19

153 5 0
                                    

Mabigat ang mga paa kong pumasok sa mansyon ng mga Lampros at kung hindi lang talaga dahil kay Volter ay hinding hindi ako pupunta dito.

Akala ko ay sila sila lang ang kasama sa dinner pero mukhang may iba pang taong nandirito. At nang una ko palang na nasulyapan ang ina ni Volter ay alam kong may hindi siya magandang binabalak ngayong gabi.

"There you are! Mabuti naman at nakarating na kayong dalawa nitong girlfriend mo anak. Akala ko talaga ay hindi na kayo tutuloy."

"Natraffic lang sa daan mom. By the way, whats with the dinner?"

"Oh, its just a simple celebration ng partnership namin ng Tita Klara mo at pawelcome party narin ng pagbabalik ni Yana since she's staying here again in the country. Come on, lets go to the dining coz they're waiting."

Si Yana? Yung ex at kababata ni Volter? Yung babaeng gustong gusto nitong mommy niya?

Okay, kalma lang Arianne. Wag kang magpaapekto. Wala na si Yana sa buhay ni Volter kasi nanjan ka na. Ikaw na ang mahal at hindi siya. Kaibigan nalang ang tingin ni Volter sa kanya at wala ng iba.

"Come on babe."

Ngumiti naman ako ng pilit kay Volter tapos ay sumunod na sa kanila.

Pagkarating sa dining area ay nakangiting mga mukha ang bumungad sa amin but what stunned me is that mabilis na lumapit si Yana kay Volter at niyakap saka hinalikan ito sa pisngi. Then Volter on the other hand is unbothered at nakipagngitian pa sa ex niya na hindi ramdam na may gusto parin ito sa kanya.

"Hows Paris Yankz?" Volter asked her and I was left behind watching them talk. But then Yana was looking for me kaya nagpakita ako.

"Nothing changed. Anyways, where is--Oh here you are Arianne girl!" She said at plastic naman akong ngumiti sa kanya gaya ng lagi kong ginagawa. Ganon din naman kasi siya edi magpaplastikan kaming dalawa dito.

"Hi Yana."

"Girls mamaya na kayo mag-usap at lalamig ang pagkain. Dito na kayo umupo sa tabi ni Yana anak." Sambit ng bruhang mommy ni Volter kaya sinunod naman siya ng huli at ngayon ay nasa gitna namin siya ni Yana. Tsk.

The dinner went fine, well thats what I thought dahil nang magsimula na silang mag-usap ay hindi ko nagustuhan ang iilang pasaring ng ina Volter pati narin ni Yana. Volter wasn't around thats why malakas ang loob nilang pasaringan ako.

Nang makabalik naman si Volter ay kung ano ano ang tinanong nila dito at ngayon ay sinasali na nila ako. But then sa gitna ng pag-uusap ay hindi nakaligtas ang tungkol sa anak ko.

"Buti naman at okay lang sayong may anak na siya hijo." Sambit ng nanay ni Yana na isa pang plastik rin.

"Of course, bakit naman hindi Tita."

"Eh hindi ka naman ba nagseselos sa ama ng bata? You know at may pinagsamahan sila nitong gilfriend mo. I mean, sorry to offend you hija but I'm just curious."

Wow ha! Curious talaga siya sa lagay na yan tapos nagsorry pa siya eh medyo nakakaoffend naman talaga yung tanong niya. Tsk.

"Of course hindi Tita. Why would I? Besides what they have is already in the past. Ako ang mahal ni Arianne ngayon, right babe?"

I was about to answer him nang tumunog naman ang cellphone ko kaya hindi ito natuloy.

It was Raige whose calling at nakakapagtakang tumatawag siya ngayon. This looks important dahil hindi ito tatawag kung alam niyang kasama ko si Volter ngayon.

"Sorry. Excuse me lang po. Babe sagutin ko lang muna." Sambit ko at umalis saglit.

"Raige, napatawag ka? May problema ba?" May himig nang pag-aalala kong sambit.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon