PROLOGUE

113K 2.2K 355
                                    

"Let's give a warm welcome to the new Mayor of Manila, Mayor Dion Dawson." And then everyone clapped, while watching him standing in front of them.

He's smiling, while waving his one hand. He's the new handsome and hot mayor.

Sa taglay nitong kagwapuhan ay maraming mga kababaihang hindi maiwasan at mapigilang mahulog sa kaniya, and the fact that he's kind.

Isa siya sa mga pinakabatang naging Mayor. Hindi rin sila nagsisi na siya ang ibinoto nila, dahil higit sa gwapo ito, ay matalino rin. Alam nilang magiging maganda ang pamamalakad nito ngayon siya na ang Alkalde.

Makalipas ang isang oras ay may nagtanong din sa kaniya, mas lalo silang humanga dahil sa mga malinaw niyang sagot at paliwanag, dahil sa mga sagot pa lamang niya ay alam mo na talagang magiging maganda ang pamamalakad niya at siya ay may pangarap at pangako para sa kaniyang bayan, sa kaniyang nasasakupan, hanggad nitong mas umunlad pa ang Manila.

Noon paman ay maraming humahanga sa kaniya, kaya ng malaman nilang tatakbo ito bilang Alkakde ng Manila ay nagtitiwala sila sa kaniya at buo ang suporta nila kay Mayor Dawson.

Mag-isa lamang na naglalakad ang alkalde, patungo sa kaniyang opisina. Isasara na sana niya ang pintuan ng kaniyang opisina ay napatigil ito, dahil nakuha ng atensyon niya ang isang babaeng dumaan sa harap ng opisina niya.

Halatang hindi rin siya napansin ng babae, dahil sa paglalakad pa lamang nito ay halatang nagmamadali ito.

Ngunit hindi niya maitatanggi na maganda at elegante ang babaeng, hindi niya kilala at kung sino ang babaeng iyon.

His forehead forrowed when he noticed the woman at walang pagdadalawang isip na sinundan niya ang babaeng dumaan. Hindi niya alam kung bakit nagawa niyang sundan ang babaeng dumaan lamang kanina.

Hinanap niya ito, binabati rin siya ng mga nakakakilala sa kaniya at nginingitihan lamang niya sila, pero patuloy parin siya sa pag tanaw kung nasaan ang magandang binibini ang dumaan kanina.

Pumunta siya sa may guard at tinanong niya ito.

"Magandang gabi po Mayor!"

"Good evening, but did you see a woman who's wearing a fitted red dress? She's beautiful, matangkad rin siya and I remember ay may hawak rin siya, I can't literally describe her dahil mabalis itong maglakad kanina. Did you see her na dumaan dito?"

Napakamot naman sa ulo ang guwardiya dahil sa sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

"Mayor, pasensya na po ngunit wala po akong nakita or napansin na dumaan dito kaninang babae na tinutukoy mo, baka po sa may kabilang dalaan siya dumaan."

"Okay, thanks!" He said at naglakad na muli ito papunta sa may kabilang dalaan, kung saan ang parking lot dito sa munisipyo.

Ramdam ng Alkalde ang pagod, ngunit mashadong napukaw ang atensyon niya mula sa babaeng dumaan kanina sa harap ng opisina niya. 

Kapag hindi niya nakita ang mukha nito ay hinding hindi siya makakatulog ngayong gabi.

Napahinto sa paglalakad ang bagong Alkalde ng Manila, tumingin ito sa itaas kung saan ang tapad ng cctv.

Nabuhayan siya ng loob, sa kaniyang naisip. Tama, ang mga nagkalat na cctv dito ang mas magpapabilis para matukoy niya kung sino ang magandang binibining iyon.

Pagkapasok niya muli sa loob ng kapitolyo ay napatigil siya, dahil bumungad sa harapan niya ang mga camera man at ibang reporter.

Hindi maiwasang mairita ang Alkalde, dahil kailangan niya magmadali at mahabol ang babaeng nakapukaw ng pansin niya.

Habang tinatanong siya ng mga reporter, ay nagawa parin niyang sagutin ang mga katanungan nila. Mabuti na lamang at dumating ang Vice Mayor, at siya naman ang tinanong.

Habang sumasagot ang Vice Mayor, ay tahimik lamang ito at nakatingin lamang sa paligid.

Napakunot ang noo niya, hinding hindi siya nagkakamali sa kaniyang nakikita. Dumaan ang babaeng nakapukaw ng pansin niya, may kasama na ang babae at marami sila.

Tumingin muli siya sa tabi niya, bago pa magpaalam na aalis na ito.

Malaki at mabilis ang paglakad niya para mahabol ang magandang binibining iyon. Nang makita niyang nasa labas na sila ay lalapitan na sana niya ito, pero may dumating na isang itim na van at pamasok na sila roon.

Seryoso at mariin na nakatitig ang Alkalde sa isang magandang binibini na kaniyang hinahanap kanina.

Isasara na nito ang pinto ng van, at sa hindi inaasahan ay napatingin rin sa pwesto niya ang magandang binibini. Tila huminto ang mundo niya, at tanging siya at ang magandang binibini lamang na 'yon ang nandito.

Her beautiful angelic face, hindi nakakasawang titigan ang mukha niya. Napakaganda niya at perpekto. Mabilis ang pagtibok ng puso ng Alkalde.

Hanggang sa mawala na sa paningin niya ang sinasakyan ng binibining iyon, hindi niya alam kung anong pangalan ng babaeng, but he will do everything to find out kung sino ang babaeng iyon na nakapukaw ng pansin niya at ang kauna unahang babaeng nakagawang patibokin muli ng ganon ang puso niya.

He can't help but to smile like idiot, marami ring nakatingin sa kaniya ngayon, pero ang nasa isip lamang niya ay ang babaeng nagpatibok muli sa puso niya.

And he realized, that he wants her to be his woman. She's the woman who made his heart beats again after 20 years.




I A M _ R I E N W R I T E S

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon