CHAPTER 32

33.6K 450 143
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:

"Ano ng gagawin ko? Hindi ko alam kung saan nila dinala si Vienna!" Galit at hindi mapakaling saad ni Dion, habang ang ina at kapatid niyang babae ay pilit siyang pinapakalma, pero hindi magawang kumalma dahil sa kadahilang nasa panganib si Vienna.

"Anak, please huminahon ka!"

"Mom, how can I calm down if the woman my love is in danger? Fuck!" Hindi na nito mapigilang mapamura at galit na sinipa ang upuan na nakita niya.

Napatigil siya sa pagwawala nang marinig niya ang mga iyak ng kaniyang anak. Tinignan niya ang mga ito at tila mas nadurog ang puso niya na makitang umiiyak ang mga anak niya.

Akmang lalapitan niya ang mga ito, pero mas lalong lumakas ang iyak ng mga ito at umatras palikod. Kita niya ang takot sa mga mukha nila dahil sa pagwawala niya kanina.

Mabilis siyang lumapit sa mga ito at niyakap ang tatlo. "I'm sorry, babies. Shhh! Please, don't cry! I'm sorry mga anak ko." Mahinang sabi niya at hindi narin mapigilang maiyak dahil nasasaktan siyang unang beses niyang nakita na umiiyak ang mga anak nila ni Vienna.

Pilit niyang pinapatahan ang mga ito, pero hindi parin tumitigil sa pag-iyak ang mga anak niya. "I want Mommy, Daddy!" Napahagulgol ang pinakabunso na anak nila na triplets. Hinalikan niya ang noo ng mga ito at sinabing mahal na mahal niya sila.


"Daddy, where is Mommy?" Mahina at bahid rin dito ang lungkot sa boses ni Dinar.

"Why they kuha Mommy? They're bad guys, Daddy!" Namumula ang mga mata ni Din habang nagsasalita.

Isa-isang hinawakan ni Dion ang mga mukha ng triplets at maingat na hinaplos ang mga pisngi nila. "Daddy will find Mommy, okay? Please, stop crying."

"Anak, itataas ko na muna sila ah? Patatatagan mo ang loob mo." Pagpapagaan ng loog na ani ng kanilang ina.

"Sasamahan ko na po kayo." Kaagad na sabi niya at mabibigat man ang tatlo, pero sabay-sabay niyang binuhat ang mga ito hanggang makarating sila sa kwarto niya at dito muna patutulogin ang mga bata.

"Daddy, please don't leave us!" Mahinang sabi ni Dhasya. Hinalikan niya ang noo nito. "Anak, Daddy will leave for a while okay? I'll be back with your Mom, I promise."

"Really, Daddy? You will get Mommy po?" Lumiwag ang mukha nito at tumigik narin sa pag-iyak. Tumango siya sa kaniyang anak at tinignan naman ang dalawa pa niyang anak na lalaki na tahimik lang na nakatingin sa kanila.

"Yes, baby. Sleep for a while okay? And when y'all wake up your mother and I are already here." Binantayan niya muna ang mga anak hanggang sa makatulog ang mga ito.

"Sige na anak pumunta na sa ibaba at kami na bahala ng kapatid mo na magbantay sa mga bata." Nakangiting sabi ng kanilang ito at hinaplos-haplos pa nito ang likod. Tumango siya at bago siya lumabas ng kwarto niya ay muli niyang sinulyapan ang mga anak na mahimbing na sa pagtulog.


Pagkababa niya ay narinig niya ang mga usapan ng mga magulang ni Vienna kasama ang kapatid at ama ni Dion, at pati narin sila Venxio, Alejandro ay nandito narin kahit ang mga kaibigan ni Vienna ay kasama sa usapan.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay kaagad nilang pinaalis ang mga imbitado sa birthday celebration ng mga anak nila. Nagtapatawag narin sila ng iba pang kapulisan at ang iba nilang kakilalang sundalo upang nagbantay. Nagkaroon rin ng maraming check point sa parte ng Manila upang kadagdagan sa paghahanap kay Vienna.

"Alejandro ano balita sa kakilala mo? Bakit hindi parin nila nahahanap kung saan nila dinala si Vienna?" Tumingin sa kaniya ang Gobernador na hawak ang cellphone nito.

Politician Series #1: The Mayor (COMPLETED|| EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon