7

153 2 0
                                    

My plan to runaway got postponed because Raige made sure na hindi ako mawawala sa paningin niya. Pinabantayan niya ako sa mga tauhan ng lolo niya kaya nagpanggap nalang rin akong walang alam sa ginagawa niya. Pero para patigilin na niya ang mga ito sa kababantay sa akin ay gumawa ako ng ibang paraan.

I became extra sweet and caring kasi alam ko ang lahat ng tumatakbo sa isip ni Raige. I'm not his bestfriend for nothing. Ako lang ang higit na nakakakilala sa kanya ng lubusan kaya alam ko na kapag napanatag na ang loob nito ay ipapatigil na niya ang pagbabantay sa akin.

Pero para hindi na siya lalo pang magduda at mabahala ay ibinigay ko na naman ang sarili ko sa kanya sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. I just hoped na walang mabubuo kasi masisira lahat ng mga plano ko sa buhay kapag nangyari yon.

Naputol naman ang pag-iisip ko nang may kumatok.

"Ms Arianne?"

"Yes come in. Bukas yan." I told the person outside then mayamaya ay may pumasok na isang kasambahay.

"Ms Arianne, gusto daw po kayong kausapin ni Don Lauro." Sambit nito sa akin na ikinataka ko naman.

This is the first time for my whole stay here na kakausapin ako ng matanda na ako lang mag-isa at hindi kasama si Raige. Ano kayang kailangan niya sa akin?

"Okay. But where is he?"

"Nasa library niya po Ms." Tumango naman ako at bagot na tumayo galing sa pagkakahiga sa kama saka bumaba at pumunta sa library.

I was lying in the bed for the whole day again dahil bukod sa masama na naman ang pakiramdam ko ay inaantok pa ako. Wala rin si Raige ngayon kahit sabado dahil may out of town meeting ito at sa lunes pa ang balik niya.

I knocked first before I enter the library and when I got inside ay nakita ko siyang abala sa pagbabasa ng isang libro.

"Gusto niyo daw po akong makausap?" I asked him at kung noong una ay nininerbyos ako kapag tumitingin sa kanya ngayon ay hindi na. My mom is more scary than him, well just for me.

"Take a sit first hija." Anito at hindi na ako nagdalawang isip na umupo kasi nahihilo ako kapag matagal na nakatayo.

"Alright. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa hija. Alam kong mahal na mahal ka ng apo ko pero sa nakikita ko ay hindi mo siya mahal. Pero bakit pinipili mo paring manatili dito? What are you up to? Do you want money from him?" Nakakainsulto nitong sambit pero hindi ako nagpaapekto.

"Sir, for your information lang po ah. Mayaman po ang pamilya ko. Hindi man kasing yaman ninyo pero may masasabi din naman sa lipunan. Tsaka kung pineperahan ko lang naman si Raige edi sana noon ko pa ginawang maging boyfriend siya."

Tsk. Napagkamalan pa akong mukha pera! Pakialam ko naman sa perang sinasabi niya? I'm not a gold digger and most especially I'm not a poor!

"Then why are you here if you don't love him? You're giving my grandson high hopes and hija and you're such a mere destruction to him. He can't focus on his work and the things he needs to do when you are around." Anito na ikinataas naman ng kilay ko.

"Don't worry sir, kapag nakabalik na si Raige ay hihiwalayan ko na siya and I will make sure na hindi na niya ako hahabulin. Sagabal lang din naman kasi siya sa mga pangarap ko." I said na ikinatuwa naman nito.

"Good. Akala ko ay mahihirapan pa ako sa pagtaboy sayo. Don't worry, I'll help you to leave my grandsons life but just do your part." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Yon lang po ba ang gusto niyong pag-usapan natin? Kasi babalik na ako sa kwarto." Sambit ko at mabilis na tumayo kaya lang ay bigla akong nahilo kaya napabalik ako nang upo.

"Hija? Are okay? And you look so pale. May sakit ka ba?" Anang matanda sa akin na agad ko namang sinagot.

"Wala po. Okay lang ako. Babalik na ako sa kwarto." I said and then tumayo na ulit saka naglakad palabas pero hindi paman ako nakakaabot sa pintuan ay bigla nalang akong nawalan ng malay.

Paggising ko naman ay nasa kwarto na ako at medyo bumuti na ang pakiramdam ko hindi gaya kanina. Ano bang nangyari sa akin at nahimatay ako?

"Mabuti at gising na kayo miss. Kamusta ho ang pakiramdam niyo?"

"I'm okay. Ano bang nangyari? At anong oras na?"

"Hinimatay kasi kayo kanina sa loob ng library tsaka alasyete na ho ng gabi Ms."

"Ha? Gabi na?"

"Opo. Tsaka nga po pala. Sinuri po kayo ng oktor kanina para siguruhin ang lagay niyo."

"Doktor? Bakit may sumuring doktor sa akin?"

"Kautusan ho ng Don tsaka ang putla putla niyo ho kasi kanina kaya nabahala siya ng husto kaya tumawag na siya ng doktor."

"Oh okay, but ano ang sabi ng doktor?"

"Hindi ko ho alam e. Pero sandali lang ho at ipapaalam ko lang sa don na gising na kayo. Sa kanya narin ho kayo magtanong kasi mukhang siya ang sinabihan ng doktor sa lagay ninyo." Anito at lumabas na nang kwarto. Then mayamaya ay bumalik na ito kasama si Don Lauro.

"I'm glad your awake. How are you feeling?"

"I'm fine but can I ask if its true that a doctor checked me?"

"Yes and here's the result of her tests to you." Anito at may ibinigay na maliit na envelope sa akin.

Tiningan ko naman kung ano iyon at binasa then the result turned my world upside down.

"I'm pregnant?" Hindi ko makapaniwalang sambit at napahawak pa ako sa tiyan ko.

There is a growing life inside me! Nabuntis ako ni Raige! Oh my God!

"Yes hija, that results says it all."

Napapikit namang muli ako at dinama ang impis kong tiyan.

Kaya pala masama lagi ang pakiramdam ko at mabilis din akong mapagod. Yun pala buntis na ako! My gosh Arianne! Hindi kasi nag-iingat!

Aish!!

Should I tell this to Raige? He has the right to know about our child kasi siya ang ama. Pero..kung sasabihin ko naman sa kanya, ibig sabihin hindi na ako makakaalis pa at makakalayo sa kanya? Then how about my child? I mean our child kung aalis ako dito? Ibig sabihin hindi magkakaroon ng buong pamilya ang anak ko? Ipaparanas ko rin sa kanya ang isang hindi buo na pamilya?

"Did he knows?."

"Nope and I'm not planning on telling him. I expect you should not tell him too and if your planning to stay here, I wont let you kasi kahit magkakaanak pa kayo ngayon ay hindi parin kita matatanggap para sa apo ko ngayon."

This old man is really inconsiderate! Wala ring puso!

D*mn! What will I'm going to do! I'm sure na hindi ko rin magagawa ang gusto ko ngayon dahil sa kalagayan ko! Atsaka..paano ko to sasabihin sa mom ko? I'm sure that she will get mad if she will learn about this!

"At wala rin naman akong balak na ipagsiksikan ang sarili ko para lang matanggap mo. Tsaka hindi ko pinlano ang pagbubuntis na to kasi marami pa akong gustong gawin sa buhay ko!"

"Thats good but just make sure na aalis ka na agad dito kapag nakabalik na dito ang apo ko." Huling sabi nito bago umalis.

Napahawak naman ulit ako sa sinapupunan ko saka hindi napahinga ng malalim. Everything is so messed up right now and I don't know what to do anymore.

The day has come at hindi pa man nakakaisang araw na bumalik si Raige ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

"Hon?? A-anong sinasabi mo jan? Anong aalis ka? Diba sabi mo hindi mo ko iiwan? Mahal mo ko diba?" He said kaya mabilis naman akong umiling.

"I never loved you the way you want me to love you because I only treat you as a brother Raige at hindi na hihigit pa don. Pinagbigyan lang kita sa gusto mo kasi naaawa na ako sayo. You know that I don't do serious relationships and having a serious boyfriend or a partner is in my least priority right now." I said na ikinailing niya.

"No..please tell me your lying. May nagawa ba ako kaya ka nagkakaganito? Please tell me.."

"What I said is all true Raige." I said dahilan para bumakas ang galit sa mukha niya.

-------

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora