20

172 5 0
                                    

Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula pero nararamdaman kong umiiwas at nanlalamig si Volter sa akin. Did I do something wrong para maging ganon siya or may sinabi ba ang nanay niya sa kanya na kung ano ano?

I am so clueless thats why nang day off ko ulit sa trabaho ay pinuntahan ko siya sa opisina niya. I need to talk to him personally dahil kung sa tawag lang ay hindi niya ako sinasagot ng maayos.

It's a good thing na nakasalubong ko ang asawa ni Mara at pinapasok niya ako.

"Thank you. Sure kang nasa opisina niya si Volter?"

"Yes, he's there at kagagaling ko lang don kanina. By the way maiwan na kita dahil may aasikasuhin pa ako. Alam mo naman na kung nasaan ang opisina niya diba?"

"Yep! Thanks again!" Pagpapasalamat kong muli at tumuloy na sa floor kung nasaan ang opisina ni Volter.

Nang makarating doon ay wala ang secretary niya kaya kumatok nalang ako sa pintuan ng opisina nito. When I heared him said come in ay pumasok na ako. Ayokong basta bastang pumasok dahil baka abala siya sa loob.

"Hi babe."

Bungad ko habang nakangiti pero nawala iyon agad nang malamig niya akong sinagot at tiningnan.

"Why are you here?"

Kunot noo ko naman siyang sinagot.

"What kind of question is that babe? Syempre dinadalaw ka. Hindi ka ba masayang makita ako ngayon? Namiss kita at dahil day off ko ngayon ay gusto ko sanang lumabas tayo."

"I am busy today. May importanteng lakad ako kaya hindi pwede ang gusto mong mangyari."

"Hindi ba pwedeng iurong mo muna yang lakad mo? Please? Kahit ngayon lang? Baka kasi matagalan ako ng ilang linggo bago tayo magkasama ulit kasi aalis ako papuntang Canada at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito." Pagrarason ko which is somehow true kasi may company activity kami sa main branch pero magtatagal lang yon ng isang linggo.

Akala ko ay papayag siya pero nanlumo ako ng humindi siya. Napatunayan ko tuloy na umiiwas nga siya sa akin kasi kung hindi ay papayag agad siya sa gusto ko gaya noon. Tsaka minsan lang akong mag-aya kaya pumapayag talaga siya pero ngayon..

"I can't Arianne." Anito sabay iwas ng tingin.

"Are you avoiding me Volter?" Diretsahan kong tanong sa kanya.

"No, I'm just busy thats all." Anito at binalik ang tuon sa mga papeles na kanina pa niyang hinahawakan at binabasa.

Napabuntong hininga nalang akong napapailing.

"Sige. Next time nalang. Aalis na ako." Sambit ko saka tumayo at akmang hahalikan ko na siya ng umiwas siya at sa pisngi niya lang dumapo ang labi ko.

Binalewala ko nalang yon at nakangiting nagpaalam na aalis na.

Bagsak ang balikat ko nang makasakay sa taxi at naisipang umuwi nalang.

"Hey, bakit nandito ka na? Akala ko ba lalabas kayo ni Volter?" Raige asked nang makarating ako sa bahay.

"Busy daw kaya hindi na matutuloy." Sambit ko at tinabihan sila sa couch kasama si Ameira na kandong naman niya tapos ay napasandal sa balikat niya.

"Okay?" Nasense niya yatang hindi maganda ang timpla ko kaya tumahimik nalang siya.

Bagot ko namang tiningnan ang pinapanood nilang pambatang pelikula bago nagsalitang muli.

"Bakit nga pala nandito ka pa sa bahay? Hindi ka na naman pumasok?"

"Wala namang ibang ginagawa sa opisina kaya hindi na ako pumasok tsaka bahala na si Vlaize doon." I just rolled my eyes on his answer.

"Anong oras na pala Raige?"

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now