CHAPTER 10

40.1K 665 146
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

Mahigit isang linggo na ang lumipas na hindi siya ginambala at ginulo ng Alkalde. Nakakabigla ngunit mas mabuti na lamang iyon at hindi na siya ginugulo, but just like what he promised ay hindi nga talaga ito nagbibiro na padalhan siya ng bulaklak araw-araw.

Palaging ganon ang nangyayari, minsan sa bahay nito ito ipapadala ng bouquet o kaya naman pagpasok pa lamang niya sa kaniyang opisina ay bulaklak ang bubungad sa kaniya.

Ang huling pagkikita na lamang nila ay noong araw na sinabi niyang pumapayag na ito sa partnership na ini-offered nito sa kaniya.

Naisip niya na baka busy rin ito sa Munisipyo dahil nga kilala ito bilang isang Mayor, kaya naman marami talaga itong gagampanan at dapat unahin.

Bukod pa dito ay wala siyang balak na makihati sa atensyon at oras nito. Aminin man niya o hindi ay namimiss rin niya ito.

Tumayo siya at tinignan ang sarili sa salamin. Nasa opisina siya ngayon at may kailangan lamang siyang tapusin ngayong umaga at mamaya ay pupunta na siya kung saan gaganapin ang job interview.

She's just wearing sexy slim-fit suspender silky backless red dress at pinatungan niya ito ng trench coat na kulay brown.

Tinanggal niya ang kaniyang coat at mas matiin niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin. Mas lalong na exposed ang kaniyang maputi at malambot na balat.

Nasa lahi na nila ang pagiging maputi at matangkad lalo na't may lahi rin silang Half Russian and Half Filipino. Her dad was half russian and half filipino, while her mom is pure filipino.

Ang iba nilang relatives ay nasa ibang bansa, ang iba naman ay nasa Russia. They also had a massion in Russia, pero dito sa Pilipinas sila nakatira.

She also knew how to speak Russian. Hindi naman siya nahirapan na aralin ang salita nila, ngunit mas nasanay parin siya sa tagalog at lalong-lalo na sa english.

"Miss Vienna, your driver is waiting for you." Her secretary said at kinuha nito ang mga makakapal na folder na nasa lamesa ni Vienna.

"Ma'am, andaming pogi sa labas hanggang sa baba. Ang yu-yummy nila hmmm!" Kinikilig na sabi nito, kaya naman napakunot naman ang noo ni Vienna, dahil sa sinabi nito.

"And who are they? What are they doing here?" Walang ganang tanong nito sa kaniya. Napakibit balikat ito at hindi mapigilang mapairap si Vienna, dahil halos mangisay na ang kaniyang sekretarya dahil sa sobrang kilig.

"Let's go!"

Nang binuksan niya ang pintuan ay masungit siyang napakunot noo at tinignan ang labas ng kaniyang opisina. Maraming nagkalat na mga lalaki dito at katulad ng sabi ng kaniyang sekretarya ay halatang gwapo ang mga ito kahit pa nakashade sila at nakamask na itim.

"Sino kayo? What are you doing here in my company?" She seriously asked one of the man. Lumingon sa kaniya ang mga ito at ang nasa unahan naman ang sumagot sa kaniyang tanong.

"It was your Father's requested to guard and protect you, Ms. Santiago. He wants to make sure that you're safe while having a job interview there."

Napailing na lamang si Vienna, dahil sa sinabi nito. Her father was so protective, hindi lamang sa kaniya at pati narin sa kaniyang ina. It's okay with her after all and there's nothing wrong if her father was so protective. After all ay nag-iisang anak lamang siya kaya naiintindihan niya ang kaniyang ama at pati narin ang kaniyang ina.

She walked at naramdaman naman niya ang pagsunod sa kaniya ng kaniyang secretary at natitiyak niya na kinikilig parin ito. Ramdam rin niya ang pagsunod sa kanila ng mga bodyguards, at sa tingin niya ay mahigit labing dalawa sila.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon