Chapter 39

254 17 1
                                    

Happy reading 🥺♥️

Zyna's Pov

         Mi-Z knowing about her is scaring me. Hindi pwedeng sabihin niya to sa iba lalo na ngayon na hindi pa ako handa.
Oo alam ko na hindi to dapat paghandaan pero hindi ko mapigilan na hindi kabahan, hindi pa talaga ako handa sa mga sasabihin nila tungkol sa akin, hindi pa ako handa na masabihan ng masasamang salita and being judge about this thing.

Knowing the girl my mom's adopt, alam kong hindi siya katalinuhan sa pag-gagawa ng plano.tsk.

Nalaman ko nga agad ang plano niya first time i see her eh.

Bahala sina mommy kung papa uto sila o hindi pero mukang nawalan na sila ng senses dahil na-uto na sila. Hindi sila madaling utuin, dibale nalang kung tinira sila patalikod.

“Hey are you okay?" Napa-balik ako sa realidad dahil sa tawag saken ni Trevor, napabaling ako dito ng may nagtatakang mata.

“Why?" Tanong ko dito, “You think so much, muntik ka nang tumama sa wall, you know?" Taas kilay nitong sabi saken, napatingin ako  sa kinatatayuan ko, nasa tabi na pala kami ng Dorm Building namin at nasa tabi ko lang ang pader na muntik ko na daw mauntugan.

Ngumiti ako dito ng may pag aalinglangan dahil nahihiya ako, Who wouldn't? Someone see you being space out while walking, siguradong mapapahiya ka don, at lalo na kung hindi mo ito kilala at hindi kayo close.

“Sorry, im just thinking of something" saad ko dito, tinaasan ako nito ng kilay kaya napatingin ako sa kabilang dako para maiwasan ang tingin niya.

You look problematic,so i think its really a big deal" sabi nito, tumingin ako dito at ngumiti, hindi ko alam  kung ngiti ba yon o ngiwi.

“Your right,but its my personal problem" sabi ko dito, tumango ito at tinalikuran na ako para maunang maglakad.

Nakatayo lang ako doon ng ilang minuto bago ituloy ang paglalakad, sinigurado ko nang wala na akong iisipin na iba para hindi na ako ma space out.

Pagdating sa pintuan ng dorm ko ay agad ko itong binuksan at hinagis ang bag sa kama bago pabagsak na humiga.

Tumitig lang ako sa kisame mulat na mulat ang mata.

Paano nalang kung malaman nila ang tungkol doon sa inampon nina mommy at doon siya mapasok sa section L, sasabihan kaya nila ako ng masasamang salita pag may sinabi ako dito na masama? Mauuto din kaya sila katulad ni mommy? Iiwan ba nila ako dahil sa kaniya? Pipiliin ba nila siya kaysa sa akin?

Tanong lang ako ng tanong sa sarili ko pero hindi ko din ito masagot, kaylangan ko ng makakausap tungkol sa mga bagay na katulad nito.

Hindi ko kayang sarilihin ang mga gantong bagay pero pinipilit kong wag sabihin sa iba, ayaw kong maka dagdag sa mga problemang dinadala ng pinagsabihan ko nito, mas maayos na yung ako lang ang nakararamdam nito, ayaw kong mangdamay.

Tumayo ako ulit at laglag ang balikat na naglakad sa Banyo, balak kong mag half bath para lumamig naman ang ulo ko tungkol sa mga problemang ito.

Kaya minsan ayaw ko talagang magisip ng mga problema dahil sumasama ang pakiramdam ko. Mas lalo lang akong nag o-over think tungkol sa bagay na yon hanggang sa hindi makaya ng katawan ko at siya na mismo ang bumagsak.

Umupo ako sa bathtub at huminga ng malalim, naka titig sa kawalan, punong puno na ng ulap ang isip ko kaya wala akong maisip na solusyon sa problema na to.

Mas maganda siguro kong sabihin ko nalang sa kanila ang mga nasa isip ko ngayon, hayaan silang tapunan ako ng masasamang salita at bahala na sila kung ano ang iisipin nila.

Huminga ako ng malalim bago mag-banlaw, may naririnig kasi akong katok mula sa pintuan eh.

Tumayo na ako at sinuot ang kulay black na dress na pang tulog, bilis bilis akong tumakbo sa pinto para pagbuksan ang taong iyon.

Napa atras ako ng kaunti dahil sa gulat, nasa harapan ko si Mi-Z na lantang lanta ang katawan. Muka siyang sinakyan ng tatlong kabayo sa likod dahil sa muka niya.

“Anong nangyari sayo?" Tanong ko dito, tumingin ito sa akin na para bang iiyak, “Pwede bang pumasok ate?" Tanong nito saken pabalik, binuksan ko ng malaki ang pintuan at gumilid para makadaan siya, lanta itong   umupo sa sofa.

Sumunod ako at umupo din sa katabi niyang upuan, “Anong problema Mi-Z?" Tanong ko ulit dito,nag aalala na ako dahil hindi ako sanay na ganto ang muka at kilos niya.

Tahimik lang siya at walang sinabi pero narinig ko ang mga pag hikbi niya kaya nataranta akong umupo sa tabi niya, “Bakit? May umaway ba sayo? May masakit? Ano? Sabihin mo?" Naaalarma kong sabi dito habang hawak ang pisngi niya, pinupunasan ang mga luhang pumapatak.

Mas lalo lang itong umiyak kaya niyakap ko ito, hinayaang umiyak sa dibdib ko dahil ayaw kong makita ang muka niya, masakit makita ang kapatid o mahal mong umiiyak. Parang feeling ko, gusto ko nalang patayin ang gumawa nito sa kaniya para mabigyan ng hustisya ang pag iyak niya.

Handa akong manakit ng kahit sino basta saktan lang nila ang mga mahal ko, kaya siguro hindi ako nagkaroon ng kapatid, dahil pag nagkaroon man, marami na akong napatay dahil sa pag pagpaiyak nito dito.

Napabuntong hininga nalang ako at hinimas ang likod niya upang pagaanin ang loob niya.

__________________________

Hello!! Thank you for reading

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now