito kana pala"

"Obvirous ba?" Sarkastiko niyang sabi,inirapan ko nalang siya dahil sa sagot niya. alam ko na ang feeling ng mga na-pilosopo ko.

"Ohh,ano yung sasabihin mo?Gusto ko nang matulog" sabi ko dito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"tsk.i just need need your help about this ring...." Sabi niya at may kinuhang sketch pad sa drawer ng desk niya

Inabot niya ito saakin kaya tinignan ko ito.

Kung nagawa man ito ay siguradong dudumugin dahil sa ganda,simple lang ang itsura pero pag tinitigan mo ay marami itong Desenyo.

Sa pagkakatingin ko sa sketch ay gold ring ito na may diamond sa gitna,Maraming Desenyo na moderno kaya sobrang ganda niyang tignan.

"Para saan?" Tanong ko kay kuya, alangan namang sumagot ako dito eh di ko alam anong klaseng singsing ang tinitignan ko diba.

" Enggagement ring yan,True diamond and have a style of modern art ng America,Balak ko sanang lagyan ng katutubong style pero taga ibang bansa ang ibang kliyente naten kaya hindi ko na tinuloy." Sabi nito habang nakaupo, tumango tango ako at tinignan pa ito.

"How Much?" Tanong ko ulit.

"I will sale it for 50,000. Masyadong maganda ang pagkakaayos Neto at malulugi tayo kung gagawin nating mura, dahil simula palang sa diamond ay mahal na" sagot nito na nagpa tango ulit saken.

May point siya don.

"And para yan kay Mr. hook, our client from America...." Dugtong niya,tumango tango ako sakanya.

"If ever na malaman to ng iba,Im sure they will buy one too. Napag-isipan mo ba yon" hindi nakatingin na sabi ko dito, tinitignan ko pa yung ibang detalye ng singsing dahil para itong may pinapahiwatig.
"Yeah, Hindi ako papayag,Its okay naman siguro kung papagawa nalang sila ng iba" sabi nito kaya tumango ako.

Nag usap pa kami ng ibang topic bago ako umuwi.

Kung iniisip niyong magka-galit ay hindi yon totoo, Nasa gitna kami ng magkagalit at Close. Hindi kami nag tuturingan na magkapatid sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko don sabi niya dati wag ko daw siyang tratuhing kuya dahil hindi din naman niya ako tinatrato na kapatid.

Hinayaan ko nalang dahil yun ang gusto niya, may pumuna din naman non at si Kuya Yuan yon, Alam kong mali na palitan ang tinuturing kong kuya pero hindi din naman maiiwasan lalo na kung nasasaktan at walang pakelam sayo ang kuya mo, kakausapin kalang pag may kaylangan sayo o kaylangang kaylangan na.

Noong hindi pa ako sanay ay gabi gabi akong umiiyak mag isa sa kwarto ko, hindi makapaniwala na nangyayari to saamin ng sarili kong kapatid, tapos nakikita ko pa na parang hindi siya apektado. Kahit hindi ko alam kong may dahilan ba o wala ay wala na din akong pakelam.

hindi naman talaga yon kapani-paniwala dahil close na close kami ng kapatid ko dati, yun bang kahit kagat ng lamok ay na mo-mroblema na siya pag nakagat ako, hindi ko man ipakita ay nami-miss ko din ang mga ganon bagay.

Pero alam ko na ako lang naman ang nakakamiss non. Nakakatawa lang isipin na mas nagiging kapatid pa siya sa iba naming pinsan kaysa sa saakin.

At eto ako walang magawa at nilalamon nanaman ng inggit kada nakikita ko yon, lalo na pag kay Patricia niya pa ginagawa.

Si Patricia Ann Santos ay isa sa pinsan kong babae sa side ni Mommy, anak siya ng kapatid ni mommy na si tita Arlyn.

Hindi maganda ang ugali nito at maarte,sunod sa luho dahil sa nag iisang anak.

At dahil parehas kami ng kaarawan ay siya pa ang sinasamahan ng pamilya ko, mas bata kasi saakin at paborito nina mommy. Sina lola lang tuloy ang kasama ko palagi, minsan pa ay nagmamadali si Kuya at sobrang laki ng ngiti kada birthday namin at nag kakanda-tisod na makarating lang agad sa venue ng party ni Patricia

Nakakaiyak man ay ngingitian ko lang sila, hindi ko na sila pinapansin at mag isa nalang pinag-diriwang ang birtday ko pag hindi makakapunta sina lola. Kasama ang mga alak at dilim sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama habang malayo ang tingin, hindi ko napansin na andito na pala ako, Tsk. Ganto ba ang apekto saken ng pamilya ko, nasusuka ako kung oo.

Dapat ay hindi ko na inuungkat ang mga bagay na ganon dahil hindi naman ata nila napapansin na lumalayo na ang loob ko sakanila dahil mas napapansin nila si Pat.

Hayaan na nga, wala naman sigurong mali kong lumayo ang loob ko sakanila, mas masasaktan sila kong ang loob ni pat ang lumayo eh.

Pumunta na ako sa cr para maligo ulit, binabanas ako kahit na sobrang lamig ng aircon.

Pagtapos ko doon ay nag soot na ako ng pang-tulog,at humiga na.

Malalim na ang gabi at hindi pa ako kumakain, mamaya nalang pag nagising ako sa gutom.

Alam ko namang hindi din nila ako gigisingin para lang kumain.











______________________________
Ohhhh::::

Yan na haha.
Pasensya sa naghintay at sa hindi nag hintay, sino may pake sainyo? Djk lang.
Salamat ng marami kasi naghintay kayo.

Nagkulang kasi ang oras ko sa module kaya ano ng oras ako natutulog sa gabi tapos sumasakit ulo ko at kamay dahil sa liit ng sulat ng mga soft copy ng module.

Bat ba ako nag-papaliwanag.

Hihi,jk lang

Thank you for reading and stay safe everyone- LJMAUN.







Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now