CHAPTER 7

45K 887 472
                                    

DION'S POINT OF VIEW:

"Ano na? Ganyan ba talaga kabagal itong elevator? Kung pasabugin ko nalang kaya ito?" Inis na sambit ko habang gigil kong pilit binubuksan ang pinto ng elevator.

"Mayor, hindi po tayo pwedeng bumalik doon. Mas mabuti na lang if sundin niyo na lang po ang sinabi ni Ms. Vienna. Nakakatakot kaya siya na magalit." Base sa sabi nito ay halatang natatakot nga ito. So kinakatakutan talaga siya ng mga empleyado niya dito sa kompanya niya?

My strict woman, so lovable.

"Kailangan ko na mailayo siya sa lalaking 'yon."

"Pero---" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin at kaagad akong lumabas sa loob elevator ng magbukas ito. "Mayor!"

I looked at her before I open the door. Kaagad akong pumasok sa loob at nakita ko silang nag-uusap. Tila kumulo ang dugo at gusto kong sapakin iyang lalaking 'yon dahil sa paraan na pagtitig niya kay Vienna.

Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at mahigpit ko na hinawakan ang kanang braso niya. Nagulat pa ito dahil sa aking ginawa, pero wala akong pake.

Nakakainis lang dahil pakalat-kalat nanaman ang mga pangit sa mundo. Hinila ko siya patayo at matalim na tinitigan ang lalaking pangit na maangas na si Venxio.

At hindi katanggap-tanggap na pareho pa talaga silang V. Kahit ano man ang gawin niya hindi sila bagay ng mahal ko.

"Mayor, what the hell are you doing here? This is important matter. Please! Get out of here." Mahina ngunit seryosong sambit ni Vienna.

Hindi ko magawang matakot o kabahan dahil sa sinabi niya at pagkaseryosong babae dito sa mundo. Sino ba naman kasing matatakot sa isang babaeng napakaganda habang ito ay nagagalit. Imbes na matakot ka ay kikiligin ka pa.

I smirked at her and I kissed her left cheek.

I saw how shocked she is right now because of what I did. I want to say sorry, but I mean it. So why the hell should I say that?

"Let's go!" Madiing sabi ko sa kaniya at akmang maglalakad na ako ay ang pagpigil naman niya sa 'kin. Marahas niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko sa kaniya at kunot noo siyang nakatingin na sa 'kin ngayon.

"I told you to accompany him to go in my office, right?" Seryosong saad niya habang matatalim ang titig niya sa 'kin ngayon.

"Ms. Vienna, sorry po. Sinubukan ko naman po na pigilan si Mayor, kaso---"

"Get out!" Hindi ko mapigilang maguluhan kung sino ang pinagsasabihan niyang lumabas. Ang secretary ang kausap niya, pero sa 'kin naman siya nakatingin. Sino ang lalabas?

Napakagulo naman nitong mahal ko. Pasalamat siya at mahal ko siya kung hindi baka ipabalik ko ito sa kinder dahil sa pagiging supladang babae.

Her secretary was about to leave, pero biglang nagsalita si Vienna, na mas nagpagulo sa 'kin iniisip ngayon. "Who told you to leave?"

"Ah! Kayo po, ma'am. Sabi mo nga po get out..."

"At sinabi ko ba na ikaw ang umalis? Him." Inis na sambit nito at inis na tumitig sa 'kin. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Anak ng putangina! Ako pa talaga itong pinapalabas niya? Bakit kaya hindi na lamang si Venxio the famous gagong babaero ang palayasin niya? Mas okay na okay pa nga 'yon dahil mas mailalayo niya ang kaniyang sarili sa peligrong pwedeng maidulot sa kaniya ng hayop na 'yon.

"And why me?" Inosenteng tanong ko at hindi ko maiwasang tignan ang isa sa mga lalaking kinamumunghian ko dahil sa sobrang pangit. Nakita ko ang munting ngisi sa kaniyang labi at mukhang tuwang-tuwa pa ito sa kaniyang narinig.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon