18

157 5 0
                                    

Hindi ko lubos aakalain na ang pakikipag-ayos kay Raige ay magbibigay sa akin ng kapayapaan sa buhay. I was full of what ifs before but now ay hindi na yon sumasagi sa isip ko at tanging kagustuhan ko lang na hindi na siya iwan ang nasa isip ko.

I want to stay in his life kasi ramdam ko kung paanong mag-isa sa buhay. Tsaka, ito na siguro ang panahon para siya naman ang samahan ko. Nanjan siya noong panahong nag-iisa ako at ngayon ay ako naman.

Natatakot din akong mangyari ulit sa kanya ang sinasabi nina Monique noon kaya kahit na anong mangyari ay hindi ko siya iiwan. Me and Ameira will stay on his side para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Na nandito kami ng anak niya para samahan siya.

"Yan..can I bring our daughter to my office?" Pagpapaalam niya sa akin at sino ba naman ako para pagbawalan siya. Anak niya rin si Ameira at gusto niyang bumawi dito kaya hahayaan ko siya sa gusto niya.

"No problem. Just call me if anything happens. Alam mo naman yang anak natin at nagiging makulit na." I told him and he nodded.

"Yeah..but don't worry, I'll take care of her."

"You should. Anyways, magpapadala nalang ako ng pagkain sa opisina mo mamaya para may makain kayo."

"Okay, thanks."

"Hmm. Alis na ako. Baka malate pa ako sa trabaho. Baby, mommy will go to work now. Behave with Daddy okay?"

"Yes mmy! I love you!" Sambit nito kaya napangiti naman ako at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you to baby."

"Be careful on work Yan." Bilin niya tapos ay hinalikan ako sa pisngi.

"I will. Bye!"

Eversince we've been okay ay bumalik na talaga kami sa dati. Our normal habbit as bestfriends came back. Nakakatuwa nga na bumalik na ang sweet na bestfriend ko at hindi na niya ako lagi sinusungitan. I mean inborn na ang pagkamasungit niya at ayaw ko nang maranasang masungitan niya kasi nakakainis yon.

Pagkarating sa restaurant ay naging abala na ako dahil marami ang guest namin ngayon. Peak season kasi at marami ang mga magtatapos kaya marami ang nagpapareserve.

Kahit gaano kaabala ay hindi ko nakalimutang padalhan ng tanghalian ang mag-ama. Parehong mapili ang mga yon sa pagkain kaya para hindi na mamroblema ang assistant ni Raige sa paghahanap ng pagkain ay padadalhan ko nalang sila gaya ng lagi kong ginagawa.

"Para sa mag-ama mo na naman yan no?" Sambit ng kasama ko na isa sa malalapit talaga sa akin. Aside from my cousin na wala narin dito ngayon ay may iba pa akong naging kasundo dito.

I don't actually treat my sub-ordinates differently kasi pinaparamdam ko sa kanila na parepareho lang kaming empleyado dito. They all became my friends at nakakatuwa lang na nagustuhan nila agad ako bilang isa sa head chef nila dito. Dalawa kasi kaming head chef dito at ako ang pang umaga samantalang yung isa naman ay panggabi.

Akala ko talaga noon nang bago palang ako dito ay hindi ko sila makakasundo but they are all friendly just like from other branches. Doon nga lang yata sa Canada ang may hindi ako nakakasundo kasi maraming inggetera doon.

"Yeah..alam mo na, mapili ang mga yon sa pagkain. Nanjan na ba ang delivery man natin? Ipapasuyo ko sana ulit ito sa kanya."

"Kakarating lang yata. Sige na at ako muna ang bahala dito. Balik ka agad."

Tumango naman ako at nang maibigay na ang pagkain sa delivery man ay bumalik na ako sa kusina para isupervise ang mga kasama ko.

Lunchbreak lang ang naging pahinga ko kaya nang matapos ang shift ko ay sobra akong pagod na pagod.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon