1

307 3 0
                                    

No one wants to live in sorrow. Sino ba namang tanga ang gustong mabuhay sa lungkot? Though gustuhin mo mang laging mabuhay sa kasiyahan ay hindi maaari kasi kakambal na talaga non ang kalungkutan. Bago ka magiging masaya ay dadaan ka muna sa lungkot.

Pero sa buhay ko, magiging masaya pa nga ba ako kasi simula nang mamulat ako dito sa mundong to ay puro kalungkutan na ang kasakasama ko.

"Yanyan!!"

Napatampal nalang ako sa noo ko nang tawagin ako ni Raige sa palayaw ko.

"Ang ingay mo Raige! Tsaka diba sabi ko sayo Arianne ang itawag mo sakin? Ayoko nang tinatawag ako sa ganon!" Inis kong sambit sa kanya.

I hate that nickname kasi sa tuwing naririnig ko yon ay naalala ko lang si Dad. He's the first one who calls me that and I really like it before but now na wala na siya ay ayoko nang tawagin ako sa ganong palayaw. Namatay siya a month after my graduation at wala kaming kaalam alam na may sakit pala siya. Ilang buwan din akong nagluksa noon kasi kung sino pa ang taong nagpapahalaga sa akin ng husto ay siya pa ang mawawala.

"Okay..Arianne then. Come on! Lets go home. Wala ka narin namang klase diba?"

Tinaasan ko naman siya ng kilay kasi himalang nag-aaya na siyang umuwi agad. Tsaka himala ring walang nakabuntot sa kanyang babae. I pressume na wala yata siyang flavor of the day ngayon.

We both changed nang pumasok na kami sa kolehiyo. We became players and playing some others feelings is what we are doing. No string attached, no love involves because that sucks. Yeah..alam naming masama pero ito lang yung nagpapasaya sa amin. Ganon naman ngayon diba? Uso na ang maglaro at paglaruan. Ewan ko nga kung may mga seryoso pa ngayon pagdating jan sa love love na yan. Well maybe meron but thats only a few tsaka madali na nga lang ngayong makipag annul o divorce sa kasal how much more kung girlfriend o boyfriend pa kaya?

Pareho din naming hindi sineseryoso ang pag-aaral ngayon hindi gaya noon. Bakit? As for me is of course because of my mom who wants me to be like her while he on the other hand ay dahil sa parents niya.

Simula kasi ng maaksidente ang mga magulang niya at parehong namatay ay napunta siya sa kamag-anak ng mom niya. Thats his mothers uncle which basically his grandfather at kahit hindi niya man gustuhin ay wala siyang mapupuntahang iba. Mahigpit ang lolo niya sa kanya kaya nagrebelde din siya gaya ko.

"Anong nakain mo at gusto mong umuwi ng maaga?" I asked at napakibit balikat lang siya saka ako inakbayan.

"Lets go. Lulutuan mo pa ako ng paborito ko diba?" Sambit niya pero umiling ako.

Nasa iisang building lang kasi ang parehong condo namin at madalas ay magkasabay talaga kaming umuuwi kung wala siyang kadate na babae o ako naman ay walang kadate na lalaki.

"Hindi ako pwedeng sumabay sayo ngayon Raige. May date pa kasi ulit kami ni Zed." I told him at bakas naman ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Bakit makikipagdate ka sa lalaking yon? Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"

"Well..hindi ba pwedeng magbago ang isip ko? Tsaka ang sabi niya ay tutulungan niya ako sa failed subjects ko so I gave him a chance. Ayos narin yon kasi ilang linggo narin akong walang kalaro." Sambit ko at kinindatan siya at sakto namang dumating na ang kanina ko pang hinihintay.

"Hi babe!" Sambit ni Zed na siyang flavor of the week ko ngayon. Yeah, weekly yung saakin para maiba naman kaysa sa bestfriend ko na araw araw ay may iba't ibang babae. Tsaka mga lalaki ang lumalapit sa akin para maging kafling ko at alam na nila ang rules ko na hanggang one week lang talaga ang ibibigay ko sa kanila. Well maliban nalang kung sila ang unang umaayaw kasi hindi ko naman sila pinipigilan.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now