Chapter 29

290 22 1
                                    

Happy reading ♥️✨

Zyna's Pov

Pagkatapos ng hapunan namin ay siya ding pag akyat ko sa kwarto,gusto kong bisitahin ito dahil matagal narin nung huli ako ditong matulog at pumasok. Miss ko na din ang amoy at pakiramdam hihi.

Noong dumating ako ay ayos pa naman lahat,nilibot at binuksan ko ang kurtina para magkaroon ng liwanag ang kwarto ko,black and white ang kulay ng kurtina nito kaya madilim.

Pumasok ako sa Banyo para tignan ang mga gamit ko para sa paliligo, baka kasi ubos na ito at wala na akong magamit mamayang paliligo ko.

Habang nagtitingin ay  napansin ko ang isang camera,maliit at hindi mo ito mapapansin kaagad.

Kinuha ko ito dahil natandaan kong nilagay ko ito doon bago ako umalis at tumira sa dorm, dumiretso at umupo ako sa aking study table at kinuha ang laptop, kinabit ko ang USB at dinikit doon ang camera, sinimulan ko nang panoorin ang mga araw na wala ako dito.

Normal lang naman ito at walang mali pero noong isang araw ay nakita ko ang pag bukas ng pinto ng banyo, pumasok doon ang isang babae.

Na ka dress na kulay pink,muka itong si Nica kung titignan,parehas sila ng hubog ng katawan pati na ng kamay na mayroong tattoo, mayroon siyang maliit na rosas na itim sa may kamay niya,para lang itong tuldok na mas malaki ng ka unti sa taling.

Masuri itong tumitingin sa mga gamit ko at naka-ngising tumingin sa salamin,sa totoo lang muka siyang baliw sa ginagawa niyang pag kausap sa sarili.

“Dadating ang araw, makukuha ko lahat ng sayo,walang matitira kahit isang tao na maniniwala sa mga paratang mo tungkol saken, lahat sila maniniwala at ako ang mamahalin...." Naka-ngising saad nito sa salamin.

Hindi ko man alam kung sino ang tinutukoy niya pero hindi imposibleng ako yon, may galit ata saken ang putanginang toh.

Pero sa sinasabi niya,alam ko na ang balak niya,uunahan ko lang naman siya at siguradong mawawalan din ng saysay ang lahat ng balak niya.

Mhm, paano ba? Mukang magkakaroon ako ng mapaglilibangan at  gagawin nitong mga susunod na araw ah.

Tinanggal ko ang usb sa laptop at tumayo, pumunta ako sa big size Teddy bear na nasa gilid ng kwarto,inupuan ko ito at tinitigan sa mata,kulay pulang ilaw ang tinitingnan ko,dahan dahan ko itong kinuha at tumayo na.

Katulad ito ng nasa banyo,itim nga lang ito at puti ang nasa banyo,kakulay ng pader doon.

Ipinalit ko ito sa camerang nakuha ko sa banyo at pinasok ulit sa laptop, hinanap ko ang oras at araw ng pagpasok ni Nica sa banyo para panoodin kung ano ang ginawa niya dito.

Noong nahanap ko na ay sinimulan ko na itong i-play, walang kahirap-hirap itong pumasok dito,wala itong pakelam kung mapapansin ba siya o hindi, mukang pabor sakanya ang mga bagay basta't napapaikot niya ang ina ko,walang magawa si dad basta't si mommy na ang gagawa, ayaw niya ding saktan si mom kaya hinahayaan niya nalang ito,at mukang sakanya nahihirapan si Nica.

May ngiting nakakasira ng araw ang muka nito pagkapasok, nagtingin tingin  ito sa loob ng kwarto ko at bigla bigla nalang ngingiti pag may nagustuhan,pinapadulas ang kamay sa bawat bagay na akala mo ay sa kanya ito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil malayo siya sa camera at parang bulong lang ang naririnig ko.

Binuksan nito ang pinto papuntang Damitan ko at bigla nalang nag tatalon,ngingiti ngiti itong pumasok doon,mamaya lang din ay lumabas na itong may dalang mga damit,mukang kinuha doon.tsk.

Nilapag niya ito sa kama at humiga din doon,niyakap ang unan at parang kilig na kilig--ayy putcha! Baliw ata tong naampon ng mga magulang ko.

Tumayo ito at nag sasayaw na parang baliw, tang-ina alam ko namang ganon din ako pag kinilig pero hindi naman ako mukang baliw,baka kiligin din ang mga makakita saken na gumaganyan ako eh.

Niyakap pa nito ang bear na pinag didikitan ng camera pero buti nalang hindi niya ito napansin.

Maya maya lang noong matapos na ito sa katalandian niya ay pumasok na itong banyo na napanood ko na naman.

Pinatay ko na ito at binalik ang mga camera sa tama nitong lagayan,kaylangan kong ituloy ang paglalagay nito para malaman kung sino pa ang mga makakapasok dito.

Dinagdagan ko din ng camera ang kwarto ko,naglagay ako sa WIC at veranda ng kwarto ko.

Nag baon narin ako ng ilang camera at lumabas ng kwarto.

Nagkunyaring naglilibot ako sa buong bahay para maidikit ang mga ito kung saan saan.

Nilagyan ko ang bawat hallway,banyo,veranda at iba pang kwarto dito, naglagay na din ako sa kwarto nina mom para malaman ko ang ginagawa nila,magpapaalam nalang ako kay dad mamaya bago umuwi.

Dumiretso ako sa kwarto daw Nica para maglagay din doon,habang nag lalakad ay nakasalubong ko si mommy.

“Mom,saan ka galing?" Tanong ko dito, nginitian ako nito bago sumagot,“ ahh,galing ako sa kwarto ni Nica, tinulungan kong maglinis ang mga kasambahay para naman malinis ang tulugan ng kapatid mo,ohh,where you going?" Balik nitong tanong,tumango ako dahil sa pagpapaliwanag niya at nginitian din siya.

“Well,wala po akong pupuntahan but i got curious where Nica's bedroom,can you say where is it?" Tanong ko dito,tinuro naman nito ang daan at nalaman kong tinanggal na nila ang play room dito sa bahay dahil matatanda na daw kami at wala ng oras para doon.

Malaki ang play room ng bahay namin,sa totoo niyan ay mas malaki pa iyon kaysa sa WIC ko sa kwarto, mukang pinipili nila ang kagustuhan ng bruha kaysa sa gusto nila.

Noong makapasok ako doon ay kulay pink at white ang theme ng kwarto,puro cute things lang ang nandoon at kung ano ano pang pink at white.

Sinimulan ko ng dikitan ang ibat ibang parte ng kwarto bago lumabas.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ko ng walang nakakahalata, sinimulan ko na din  night routine ko bago matulog.

_____________________________
Hello!!

So i update na po ngayon at sa tingin ko po ay matagal na ulit ang susunod ng update,thank you po for supporting and reading and sana ay nag enjoy kayo sa chapter na toh.

Yung lang Thank you✨























Section L Girl (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon