CHAPTER 16

30.7K 561 132
                                    

VIENNA'S POINT OF VIEW:

"Anak!" Kaagad akong napatingin sa may bandang pintuan ng marinig ko ang boses ni Dad.

"Dad, what are you doing here? May kailangan ka po ba?" Umupo siya sa upuan na nasa harap ng lamesa ko.

"Yeah! I want you to bring this to Mayor Dion, sa manliligaw mo." Ibinigay niya sa akin ang isang black envelope. "Anong laman nito?" Nagtatakang tanong ko at bubuksan ko na sana, pero kaagad ako pinigilan ni Dad.

"Don't you dare to open it. Ako at siya lamang ang pwedeng malaman at makita kung ano ang laman niyan."At mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Dad!"

"Hmmm?"

"Are you hiding something? Alam ba ni Mom iyan?" Napataas ang isa kung kilay dahil bigla na lamang itong nag-iwas sa akin ng tingin na para bang may tinatago.

"Yeah! Of course, alam ng mommy mo."

"Then bakit ako ayaw mo malaman ko?" Malambing na tanong ko sa kaniya. He looked at me, sinamaan niya ako ng tingin.

"You, huwag mo akong tarayan ah! Nakikita ko sa'yo ngayon ang Mommy mo. Miss ko na tuloy ang wifey bunny ko." Napangiwi maman ako dahil sa sinabi you.

"Wifey bunny? Yuck!" Nandidiring sabi ko. Sinamaan niya ulit ako ng tingin na parang hindi niya nagustohan ang sinabi ko.

"Ikaw talagang babae ka! Palibhasa napakabitter mong babae, bakit kasi ayaw mo pang sagutin iyang si Dion? Anak naman mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon nililigawan ka parin, malapit na mag tatlong buwan, may balak ka ba talagang sagutin siya o pinapaasa mo lang?"

"No comment."

Nagulat naman ako dahil bigla niyang hinampas ang lamesa ko. Gulat akong tumingin sa kaniya, habang siya ay galit na nakatingin sa akin ngayon.

"Vienna, umayos ka nga. Nako! Tigilan mo ako jan sa puro no comment na sagot mo. Ano may balak ka ba talaga o wala?" Tinignan ko lang siya at hindi sinagot.

"Tigilan mo 'yan, Vienna. Stop playing with his feelings, anak. Kung ayaw mo na then sabihin mo na tumigil na siya sa panliligaw niya sa'yo. Reject him in a nice way." Seryosong sabi ng aking ama.

"I'm not playing with his feelings, Dad. I whole heartedly gave him a chance para patunayan na seryoso nga siya sa akin. There's a right time para sagutin ko siya."

"Delikado ka na!"

"I have doubts with my feelings about him."

"Ayan tayo, anak e! But it's okay, naiintindihan ko naman. Mas mabuting kumpirmahin mo muna ang tunay mo na nararamdaman mo sa kaniya bago ka magpaligoy-ligoy."


"Tsk! Ikaw kaya jan ang nagpupumilit sa akin na sagutin ko siya kaagad tapos ngayon sasabihin mo iyan?" Pailing-iling na sabi ko sa kaniya.

"Hindi ah! Ang Mommy mo iyan at hindi ako." Pagtatangi nito.

"Pero anak gustong-gusto ko talaga iyang si Dion, para sa'yo e! Nakakamangha siya, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong binata pa ako. Kaya mabilis nahulog ang loob ko sa batang iyon." Kumunot ang noo ko dahil sa huling sinabi niya.

"Dad! Don't tell na may gusto ka kay Dion?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Lumapit ito sa akin at mahina akong sinabunutan.

"Wake up, Vienna. Anong nangyari sa'yo at humina ata utak mo? Ang ibig kong sabihin ay nahulog ako sa kaniya para sa'yo. Manok kaya namin ng nanay mo si Dion."

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon