SPECIAL CHAPTER 1

32.1K 464 163
                                    

WARNING: RATED SPG. Read at your own risk.

"Mr. Dawson, katulad nga po ng mga sabi ng sambayanang Pilipino na nais ka po nilang tumakbo sa susunod na eleksyon sa pagkapangulo. Maari po ba naming malaman kung kumpirmado na nga po talaga ang pagtakbo mo pagiging susunod na Presidente ng bansa?"

Maraming tao at reporter ang bumungad sa kanila pagkalabas pa lamang nila sa kompanya ng Pamilyang Santiago.

Matapos kumalat ang isang balita na may balak daw tumakbo sa pagkapresidente ang dating Alkalde ng Manila. Mabilis kumalat ito sa buong bansa at siyang mas ikinatuwa ng ambayanang Pilipino. Ito ang kanilang mas inanais na tumakbo bilang susunod na Presidente.

Kaya naman nasa labas sila ngayon ng kompanya ng Pamilyang Santiago dahil gusto nilang malaman kung tunay nga ba ang pagtakbo nito.

Alanganin na tumingin si Vienna sa kaniyang asawa na seryoso lamang ang mukha nito. Nasa kanila ang buong atensyon ng mga tao. Nagsidatingan narin ang mga ibang kapulisan at mga ibang bodyguards nila upang dagdag sa pagprotekta sa dating Alkalde.

"Are you okay? Ngayon mo na ba sasabihin? Take your time, Hon." Mahinhin at may pag-aalala sa boses nito at maingat na hinawakan ni Vienna ang kamay ng asawa. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti.

"TUMAKBO KA PO PARA SA ATING BANSA!"

"Suportado kami saiyo kung sakalaking tatakbo ka nga po talaga sa pagkapangulo ng ating bansa!"

"Dion for President!" Malakas at sabay-sabay na sigaw ng mga ito at bakas sa mga boses nila ang kasiyahan.

Kaniya-kaniyang sigawan ang mga tao at dama mo sa mga boses nito at presensya ang buong suporta nila kay Dion. Mas dumami pa ang mga tao at pati sa kalsada ay napuno narin ng mga tao kaya naman sa kabilang daanan na pinapadaan ng mga pulis ang mga ibang sasakyan. Mabuti na lamang at sabado ngayon kaya naman hindi traffic at kaunti lamang ang dumadaan na sasakyan sa tapat ng building ng Santiago Family.

Tumingin si Dion sa likuran kung nasaan ang tatlong anak nila. Magpipitong taon na ang triplets at matatangkad narin ang mga ito since namana nila ang height sa kanilang magulang na sina Vienna at Dion. Habang lumalaki ay mas gumanda at mas naging gwapo ang mga anak nila.

Inosenteng nakatingin lamang sila sa paligid at tila hindi pa alam kung ano ang nagaganap. Tumingin siya kanila Israfel. "Pakipasok na muna sila sa loob at pakibantay, salamat." Mahinahong sabi niya bago ngumiti sa tatlong anak. "Mom, pakibantay rin po ang kambal." Dagdag pa nito sa kanilang ina na si Sonya na kaagad rin naman nitong sinunod.

Tumingin siya sa kaniyang magandang asawa. He gently snaked his one arm in her waist. Buntis ito ngayon this time ay isa lamang ang nabuo nila. Okay na rin iyon upang mas hindi mahirapan ang asawa niyang si Vienna.

Bali anim na ang anak nila. Triplets, kambal at ang malapit ng lumabas sa tiyan ng asawa niya. Ilang buwan pa lamang ng normal na napanganak ni Vienna ang kambal at muli nanaman silang may isang anghel na nabuo dahil sa labis na pagmamahal nila sa isa't isa.

"Pakibigyan luwag naman po at baka kung ano pang mangyari sa asawa ko at sainyo." Nag-aalalang sabi muli nito dahil halos siksikan na ang lahat at baka bigla na lamang may mahimatay dahil halos walang distansya ang mga ito.

Matagal na niya itong pinag-iisipan at pinag-uusapan kasama ang kaniyang asawa at magulang kung tatakbo nga ba siya o hindi. Ngunit kani-kanina lang ay nakapagdesisyon na siya.

"I'll be honest all of you. Matagal na namin itong pinag-uusapan kama ang pamilya ko kung tatakbo nga ba ako o hindi." Natahimik ang lahat. Nakatingin lamang sila sa kanila at nakikinig.

"Mahirap magdesisyon. It's hard to choose family or being a next president of the Philippines. Mahirap para sa akin dahil kung tatakbo man ako at susunod na magiging presidente ay maraming taon na mawawalan ako ng oras para sa pamilya ko. Magagawa kong sulosyonan ang problema at paunlarin ang ating bansa sa makakaya ko ngunit mawawalan ako ng oras sa sarili kong pamilya na ilang taon ko ng inaasam." He took a deep breath and after that he smiled. Dahil sa pagngiti niya ay maraming naghiyawan na mga kababaihan.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon