Chapter 35

268 17 0
                                    

Happy reading

Zyna's Pov

Nagising ako ng masama ang pakiramdam, masakit ang ulo ko, nilalamig at nahihilo.

Fuck.

Di ako makatayo, pinilit kong umupo para sana tignan kung asaan ako, hindi ko magalaw ng maayos ang paningin ko dahil sumasakit ang ulo ko.

Malapit na sana akong maka upo nang may biglang humawak sa dibdib ko at pinilit akong i-higa ulit.

Dahil wala akong lakas ay mabilis lang akong napahiga. Tinignan ko ng may kunot na noo ang taong pinahiga ako pero mabilis din nawala noong makitang si kuya Yuan pala yon na seryoso akong tinitignan.

“Humiga ka lang Ash" utos nito sa akin, tango lang ang sagot ko dahil feeling ko,tuyong tuyo ang lalamunan ko.

“Tu-tubig"  pilit kong sabi, kaylangan na kaylangan ko na talaga ng tubig para maayos ang lalamunan ko,ayaw ko ng gantong pakiramdam.

May tinignan siya at may narinig akong mga tunog ng apak palapit sa amin, may nag abot kay kuya ng isang basong tubig at inabot sa akin.

Tinulungan niya akong umupo para maka inom at doon ko lang nakita ang mga kasama namin dito.

Zero at Yula.

Nasa paanan ko sila dahil may sofa doon na naka harap sa akin, seryoso ang muka ni Zero na nakatingin sa akin habang nakatingin lang sa akin ng normal ang pinsan ko.

Nilapit ni Kuya ang tubig sa bibig ko kaya uminom na ako, pinilit kong lunukin dahil parang may naka bara sa lalamunan ko.
Walang mangyayari kung hindi ko lulunukin,mas lalo akong masasaktan.

“ayos ka na bah insan?" Tanong ni Yula pag katapos kong uminom, tumango ako kahit na hindi naman talaga.

Anong magagawa ko, pag umiling ako mararamdaman ko ang utak kong parang naiiwan at ayaw kong maramdaman yon.

Binalik ako ni Kuya sa pagkakahiga, nakatingin lang silang tatlo sa akin kaya na iilang ako pero hindi ko nalang pina-halata, normal lang na nakatingin sila saken kasi ako ang may sakit, walang masama don kaya hahayaan ko nalang.

“Sinabi ko sa kuya mo ang nangyari sayo" maya maya'y sabi ni kuya sa akin, napalingon ako sa kanya.

Seryoso siya kaya na sisigurado kong hindi siya nag bibiro, tama naman talaga ang ginawa niya pero ano naman ang pakialam ni luya Loe don, kahit nga yata mamatay ako ay wala pa rin siyang pakialam sa akin, lalo na at nandito at nag e-exist na ang ampon nina mom. Oo, masakit saken na may bago na silang anak pero anong makukuha ko kung mag papamakaawa   ako saka nila, andiyan na siya at meron nang problema.

Hindi naman magtatagal yan, malalaman din nila ang balak niyan sa kanila at nasisiguro kong babalik sa dati ang lahat pag nangyari yon.

“Ash? Don't think so much, lalala ang sakit ng ulo mo" sabi ni kuya na nagpabalik saken sa wisyo. Tumango lang ako at bumuntong hininga, pakiramdam ko ay nagiging pabigat ako ngayon. Dapat ay nasa klase si kuya o kaya nag aaral sa tabi tabi pero nandito siya at binabantayan ako.

“Kuya, tawagan mo nalang si Xyvo o si Claire kung naaabala kita" pilit na saad ko dito.

Ngumiti ito sa akin at mahinang natawa, “Ash, kaylan ka pa naging abala? Ngayon na nga lang kita maaalagaan,pinapaalis mo pa ako" parang nagtatampong sabi nito kaya natawa ako.

“Dont worry, kahit kaylan di ka naging abala, pagalingin mo nalang ang sarili mo,okay? And please, stop stressing your self,lalo na kung its not worth it." Biglang seryoso ngunit may pag lalambing na sabi nito. Lalo naman akong napangiti, sanay na kaming mag iba iba ang mood ni kuya na para bang may mens siya, pero hindi naman ito nag iiba agad kung hindi kailangan.


_____________________
Thank you for reading ♥️✨

Bigay ko na sainyo hihi,matagal ulit ako di makaka update.
Wait nlang kayo ang thank you ulit♥️

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now