CHAPTER 13

31K 592 197
                                    

WARNING: There's a slight erotic scenes. Read at your own risk.

DION'S POINT OF VIEW:

"Hold on, baby." Natatarantang sabi ko at saka ko binuhat palabas ng sasakyan ko si Vienna. Dahan-dahan akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa emergency room.

Binati ang ako ng ibang taong nakasalubongan ko, pero hindi ko sila nagawang batiin pabalik, dahil ang buong atensyon ko ay sa kalagayan ngayon ni Vienna.

Nang makapasok ako sa loob ay kaahad ko inihiga si Vienna, sa isang emergency hospital bed. Lumapit ang tatlong nurse at isang doctor.

"Good evening, Mayor. What happened to her?" Tanong sa akin ng lalaking Doctor. Akmang hahawakan na niya si Vienna, pero pinigilan ko siya at masamang tinignan.

"She collapsed. Don't you dare to touch her, I want a girl doctor." Inis na sabi ko at binitawan ko na ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Sorry, Mayor, pero ako kasi ang nakaassigned ngayon dito, nakauwi na ang ibang Doctor. Let me just check her--wait, Miss Vienna?" Gulat na sabi niya ng makita ang buong mukha ni Vienna. Natakpan kasinng ibang hibla ng buhok nito ang mukha niya.

Kunot noo akong tumingin sa Doctor. Mariin ko siyang tinitigan at saka ko na lamang narealized na siya ang Doctor na pumunta sa bahay ni Vienna.

Ang Doctor na isa sa kinaiinisan ko noon, dahil sa panghahawak nito sa maganda at malambot na Vienna.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dito ako nagtratrabaho, Mayor." He answered.

"Bilisan mo ang pagcheck up sa kaniya, kung hindi puputulin ko iyang kamay mo gamit ang surgical knife na nakikita ko ngayon." Pagbabanta ko habang nakatingin sa surgical knife na nakikita ko ngayon na nasa may table.

Sinamaan niya ako ng tingin at ganon rin ako. Pinanood ko ang bawat kilos niya at baka palihim pa niyang pagnasahan si Vienna, hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

"Hep! Hep! Don't you dare to touch her there. You, ikaw ang magtingin sa kaniya. Ikaw naman ay lumayo ka muna." Pagpipigil inis ko at hinili ko ito palapit sa akin. Halatang balak hawakan pa si Vienna, malapit sa dibdib e!

"Tsk!" Halatang inis narin ang lalaking katabi ko, pero wala akong pake kahit magkamatayan man kami dito ngayon.

"Mataas ang lagnat niya. Check her temperature." Seryosong sabi ko habang nakatingin kay Vienna.

"Akin na---what the!" Inis ko na kinuha ang temperature na hawak nang isang lalaking kinaiinisan ko.

"We'll just go home. Here's the money. Kaya ko naman siyang alagaan." Ibinigay ko ang sampung libo sa kanila at binuhat ko na palabas si Vienna.

I can take care of her naman. Naturukan narin siya kanina nang paracetamol. Dahan-dahan ko siyang pinahiga sa backseat. Ipinatong ko ang coat ko sa katawan niya at hinalikan ang noo niya.

Sumakay na ako sa kotse ko at katamtaman lang ang pagmaneho ko dahil baka mahulog siya. Pinatay ko rin ang aircon dahil baka lamigin siya.

Nang makarating kami sa mansyon ko ay ipinahiga ko na siya sa malaking kama ko. I decided to bring her here, dahil mashado pangmalayo ang village kung saan siya nakatira. Kailangan niyang maagapan kaagad.

Hindi ko kayang patagalin siya sa doon sa hospital, kung ang Doctor na 'yon rin ang magiging Doctor niya. Nakakabwesit e! Mas gugustuhin ko pa na ako mag-alaga kay Vienna.

Kinuha ko ang bimpo at isinawsaw ko ito sa stainless bowl na may laman na malamig na tubig. Mataas parin ang lagnat niya. Lumapit ako sa kaniya at muli kung pinakiramdaman ang leeg niya. Napailing na lamang ako at saka ko nilagay ang bimbo na natupi at naibabad sa malamig na tubig.


Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon