21

168 3 0
                                    

Hindi ko naman siya makapaniwalang tiningnan.

"Pag-aawayan na naman ba natin to ha? Raige is not like what you are thinking! Malinaw na malinaw sa kanya kung ano kami ngayon at kung hanggang saan lang kami! Ikaw nga tong nagsisinungaling sa akin na may importante kang lakad yun pala yung ex mo lang yung kasama mo tapos ngayon ako lang ang sisisihin mo?"

Ilang beses na kaming nag-aaway dahil kay Raige. He's jealous of him at lagi niyang sinasabi na ginagamit lang ni Raige ang anak namin para bumalik kami sa dati.

Noong una ay ganon din ang iniisip ko pero nagbago yon nang hindi nangingialam si Raige sa relasyon namin ni Volter. Mas pinapaboran pa nga niya akong makasama ang boyfriend ko kaysa ang anak namin.

"Pero hindi yon ang nakikita ko! Lalaki ako Arianne kaya alam ko ang takbo ng utak niya! At nagkita lang kami ni Yana! Hindi siya ang kameeting ko kundi ibang tao!"

He's really into it isn't he? At nakukuha na talaga niyang panindigan ang kasinungalingan niya para lang lokohin ako!

"I know Raige and he's not like that! I maybe hurt him before and up until now but he won't do that to me! At desisyon kong makasama siya kasi para yon sa anak namin! Unfair nga sa kanya itong ginagawa ko kasi ako masaya siya hindi! At wag mo akong sisisihin dahil lang nakikita mo kaming magkasama imbes na ikaw kasi inaaya kitang lumabas kanina pero hindi mo ko pinagbibigyan! Lagi ka nalang busy kahit hindi! Tsaka kinukwestyon ba kita kahit nakikita kong magkasama din kayo ni Yana lagi? Di ba hindi? Wala kang narinig sa akin kahit na isang salita kasi may tiwala ako sayo! Pero sa sinasabi mong ito sa akin ay parang pinapalabas mo na wala kang tiwala sa akin at sa mga desisyon ko!" Sambit ko na nakapagpatahimik naman sa kanya saglit.

"Akala mo hindi ko napapansin na mas inuuna mo si Yana kaysa sa akin? Bumalik lang siya dito iniiwan mo na naman ako sa ere. Ganito nalang ba lagi kapag nanjan siya? Sagutin mo nga ako Volter. Gusto mo pa bang ipagpatuloy natin ang relasyong to o hindi? Kung ayaw mo na magsabi ka lang. Madali akong kausap tutal ayaw naman sa akin ng nanay mo. Ayoko nang makipagplastikan sa kanya!"

Nakakapagod narin kasing magpanggap na maayos lang ang lahat. I rather choose to break up on him at pagtuunan nalang ng pansin ang anak ko.

But honestly, he already know that his mother doesn't like me pero anong ginawa niya? Wala at sa pagsama niya lagi kay Yana ay nagpapatunay lang non na may gusto parin talaga siya sa babaeng yon. Kaya nga todo dikit din siya dito and he's making a reason for me now to fully give up on us. I was already expecting na mangyayari ito sa amin. Hindi nga lang ganito kaaga.

"My mother has nothing to do with this Arianne! This is all between us!"

Galit ko namang siyang tiningnan bago nagsalita.

"Anong wala?? Alam naman nating pareho na ayaw niya sa akin noong una palang! Kaya nga palagi ka niyang tinutulak kay Yana kasi siya yung gusto niya para sayo diba?! Ano yon? Gusto mo rin kaya hindi ka pumapalag?"

"Thats not true! At bakit mo sinasabi to? Mukhang ikaw pa yata ang gustong maghiwalay tayo! Bakit ha? May nangyayari na ba sa inyo ng lalaking yon? Kaya ba hindi ka umaalis sa tabi niya? Hindi na katakataka dahil nakatira kayo sa iisang bahay! Ano? Mas magaling ba siya kaysa sakin?"

Isang malutong na sampal ang natanggap niya sa akin ng sabihin niya yon.

Of all people ay sa kanya ko pa narinig ito. How dare him say this things to me? Akala ko iba siya pero nagkamali ako!

"Hindi ko alam na ganito pala kakitid ang utak mo! Alam mo mabuti ngang maghiwalay nalang tayo kasi pagod na pagod na akong intindihin ka! Bumalik ka nalang doon kay Yana tutal mukhang mahal mo parin naman siya! Ano bang laban ko sa first love mo at wala pang sabit hindi gaya ko!" Malamig kong sambit at padabog na binuksan ang sasakyan niya saka bumaba.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now