14

156 5 0
                                    

Bakas ang disappointment sa mukha ng matanda nang hindi ako pumayag sa gusto niyang gawin. Sinabi ko kasi sa kanya ang rason ko kung bakit ayokong bumalik sa buhay ng apo niya.

I can't grant his last wish kasi hindi ko talaga kayang gawin.

"My child can be with Peterzen but I really can't sir. Mahal ko po ang boyfriend ko at ayokong dagdagan pa ang galit ni Peter sa akin. Sana ho ay maintindihan ninyo. I'm sorry."

Napabuntong hininga naman siya at saka tumango.

"I understand hija. Ayoko lang kasi talagang maiwang mag-isa ang apo ko kapag nawala na ako pero kung yan ang desisyon mo ay wala na akong magagawa don."

"Sir, hindi naman po mag-iisa si Peter kung sakali kasi nanjan ang anak namin. Kung kaya lang niyang tanggapin si Ameira ay hindi na siya mag-iisa pa gaya ng gusto niyo. Bakit ho yon nalang ang gawin niyo? Try to convince him to accept his daughter."

"Marahil ay tama ka. I'll try what I can do but if ever that I can't make it, can you do that for me instead?"

Napakibit balikat nalang ako bilang sagot.

Bago umalis ang matanda ay kinausap niya muna si Ameira at binigyan niya ito ng napakaraming regalo. Tuwang tuwa naman ang bata lalo pa at sinabi ng matanda na galing ito kay Raige.

Mabilis lumipas ang mga araw at halos dalawang buwan din ang inilagi namin doon sa Cebu samantalang apat na buwan narin simula nang nagtrabaho na ako dito sa Maynila.

Marami ang nangyari sa nakalipas na anim na buwan pero isang lang ang hindi nagbago. Hindi parin kami maayos na dalawa. Mas lalo pang gumulo ang lahat noong nagkita sila ng girlfriend niya na ex na niya pala.

Family reunion nila non at kaarawan din ng matanda kaya sa isang kilalang resort napiling icelebrate ito. Halos kumpleto ang pamilyang Portman at dahil gustong makasama ng matanda si Ameira ay pinabigyan ko ito. Yon nga lang ay napilitan akong sumama kasi ayaw sumama ni Ameira kung wala ako.

"Mmy..where's Daddy?" Ameira asked me sa kalagitnaan ng pagsasaya ng pamilyang Portman.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid ng hindi ko mahagip si Raige. Nandito lang siya kanina pero bigla nalang itong nawala.

"He's just somewhere baby. Why are you looking for him?"

"Ara want to sleep mmy. Daddy promised he'll read story for me before I sleep." Nakangusong sambit nito at halatang inaantok na pero pinipilit lang na hindi makatulog.

Saan ko naman hahanapin ang ama niya? Hindi kasi to matutulog hanggat hindi natutupad ng ama ang sinabi niya.

"May problema ba hija?" Sambit ng matanda nang mapansin ang nakangusong si Ameira habang ako naman ay panay ang palinga linga sa paligid.

"Did you saw Peter sir?" I asked

"Hindi hija. Baka nariyan lang yan sa paligid. Hinahanap mo ba ang Daddy mo apo?" Anito at tumango naman ang bata.

"Pwede bang iwan ko muna si Ameira sir. Hahanapin ko lang si Peter. Inaantok na kasi yan at hindi yan matutulog kung wala ang ama niya lalo pa at pinangakuan siya nito kanina."

Iniwan ko nga si Ameira at hinanap si Raige just to see him with his ex girlfriend. Mukhang nag-aaway sila at kitang kita ko kung paanong ayaw na nang babaeng kausapin pa siya. Raige on the other hand looks so hurt while the girl is rejecting him. He was rejected again and I can't stand on witnessing this.

Naaawa ko namang tiningnan si Raige at hindi ko na naiwasang pumagitna sa kanila.

"Peter! Nandito ka lang pala! Hinahanap ka na nang anak natin!" I said dahilan para magalit si Raige sa akin.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now