CHAPTER 8

43.7K 800 128
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

Matapos ang mapusok nilang paghahalikan ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng elevator, ganon na lamang ang pagkagulat nila ng makita na ang sekretarya pala ito ni Vienna.

Halatang gulat na gulat ito sa kaniyang nasaksihan. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at palipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nasa loob ng elevator.

Mabilis na itinulak ni Vienna, si Mayor Dion, pareho silang hindi makatingin sa babaeng nasa harapan nila.

Paniguradong nakita nito ang naganap sa kanilang dalawa dahil magkadikit ang kanilang mga labi ng bumukas ang pinto ng elevator.

Tinignan ni Vienna, kung nasa floor na ba sila kung saan ang opisina niya at napagtanto niyang nandito na sila sa floor kung saan ang office niya ay tumayo siya ng matuwid and she confidently walk na para bang walang kababalaghan na nangyari.

Pinipilit niyang hindi makatagpo ang mata nila ni Mayor at pati narin ang sekretarya niya. Mabilis siyang naglakad at iniwan niya ang dalawa sa may elevator.

Mas binilisan pa niya ang paglalakad at kaagad na binuksan at isinarado ang pinto ng opisina niya, at doon na lamang siya nakahinga ng maayos, dahil kanina ay para siyang nasasakal at nawawalan ng hangin.

Pumunta siya sa mini kitchen niysa loob ng office niya at uminom siya ng tubig. Napahawak siya sa bandang puso niya dahil mabilis ang pagtibok nito. Hindi niya alam kung bakit nga ba ganito ang kaniyang nararamdaman.

Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya dahil nahuli sila ng kaniyang sekretarya na magkadikit ang mga labi nila ng isang sikat na Mayor at hinahangaan ng lahat at baka ipagkalat nito sa iba o kaya naman ay kinakabahan siya at nabigla dahil muli nanaman naglapat ang mga labi nila ng Alkalde.

Hindi na niya alam pa. Hindi siya makapag-isip ng maayos. Mashado siyang naguguluhan sa lahat. Andami niyang what if at andaming tanong na hindi alam ang sagot.

She was about to go in her table but suddenly she stopped when she saw her face at the whole body mirror. She's just looking at her reflection, and the handsome face of Mayor Dion, popped in her mind. Kaya mas lalong lumakas ang tibok ng kaniyang puso.

"Dion!" She whispered. Hindi niya namalayan na ngumiti na pala ito habang napakasariwa at malinaw parin sa kaniyang isipan ang imahe ng Alkalde.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Mahinang tanong niya sa kaniyang sarili, ngunit ang hindi niya alam ay narinig pala ito ng Alkalde.

Pinapanood lamang niya si Vienna, na tulalang nakatingin sa salamin. He smiled when he saw that she's smiling, and not a fake smile. The smile that he really want to see every second, every minute, every hour, and every day.

Hindi nga talaga siya nagkakamali dahil napakaganda na nga nito, ay mas lalo pa siyang gumanda lalo na kapag ngumingiti.

Wala siyang pinagsisihan na nahulog at minamahal niya ngayon ang isang Vienna Serein Flores Santiago, sa loob ng isang buwan ay una palang ay nahulog na siya sa kaniya.

Wala siyang pake kung sungitan man siya araw-araw, basta para sa kaniya ay makausap at makasama lang niya si Vienna, ay buo na ang araw niya.

Habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhulog kay Vienna, mas lalong lumalalim ang pagmamahal niya para sa dalaga kahit napakasungit at seryoso nito. Sa katunayan ay mas lalo nga siyang nahuhulog sa dalaga kapag naiinis ito o nagagalit sa kaniya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at walang pagdadalawang isip na palihim niya itong kinuhanan ng litrato.

Mashadong nalipad ang pag-iisip ng mahal niya kaya naman hanggang ngayon ay hindi parin nito namalayan na kanina pa siya nakatayo at nakatago sa may pintuan.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon