16

157 5 0
                                    

Hinanap ko agad ang mag-ama ng makarating ako at nadatnan ko sila sa tapat ng ER kasama ang iilang tauhan ng matanda.

Walang ibang myembro ng pamilya nila ang nandirito dahil kapwa nasa malalayong lugar nakatira ang mga ito. Yung pinsan naman niyang kasama ng matanda sa bahay ay kaalis lamang para sa bakasyon kasama ang asawa at anak thats why tanging si Raige lang talaga ang nakikita ko dito ngayon.

"Peter.."

Tawag pansin ko sa kanya na agad naman niyang ikinalingon sa akin.

Nakita ko namang nakatulog ang anak namin at nakahiga ang ulo nito sa hita niya.

"W-what happened?" I asked nang makalapit ako sa kanila tapos ay marahang kinuha si Ameira sa kanya.

"He..had a heart attack. Bumisita siya sa bahay kanina at maayos lang kaming nag-uusap nang bigla nalang siyang inatake."

"Anong sabi ng doktor?"

"They're undergoing some operation and up until now ay wala pa akong update na nakukuha." Mabigat nitong sambit at sinapo ng dalawang kamay niya ang ulo tapos ay napayuko.

"He will be fine. Malakas ang lolo mo at malalampasan niya to." I said as I tapped his shoulders.

"I hope so."

We waited for a couple of hours before the doctor came out from the ER.

Agad namang tumayo si Raige para daluhan ang doktor ng matanda.

"Hows my grandfather Doc?"

"I'm sorry to say this Mr Greggory but your grandfather is getting weaker. His in coma right now and the operation didn't go well because his body wasn't cooperating. Marami nang komplikasyon sa katawan ang lolo mo at kung pagbabasehan natin ang lagay niya ngayon ay baka ilang araw nalang ang itatagal niya." Sagot naman ng doktor at nagulat naman ako nang mahigpit na hinawakan ni Raige ang kamay ko na animoy doon kumukuha ng lakas.

"Is.. is there anything that we can still do Doc? Magbabayad ako kahit magkano mabuhay lang ang lolo ko." Desperadong sambit niya sa doktor na ikinailing naman ng huli.

"As I have said, he is getting weaker and his body wasn't functioning well. Hindi narin natin maaring gawin pa ang ibang operasyon sa kanya dahil masyado nang huli ang lahat at baka mas mapaaga pa ang pagkawala niya kung ipipilit natin. I'm very sorry Mr. Greggory."

Ako naman ngayon ang napakapit ng mahigpit sa kamay ni Raige dahil parang naulit ang senaryo bago namatay ang Daddy ko. That was very painful for me and hearing this again right now ay alam kong nararamdaman narin ni Raige ang naramdaman ko noon.

True to what the doctor says, halos isang linggo lang ang itinagal ng matanda at tuluyan na itong namaalam. Ikinalungkot iyon ng buong kapamilya ng matanda pero ang higit na naapektuhan ay si Raige na halos laging kasakasama ng matanda araw araw.

Simula nang mamatay ang matanda ay hindi pumunta sa burol nito si Raige. Nagkukulong lang siya sa bahay at wala siyang ibang kinakausap kahit na sino. Tinataboy niya kasi ang mga sumusubok na kumausap sa kanya at maski ang mga pinsan niya ay hindi siya makausap ng matino.

I never dared to talk to him too and the last time that we talked ay noong bago bawian ng buhay ang matanda. Sigurado kasi akong itataboy niya rin ako kaya hindi ko nalang siya sinubukang kausapin.

"Mmy..Daddy is scary. Ara is scared." Ameira said after she heared her father shouted angrily. Galit na galit kasing sinigawan ni Raige ang dalawang pinsan niyang lalaki at dahil nasa labas lang kami non nang kwarto niya habang bukas ang pintuan ay dinig na dinig sa buong bahay ang sigaw niya.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now