CHAPTER 31

33.7K 490 116
                                    

WARNING: Slight SPG

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

Hindi makapaniwala si Dion at Vienna sa kanilang nakita. Hindi mapalagay si Vienna habang palipat-lipat ang tingin niya sa mag-aama.

She saw how shocked he is while staring with their triplets. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Kahit siya ay nagulat rin at hindi inaasahan ang mga pangyayaring ito.

Mashadong biglaan ang lahat kaya naman kahit siya ay hindi narin niya alam ang takbo ng pag-iisip niya.

Masayang tumakbo palapit ang dalawang bata sa pwesto nilang dalawa. Ang kapatid namang nilang isa which is ang unang pinanganak sa kanila ay seryoso lamang ang mukha nitong naglalakad habang hawak ang robot na pinabili nito noon.

"Ty nakonets zdes' Daddy!" Dion's forehead forrowed. Nagtataka itong tumingin kay Vienna. He saw the fear and sadness crossed her face.

"ya tak skuchayu po tebe, dada."

"To zhe litso"

Vienna's face contorted while looking at him. "Russian became their first language. Second is English." She explained.

Tinitigan niya si Vienna at parang may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na lamang niya kinulit pa na sabihin nito ang gusto niyang sabihin, pero hindi masabi.

Parang may tumutusok sa puso niya habang nakatingin sa tatlo. They're triplets. Anak niya ang mga ito, alam niya.

Hindi man niya tanongin ngunit sa nakikita palang niya ay kumpirmado na siya ang ama ng mga ito dahil sa mga appearance nila. Maraming pagkakapareho ang triplets sa kaniya.

Naluluhang tumingin siya kay Vienna na muling umiiyak nanaman at nakatakip pa ang kamay nito sa bunganga na para bang pinipigilang huwag humikbi.

"He's Dinar, Din, and she's Dhasya. Anak natin silang tatlo."

Tila nanhina ang buong katawan ni Dion dahil sa inamin ni Vienna. Akmang lalapitan niya ang mga bata ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila ang hinihingal na si Gohen.

"Mga anak ko!" Namamaos na tawag nito sa tatlo, pero tinignan lamang siya ng mga ito at nagtataka dahil sa sitwasyon niya. Pawis na pawis ito at halatang tumakbo nang napakalayo.

"Gohen!"

"Pasensya na itong mga anak ko kung saan-saan pumupunta!" Parehong kumunot ang noo nilang dalawa dahil sa pinagsasabi nito.

Matalim na tinitigan ni Dion, si Gohen dahil sa pagsabi nito na mga anak niya ang anak nila ni Vienna. Hanggang ngayon ay nabwebwesit parin talaga siya sa pagmumukha nito hanggang ngayon. Hindi nga niya alam kung paano nagkatagpo ang dalawa sa ibang bansa at close na close na ang mga ito ngayon.

"What are you talking about, Daddy?" Nagugulohang tanong ni Dhasya dahil hindi nito naintindihan ang tagalog na sinabi niya.

Nagkatinginan sila Gohen at Vienna. Si Dion naman ay kaunti na lamang at mag-iibang anyo na ito dahil iba ang paraan na pagtitig ni Gohen sa babaeng mahal niya. Hindi niya gusto iyon. Nagseselos siya, at sobrang nakakaselos iyon.

Sa uri na pagtingin ni Gohen nito kay Vienna ay para nitong sinasabi na need nilang mag-usap n Dion, patungkol sa mga bata, sa mga anak nilang dalawa.

Lumuhod si Gohen at pinantayan ang tatlong bata. "Babies, for now need muna natin umuwi. Since your Mom and Dad need to talk about something, okay? konfidentsial'nost', deti!" Tumango ang tatlo at muling lumingon ang mga ito sa kaniya at sabay-sabay na naglakad paalis ang apat.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon