CHAPTER 5

54.8K 972 174
                                    

VIENNA'S POINT OF VIEW:


Paika-ika akong naglakad habang papasok sa bahay ko.


"Ma'am! Ma'am!" Napabaling ang tingin ko sa driver ni Dad. "Sigurado po ba kayo na---" napatigil siya sa pagsasalita ng inilahad ko ang palad ko sa kaniya na huminto sa pagsasalita.


"Just go home. I can walk." Mahinang sambit ko sa kaniya at nagsimulang maglakad uli.


Pinilit kong maglakad nang maayos kahit ang totoo ay gustong-gusto ko ng mag-mura ng malutong sa sobrang sakit talaga ang paa ko, dahil sa pagkakatapilok ko kanina at kasalanan 'yun ng mga letcheng bato.


Tatanga-tanga ang mga batong 'yon. Alam na ngang may dadaan bakit hindi pa sila ang nag-adjust na tumabi sa dinadaan diba? Ako pa tuloy ang nasaktan.


"Ma'am, sigurado ka po ba talaga? Parang namimilipit na po kayo sa sakit---"


"Shut up! Just go home." Iritang ani ko. Hindi ko na siya pinansin pa at nagsimulang maglakad uli. Tiniis ko ang sakit hanggang sa tuloyan na akong makapasok sa loob ng bahay ko.


'Agad akong dumiretsyo sa may sala at pagod na umupo. Mabilis kung tinanggal ang heels ko at inis na inilapag ko ito sa white carpet.


"Ma'am Vienna . . ."


Napahinga ako ng malalim at inis na binalingan ng tingin ang driver ni Dad. Ano pa bang ginagawa nito dito? Hindi ba't pinauwi ko na ito kani-kanina lang?


"Ma'am, nakalimutan mo po." He said at saka niya ini-abot sa 'kin ang bag at folder na bigay sa 'kin ni Dad, na naglalaman ng information ni Mayor.


"Sige po, ma'am. Alis na po ako." Mahinang sabi niya at akmang aalis na ito ngunit bigla itong napatigil dahil sa aking huling sinabi. "Thank you." Lumingon siya sa 'kin at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "You're Welcome, Ma'am Vienna." Tumango lamang ako at kaagad na ito nawala sa paningin ko.


Napailing na lamang ako dahil sa driver na 'yon. Well if I know baguhan lamang siya na driver nila Mom and Dad. Masasabi ko na gwapo ito at sa tingin ko ay nasa 30's na siya, ngunit hindi mo naman mahahalata dahil napakabata ng mukha niya. And it's my second time to encountered him.


Kaagad kong kinuha ang nga gamit ko at paika-ika parin akong naglakad habang papunta sa kuwarto ko. Tamad akong humilata sa kama at hindi narin ako nagpalit ng damit dahil sa sobrang pagod.


Pinagkatitigan ko ang paa ko, kinuha ko ang lotion na nasa hindi kalakihang drawer.


"Ahhh! Shit!" I can't stopped myself to cursed while gently massaging my feet. Hindi ko rin maiwasang mapapikit dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Masakit na masarap.


Baka napilayan na nga rin ako. "Ughh! Ang sakit." Kaunti na lamang at maiiyak na ako dahil sa sobrang sakit ng paa ko. From now on magiging hate ko na ata ang mga bato. Paniguradong mahihirapan akong maglakad bukas nito, paano pa ako makakapagtrabaho? Pupunta na lamang ako sa hospital bukas at baka nagkafracture pa itong paa ko.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon