8

154 3 0
                                    

I'm so heartless to hurt him but I don't have any choice but to do this. I really want to get away with him kasi may tao akong gustong balikan lalo pa at tanggap niya kung ano ako ngayon. Tsaka iba ang gusto ni Raige sa gusto kong gawin kaya nga ngayon palang ay puputulin ko na ang kung anong meron kami. This is whats best for us eventhough it hurts to hurt my bestfriend.

"Are you kidding me Arianne?? Then how about all those intimate times with me?? Wala lang yon sayo ha?!" Sigaw niya na punong puno ng galit.

Of course that has an effect on me but hindi yon ang magiging rason para manatili sa tabi niya. I don't love him the way he loves me. Tsaka kung hindi lang sana siya nagbago ay baka may pag-asa pa kami.

"I admit gusto ko ang lahat ng mga ginawa natin but that was all just a pure lust Raige. No love involved because I love someone else so I'm sorry. Sinubukan ko naman eh pero kasi nagbago ka na. Hindi na ikaw ang dating Raige na nakilala ko at imbes na hatakin mo ako pataas ay hinahatak mo ako pababa." I said and that made him more dumbfounded.

"Well anyways, tutal ay nasabi ko narin sayo ang lahat ay aalis na ako. Wag mo narin akong hanapin kasi magiging masaya na ako sa lalaking mahal ko. Thank you for everything Raige and see you when I see you." I added at akmang aalis na nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagyakap sakin galing sa likuran.

D*mn! Ganito ba niya kaayaw na mawala ako sa kanya?

"F*ck no! Please don't leave me! Okay lang sa akin kahit hindi mo ako mahal basta't wag mo lang akong iiwan! Just please stay with me Yan! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko at patawad kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan! I will try my best to get back as the way I am before just don't leave."

"Let go of me Raige." Malamig kong sambit

"No! Ayoko! Dito ka lang!" He insisted but I didn't let him to stop me from going.

I did all my best to get away from his hold at nang tuluyang makawala ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Palayo sa buhay niya.

It's a good thing na gumawa ang matanda ng paraan para hindi sumunod si Raige sa akin kaya agad akong nakaalis sa bahay nila sa tulong narin ng tauhan niya.

At habang papalayo ako ay doon na nagsituluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Masakit talaga sa aking saktan ang bestfriend ko na malaki ang naging parte sa buhay ko pero kailangan. At kung dumating man ang araw na magkatagpo kami ulit, hindi ko ipagkakait sa kanya ang anak namin.

Sa halip na umuwi sa condo ko ay sa airport ako nagpahatid para hindi na ako masundan pa ni Raige. I'm flying back to Cebu pero hindi ako magtatagal don dahil aalis din agad ako papuntang Italy gaya ng nakaraang plano ko.

"Where have you been Lerha?!" Galit na bungad ng mom ko sakin ng siya ang nadatnan ko sa sala ng bahay.

"I just went somewhere to unwind." Pagsisinungaling ko.

"Unwind?? Limang buwan kang nag-unwind?? Tsaka bakit umuwi ka pa dito? Akala ko ba hinding hindi ka na babalik pa dito?"

I just rolled my eyes on what she said. Bakit ko ba naging nanay ang babaeng to?

"Don't worry mom, hindi naman ikaw ang pinunta ko dito." I said at tinalikuran siya saka umakyat na sa kwarto ko.

Tutuloy na sana ako sa kwarto ko nang nakasalubong ko ang bagong asawa ng nanay ko na papalabas sa kwarto nila.

"Nakauwi ka na pala hija. Nag-alala ang mommy mo sayo." Sambit nito na ikinatawa ko naman.

"Nag-aalala? Ganon ba ang nag-aalalang nanay Pa? Ayaw niya nga akong nandito e."

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now