Chapter 32

284 21 1
                                    

Happy reading ♥️

Zyna's Pov

Pag dating namin sa Dorm na sinasabi nila ay kanya kanya ang mga kaklase namin ng ginagawa, May nag lalaro ng jack stone,snake and ladder at may naglalaro din naman ng chess,iba naman ang ginagawa ng matitino kong kaklase.

Sila lang ang nag-hahanda ng mga kaylangan, May nag luluto ng popcorn, may nag-hahanda ng chit-chirya at inumin,Nag papasalamat parin ako at may matitino pa sa mga kaklase ko.

Matino naman sila lahat, sa totoo nga niyan ay sobrang tatalino nila pero minsan talaga ay lumalabas yung pagiging mapaglaro nila na hindi mo maiisip na matatalino sila.

Well,hindi naman ako nag re-reklamo dahil kung hindi sila ganon ay magiging boring ang school days ko,mas gusto ko parin silang kasama kaysa sa mga matatalinong, hindi marunong mag enjoy sa buhay.

“Andito na pala sina Zyna" biglang sabi ni Kian na nagpatigil sa kanila, sabay sabay silang lumingon sa mga ito ng may ngiti sa labi.

“Wow,napapayag niyo"
“Buti nalang at sumama ka Zyna"

At marami pa silang sinabi na hindi ko na maintindihan dahil sabay sabay na silang magsalita,parang biglang naging magulong lugar ang kaninang sari-sariling gawa.

Ngumiti lang ako at umupo katabi ni Kuya Yuan na busy sa pagbabasa,buti nalang at hindi siya naiinis sa mga kaklase namin kung hindi ay kanina pa silang umiiyak lahat.

Masakit mag salita si kuya pag galit,kaya ayaw kong magalit siya saken kasi talagang matatamaan ka sa lahat ng sinasabi niya.

Pero hindi naman siya basta basta nagagalit na pinagpapasalamat ko o naming lahat na kasama niya dito sa dorm.

“Akala ko hindi ka pupunta" biglang sabi nito saken,tumingin ako dito ng nag tataka,“How do you said so?kuya" tanong ko dito

“I know you Ash,your not a fan of something like this and your an Introvert,you want to be alone that even us,ayaw mong makasama" iling na sabi niya,natawa nalang ako,kilalang kilala niya ako at hindi na ako nag tataka doon,kasama ko sila ni Yula sa paglaki at minsan minsan lang mapag hiwalay.

“Si Mi-Z ang may kasalanan,para siyang butiki kanina" sabi ko at natawa, bigla ko ding natandaan ang nangyari kanina na lalong nagpatawa saken,hindi ko na mapigilan lalo na noong matandaan ang sipon na naka kalat sa muka ni Mi-Z, halos hindi na ako makahinga kakatawa noong mapansin ko na  nakatingin lahat saken ang mga kaklase ko.

“Shet,may suma-sanib ata kay Zyna"
“Baliw na siya"
“Hello guard may baliw po dito"

Dahil sa pinagsasabi nila sy bigla akong nahiya,kahit sina Lewis na nasa kusina ay nakatingin saken ng nagtataka at si Jasper naman ay talagang hinuhusgahan na ako,at hindi niya yun tinatago,lalo tuloy akong nahiya.

Ganon na ba ako kalakas tumawa?

Napa-iwas nalang ako ng tingin lalo  na ng tignan ako ng nag aasar ni Zero, tanginang toh, sinisimulan na naman ata niya akong asarin.

Napatigil ako sa pag mumura ng marinig ang pigil tawa ni kuya Yuan, napatingin ako sa kanyang pulang pula na ang muka dahil sa pag pipigil,kung hindi lang ako nahihiya ngayon ay ako ang unang tatawa sa kanya.

Nahampas ko na lamang siya sa braso ng hindi na nito napigilan ang tawa niya.

“Kuya naman eh!" Inis na sabi ko dito ng hindi na siya tumigil sa pag tawa,Nakahawak na ito tiyan niya at hindi na makahinga.

Ako naman ang tumawa ng mabi-laukan  ito sa sariling laway,napa palo ako sa binti ko dahil sa pag tawa,gusto ko sana ituloy pa ang pagtawa pero ayaw kong magaya kay kuya kaya pinilit kong tumigil,dinig ko din ang tagong hagikgikan ng mga kasama namin dito.

“Stop it,you look like a baliw" biglang saad ni Lewis na hindi ko napansin na papalapit na sa amin at pinatong ang dalawang malalaking mangkok ng popcorn.

Yung accent niya talaga yung napansin ko,putcha,conyo siya gurl...
Gusto ko tuloy maging conyo din pero ganon ka expensive, hindi siya yung kalyeng conyo katulad nung mga maarteng gurang.
bhes may American accent yung conyo haha

“Expensive accent, sanaol" na saad ko nalang dahil kahit anong gawin ko hindi naman magiging ganon ang accent ko, inggitera ako eh, inggitera kaya gusto ko din ng ganong accent .

“Im Lewis, what do you expect?" Mayabang na saad nito na nag pa irap saken,sana pala di ko na sinabi para hindi siya nagyayabang ngayon.
Lumalaki ulo ng mga toh pag nakaririnig ng mga ganon eh.

Napunta sa tv ang pansin ko nung marinig ko itong tumunog, binuksan na pala nila ang Tv kasi naayos na lahat ng kaylangan namin.

Umayos na ako ng upo at pati na rin ang mga kaklase ko, nasa sahig ang iba dahil hindi kami nag kasya sa sofa, yung iba naman ay nakahiga at feel na feel ang higaan.

“Ano gusto niyong panoodin?" Tanong ni Claren na may hawak ng remote,ngayon ko lang siya narinig mag salita dahil sobrang tahimik niya,kaya ata niyang wag mag salita ng isang linggo.
And fuck men,anghinhin ng boses niya,para siyang hindi lalaki kung mag salita,Para siyang babaeng hindi maka basag pinggan,nahihiya na tuloy akong mag salita,boses kargador ako eh.

Ang hina pa ng boses,akala mo bumulong lang,kung may nag sasalita man na isa saamin nung nag salita siya hindi na namin siya maririnig,buti nalang busy sila sa pag aayos ng pwesto.

“Maganda panoorin ang romance" saad ni Felix, isa isa namang nag reklamo ang mga kasama namin dahil sa sinabi niya

“Lover boy si Felix,mas gusto ang romance" sabi ni Leo na nakatanggap ng irap kay Felix,gusto ko sanang maki-asar pero baka mapikon na tong isa haha.
“Maganda din ang fantasy" Saad din ni Sam, napunta naman ang tingin ng mga kasama namin sa kanya at sinimulan din siyang asarin.
“Sam and the 7 little dwarves hahaha" asar pa nila dito na nag patawa saken, ang lakas nilang mang asar kaya naambahan sila ni Sam ng suntok buti nalang di niya tinuloy.

“Tanga Disney yon" batok nito kay
Leo, “Tanga ka rin,ang Disney may fantasy" bawing saad din ni Leo at binatukan din siya, “Pano mo nasabi?" Nag aasar na tanong ni Sam sa kanya

“Bobo kaba,pano napapa-sunod ni Moana yung tubig?pano umi-ilaw yung  buhok ni Rapunzel tapos bakit nag ka roon ng bruha don kung hindi yun fantasy ha?ha?" Inis na sabi nito at dalawang beses na binatukan si Sam noong sinabi niya ang ha?ha?.
Hindi na ako mag tataka kung maalog ang utak ni Sam dahil sa ginawa niya.

“Tumigil nga kayo,Horror nalang panoodin natin" inis na sabi ni Jasper, Sumang ayon naman kaming lahat sa sinabi niya at sa huli ang pinanood namin ay horror movies.

Naka tapos kami ng tatlong movies na may kasamang sigawan at takutan, May umiyak pa nga dahil kinulong sa CR at pinatayan ng ilaw haha.

Ang masasabi ko lang,ang sayang maging Section L,matalino ka man pero hindi boring ang school days at hindi ka namomroblema mag isa sa Acads.

_______________________________
Yun lang,ingat kayo lab lab...

Oo nga pala, hindi ako nakapag update last sunday because i am just a little poor baby girl na naubusan ng load hahaha,charot...
Patawad, naubusan kasi ako ng load,hindi ko alam na wala na palang 1g ang data ko at naubos ko kaka nood sa YT hehe,pasensya na labyuu...

Section L Girl (Slow Update)Where stories live. Discover now