Simula

474 6 0
                                    

Gaano nga ba kahalaga ang salitang mahal kita sa dalawang taong magkarelasyon? Kailangan ba na isatinig mo talaga ito sa taong mahal mo o ipaparamdam mo nalang sa kanya kung gaano mo siya kamahal?

At..kapag ba sinabihan ka niyang mahal ka niya ay sigurado ka bang nagsasabi siya ng totoo? Paano kung niloloko ka pala niya at ikaw namang si tanga naniwala agad kaya sa huli, ikaw ang nasaktan at umuwing luhaan.

"Ang sarap magmahal pero masakit ang masaktan dahil sa pagmamahal." Basa ko sa linyang lagi ko nalang naririnig.

Tsk. Napailing nalang ako saka itinapon sa kama ang librong binabasa na hindi ko pa nangangalahatian. Love sucks thats why ayoko sa mga love love na yan! Mas mabuti pang mag-aral nalang ako sa pagluluto kaysa ang atupagin ang walang kwentang pagbabasa ng binigay na libro sakin ng pinsan ko.

Bakit ko ba kasi naisipang basahin yon in the first place?

"Chef Lea, ano pong niluluto niyo?"

Tanong ko sa bagong chef namin at pinagmasdan ang ginagawa niyang pagkaing bago sa paningin ko. Nagresign kasi yung dating chef namin na matagal nang nandito dahil mangingibang bansa siya. Akala ko nga hindi na kukuha si mom ng panibago kasi magagaling namang magluto ang ilang kasambahay namin pero nagulat nalang ako last week na meron na palang bago.

My mom don't know how to cook at ayaw niya rin sa mga normal na pagkaing niluluto ng mga kasambahay namin minsan thats why she hired a personal chef.
Masyado kasi siyang mapili sa pagkain at simula bata ako ay may personal chef na talaga kami dito sa bahay.

My mom is a very busy woman thats why she has no time on learning how to cook. In an early age kasi ay ipinamana na sa kanya yung business ng grandparents ko after niyang makagraduate. It's a shoes and bags apparel at may iilan narin kaming branches ng shops sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas and in other countries.

"I'm making a Beef and Mortadella Meatballs in Tomato Sauce and the other one is Potato Gnocchi for dinner Young Lady."

"Mukhang masarap po ah. Pwedeng tumulong?" I said excitedly.

"Naku Young Lady baka maabutan tayo ng mommy niyo at pagalitan tayo. Wag na po at maghintay nalang kayo don sa sala."

"Pero chef gusto ko talagang tumulong tsaka gusto ko ring matuto ng iba pang dish! Please? I promise, ako nang bahala kay mommy." Pamimilit ko sa kanya.

I was ten when I started to learn how to cook secretly. Ayaw kasi ni mommy na matuto akong magluto dahil mas gusto niyang mas matuto akong magdesign ng mga sapatos at bag gaya niya. Actually marunong naman ako pero mas prefer ko talaga yung pagluluto. Besides, I really wanted to be like my Dad.

He's a famous chef in Italy at simula ng maghiwalay sila ni mommy six years ago ay doon na siya nanirahan kasama ang bagong pamilya niya. We're still communicating at kapag school break ko noon ay pumupunta ako don para makasama siya. But everything changed nang malaman ni mommy na tinuturuan ako ni Dad na magluto. Thats why almost 3 years ko naring hindi nakikita at nakakasama si Dad at tanging sa online calls ko nalang siya nakakausap.

I love my Dad so much at kung mas papipiliin ako sa kung sino ang mas gusto kong makasama sa kanila ni Mom ay siya ang pipiliin ko. My mom does not care about me and my feelings. Kung ano ang gusto niya ay yon ang masusunod. I hate her for that kasi nawalan na nga siya ng time sa akin, hinahawakan pa niya ako sa leeg.

Luckily ay hindi naman kami nahuli ni mommy thats why tuwang tuwa ako nang matapos kaming magluto.

"Ang galing mo naman Young Lady, marunong na marunong ka talaga kahit sa mga basic na bagay. Paano mo natutunan yon?" Namamanghang sabi ni Chef Lea sa akin.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now