CHAPTER 21

34.9K 591 58
                                    

VIENNA'S POINT OF VIEW:

Mahigit anim na buwan na ang nakalipas simula noong umamin ako at naging magkasintahan kami ni Mayor Dion. Maraming naganap sa anim na buwan ngunit puro saya lamang ito.

Our relationship is healthy. We both teasing each other. Minsan ay hindi rin maiiwasang mag-away, pero hindi naman umaabot sa hiwalayan, after we fight we always make sure na magkakaayos rin kami kaagad.

We both celebrated Christmas and New Year. I even met his parents but his siblings ay hindi pa. Nasa Italy daw kasi ang mga ito at mashadong busy sa bawat company na hinahandle nila. Ang alam ko lang ay ngayong buwan na sila uuwi dito sa Pilipinas.


"Mabel, hindi pa ba dumadating si Mr. Monroe?"

"Hindi pa po, ma'am." Kaagad na sagot ng aking sekretarya. Tumango na lamang ako at binasa ko ulit ang mga reports ng mga nasa department 5.

Kaagad kong sinagot ang tawag nang makitang si Dion, ang tumatawag.


"Hon,  napatawag ka? Miss me?" Malanding tanong ko sa kaniya. I heard him sexily laughed, kaya naman napangisi ako.


"I miss you every second, mon amour." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Gosh! Thank you God for giving me this man.

"Bakit ka pala napatawag?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Alam ko kasi na hindi ito tatawag hanggat walang importante na sasabihin, minsan naman ay tatawag na lang basta-basta at lalandiin ako kahit pareho kaming nasa gitna ng trabaho.

"Susunduin kita mamayang hapon." He sweetly said. "Okay, hon. I love you." Kaagad akong napatingin sa pintuan ng makita siya. "I love you more." He replied.


"Miss Vienna, nasa conference room na po si Mr. Monroe and papunta narin po doon iyong makakasama niyo po sa meeting." Rinig kong sabi ni Mel.


"Monroe? Si Venxio, ba iyon?" Halata sa boses nito ang pagtataka at pagseselos. "Yes, may meeting kasi kami this afternoon and actually biglaan lang talaga. We need to discuss about sa ipapatayong building."


"Okay, see you later. I love you." He said. " I love you more." I replied bago ko patayin ang tawag.

Nakita ko namang nakangiti si Mel, tinaasan ko na lamang siya ng kilay at deretsyong lumabas ako papunta sa conference room.

Pagkapasok ko sa conference room ay kaagad silang nagtayuan at isa-isa ko naman silang binati. Umupo ako sa pinaka-center bago mag-umpisa ang meeting.


Natapos ang meeting at mabuti na lamang ay lahat kami ay sangayon sa bawat suggest. Hindi ko nga rin maiwasang mainis dahil sa paraan na pagsulyap sa akin ng tingin ni Venxio.


"Vienna, can I invite you---"

"No."


"Sakit! Sobra ka hindi ko pa nga nasasabi lahat NO kaagad ang answer mo. Palibhasa kayo na ni Mayor kaya mas tumaray ka." Pag-iinarteng sabi nito at para bang nasasaktan.

"Siguro takot kang agawin ko sa'yo si Mayor Dion 'no?" Nakangising tanong niya sa akin. "Bakit aagawin mo? You're a gay?" Umiwas siya ng tingin sa akin.


"Pupunta ako sa Munisipyo kaya hindi pwede at kahit hindi man ako pumunta doon ngayon ay 'NO' parin ang sagot ko."



Akmang aalis na ako, pero napahinto ako dahil bigla na lamang niyang hinawakan ang isa kong braso. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya at kakaiba na ang reaksyon ng kaniyang mukha, seryoso na ito at wala kang makikitang kalokohan sa mukha niya.



Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon