13

159 5 0
                                    

Pagkatapos nang sigawan naming yon ay iniwan ko na siya at binalikan ang anak ko na natutulog parin ngayon at binabantayan ng matandang Portman.

I am really pissed right now because of what he did to Ameira and also because on what he have said. Alam ko namang hindi niya agad matatanggap ang bata kasi inakala niya noong iba ang nakabuntis sa akin tsaka kasalanan ko ba na pinagtagpo kami ngayon dito? Ayaw na ayaw ko ngang magkita muna sila kasi alam kong ganito ang mangyayari pero wala eh, sadyang mapaglaro ang tadhana.

Tamang tama lang rin ang pagbalik ko dahil tinawag na ang flight number namin.

"Leave all your things hija. My men will take care of that. Asikasuhin mo nalang ang apo ko." Anang matanda at kahit nagtataka ay sinunod ko nalang ang gusto niyang mangyari. Besides, ayokong maistorbo ang pagtulog ng anak ko.

Hanggang sa makasakay kami ng eroplano ay pinaalalayan niya kami sa mga tauhan niya at pinalipat pa niya kami sa first class section para makasama namin sila. Ayaw ko nga sana kasi ayokong makasama si Raige pero sa huli ay napapayag na ako ng matanda dahil baka atakihin ulit ang anak ko sakaling magising ito.

"Why are doing this sir? May kailangan ba kayo sa akin? Ano na naman ang gusto ninyo?" I asked him habang wala pa si Raige.

Alam kong may kapalit ang pagiging mabait nito at alam kong may kaugnayan yon sa apo niya. Hindi ako tanga para hindi malaman ang ganitong bagay tsaka pinagtatabuyan niya ako noon at nakapagtatakang parang gusto na niya ako ngayon.

"Don't misunderstood this hija and besides gusto ko lang makabawi sayo. Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit umalis ka noon kaya hayaan mo akong gawin ito sayo at sa apo ko. Masaya nga akong nagkatagpo tayo ngayon at hindi na ako mahihirapan na ipahanap kayo.

Pasimple ko namang tinaas ang kilay ko. Hindi nga? Anong nangyari sa matandang to at parang nagbago na siya? At ipapahanap niya kami? Para ano?

"At bakit naman kayo babawi sa akin? Okay lang kami ng anak ko at tsaka desisyon kong umalis noon. Marahil ay may parte kayo sa naging desisyon ko pero ginusto ko paring umalis. I'm not good for Raige and up until now ay ganon parin kaya kung iniisip niyong pabalikin ako sa buhay nang apo niyo ay wag nalang. Ayoko ng gulo." Sambit ko kasi

"No hija, you have to take back my grandson in your life not just for you but for your daughter. Kailangan ng buong pamilya ng anak niyo. Kailangan ng anak mo ng ama at inang sabay na gagabay sa kanya sa paglaki. Malaki ang magiging epekto nito sa bata kung sakaling  hindi kayo magkaayos na dalawa."

Hindi na ako nakapagsalita pa kasi dumating na si Raige.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang anak na natutulog sa tabi ko habang sila naman ay naging abala na sa kanilang trabaho.

Hindi ko naman naiwasang mapaisip tungkol sa sinabi ng matanda. Kailangan ba talagang bigyan ko ng buong pamilya ang anak ko kasama ang tunay niyang ama? Kung sakaling matanggap naman ni Raige ang anak namin ay hahayaan ko naman siyang magkaroon ng oras sa kanya tsaka magagabayan parin naman namin si Ameira kahit hindi kami magsasamang dalawa. Nanjan din naman so Volter para maging ama ng anak ko at lumaki si Ameira na kasama na si Volter.

And besides he has a girlfriend that he loves dearly too. May kanya kanya na kaming buhay and I just can't loose Volter just because my Ameira needs her real father. I sacrificed so many things just to be with him at sobrang mahal na mahal ko siya.

Isa kasi siya sa rason kung bakit pinili kong lumayo kay Raige. Most importantly, he is also the reason why I choose to play before. I was hurt to see him with his first love at masama man pero gumawa ako ng paraan para kahit papaano ay makuha ko ang pansin niya. Gaya nga ng sabi ko noon, Volter is my favorite among all my flings kasi siya ang first love ko.

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now