15

158 4 0
                                    

Hindi ko sinagot ang anak ko kaya si Volter na ang sumagot para sa akin. He explained to her the things that I wanted to say na naintindihan naman agad ng anak ko.

"Thank you babe. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Tsaka pasensya na kung lagi nang nababanggit ni Ameira ang ama niya." Sambit ko sa kanya habang nakapahinga ang ulo ko sa dibdib niya at nakayakap naman ang mga kamay ko sa bewang niya.

Nasa living room kaming dalawa ngayon dito sa condo ko at dahil nakatulog na si Ameira ay nagkaroon kaming dalawa ng sariling oras para sa isa't isa.

"It's nothing babe, besides I don't want to disappoint Ara. Tsaka alam kong parte na ng buhay niya ngayon ang ama niya at hindi na natin yon maiiwasan." Sambit niya at tumango naman ako saka mas niyakap pa siya.

"When are you coming back to work babe?" I asked him

"The day after tomorrow babe but don't worry, my time will be manageable now because our project will soon be finished. Mas makakasama na kita ng madalas." Sagot naman niya habang hinahalikan ang ulo ko.

"Really? Thats a good news!"

"It is now, can I stay here tonight? I want to cuddle with you all night." Aniya na ikinangiti ko naman.

"Sure babe." Pagpayag ko naman kaya mabilis niyang inabot ang labi ko para mahalikan. I kissed him back and then mayamaya lang ay binuhat niya ako at saka pinaupo sa mga hita niya nang hindi pinuputol ang halikan namin.

"I love you babe so damn much." He whispered between our kisses.

"I love you too so much babe." I answered back as I pulled him closer to kiss me more. And that night, something happened to us for the first time since we started our relationship. I was not expecting that because he said before that he'll take me after we get married but I don't know what changed his mind.

Volter has principles in life and he really respects me a lot. Ako pa nga madalas ang nag-iinitiate na maghalikan kami but now is really different because he initiates everything.

Thats not the last time na may nangyari sa amin at dahil mahal ko siya ay pinagbibigyan ko siya at ang sarili ko sa mga ganong bagay. Pero hindi ko pinababayaan ang sarili ko gaya ng dati dahil alam kong hindi pa handa si Volter sa panibagong responsibilidad.

"Ang blooming natin ngayon ah! Anong meron couz?" My cousin from my father's side asked me.

"Anong blooming ka jan? Baka ikaw kamo. Tingnan mo nga o, ang ganda ganda mo ngayon. Kayo na ba ni Eiden ha?" Pagbibiro ko dahilan para irapan niya ako.

"Wag mo ngang binabago ang usapan. Ano? Nadiligan ka ano kaya ganyan nalang ang ngiti mo?"

Ang babaeng to talaga napaka.

"Hindi ba pwedeng inlove lang? To talaga napakagreen ng utak." Sambit ko kahit tama naman siya.

"What? Inlove ka na sa ama ng anak mo?" Gulat niyang sambit na ikinanlaki naman ng mata ko. My gosh!! Kung ano ano talagang sinasabi ng babaeng to!

"No way! Wag ka nga couz! At hindi ako inlove sa kanya. Hindi naman kasi siya ang tinutukoy ko ano ka ba." Napa o naman siya sa sinabi ko.

Actually hindi niya alam kung ano talaga kami ni Volter. I didn't mentioned it to her although may tiwala naman ako sa kanya. Tsaka malalaman naman niya soon lalo pa at napapadalas ang pagpunta dito sa restaurant ni Volter at ni Eiden.

"Mukhang may hint na ako pero saka ko na icoconfirm kapag sigurado na ako. Anyways, totoo ba na tanggap na si Ara ng ama niya?" She asked and I nodded as an answer though.

Partly ay tanggap na ni Raige si Ameira. Madalas na kasing nasa kanila ang anak ko at nasabi sa akin ng matandang Portman na si Raige daw madalas ang umaasikaso sa bata lalo pa at sa kanya lang ito sumusunod.

It's a good start for them at hindi ako hahadlang sa kasiyahang pwedeng matanggap ng anak ko galing sa ama niya.

"They're going there."

"Then, anong gagawin mo?"

"Wala, may dapat ba akong gawin?"

"Ewan ko, depende naman yon sayo." Napakibit balikat nalang ako tapos ay bumalik na sa trabaho.

The next days became a blur to me at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatira na ako sa bahay ni Raige.

Labag man sa loob ko ay napilitan akong tumira kasama sa iisang bubong si Raige para sa anak namin. Ameira didn't want to leave her fathers side. Gusto niyang laging nakakasama ang ama at pati narin ako. I don't want Ameira to be sad thats why I made a very hard decision just to make her happy. Mas matitiis ko ang sama ng ugaling pinapakita ni Raige sa akin pero hinding hindi ko matitiis ang anak ko.

Yon nga lang ay kapalit naman ng kasiyahan ng anak ko ay nag-away kami ni Volter. Hindi ko kasi nabanggit sa kanya ang tungkol sa paglipat ko sa bahay ni Raige at sa iba pa niya nalaman yon kaya nagalit siya sa akin. Hindi ko naman balak ilihim ang tungkol don pero dahil sa laging pinasasakit ni Raige ang ulo ko ay nakaligtaan kong sabihin sa boyfriend ko ang lahat.

"Babe wait! Lets talk please!" Habol ko kay Volter pagkatapos niyang malaman ang lahat.

Kakatapos lang noon ng shift ko at dahil madaldal ang pinsan ko ay sa kanya nito narinig ang tungkol nga sa pagtira ko sa bahay ni Raige.

"Kailan ka pa umuuwi don ha?" Tanong niya habang nagpipigil ng galit

"Mag-iisang linggo na." Nakapikit kong sambit then he burst his anger.

"The f*ck Arianne! Ganon na katagal pero hindi mo sinabi sa akin??"

"I'm sorry..marami kasing nangyari kaya hindi ko nasabi sayo agad. Tsaka biglaan lang din ang lahat dahil gusto ni Ameira na makasama ang ama niya at ako ng sabay. Alam mo namang ayokong nalulungkot ang anak ko diba? And you know her condition." I explained.

"Noong una si Ara lang pero bakit parang pati ikaw lumalayo narin sa akin?" Aniya na mabilis ko namang ikinailing.

"No..I'm not babe! Hindi ako lumalayo sayo at mas lalong wala akong balak na lumayo sayo. Mahal na mahal kita alam mo yan." Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya saka siya niyakap ng mahigpit. Akala ko ay hindi niya ako yayakapin pabalik but he did then siniksik niya ang ulo sa leeg ko.

"I'm so jealous right now babe. Nakalimutan na ako ni Ara tapos makakasama mo naman sa iisang bubong ang ama niya."

"Babe..mahal ka ni Ameira. Sadyang gusto lang niya ng atensyon ng ama niya ngayon pero sigurado akong kapag nagkita ulit kayong dalawa ay matutuwa yon. Tsaka umiiwas naman ako sa lalaking yon at ikaw ang mahal ko kaya wag mo na siyang pagselosan."

"I can't help it babe besides mas may pinagsamahan kayong dalawa kaysa sa atin."

"Don't be babe pero sorry ulit ah. Paano ba ako makakabawi sayo? Gusto mo date tayo bukas? Wala akong pasok."

"As much as I want to but I can't be with you tomorrow babe. I need to see some investors and I can't skip that. But how about tonight? Can I have you alone?" He asked and I was about to say yes nang tumunog ang cellphone ko.

Gulat kong tiningnan ang caller pero binalewala ko yon dahil baka kung ano lang ang sasabihin non. Tumigil naman ito ng kusa pero mayamaya lang rin ay tumawag ulit ito.

"Sagutin mo na babe. Mukhang importante." Volter said hanggang sa tumigil ulit ang pagtunog.

He didn't know whose calling kaya gusto niyang sagutin ko ito.

A few seconds after my phone stopped ringing ay nakatanggap ako ng mensahe galing parin sa taong tumatawag saying na sagutin ko raw ang tawag niya with the word please. Then tumawag ulit ito kaya napapabuntong hininga nalang ako sinagot ito.

"What?" I asked feeling pissed pero nawala ang inis ko nang magsalita siya at napalitan iyon ng gulat.

'Can you come here please? My grandfather.. he's here in the hospital at hindi ko maaasikaso si Ameira.' Bakas ang kaba at takot nito habang binabanggit niya yon. Naririnig ko rin ang pag-iyak ng anak ko sa kabilang linya kaya kinabahan narin ako.

"I need to go babe! Something came up and I promise babawi ako sayo! I love you!" Sambit ko at hindi na siya nahintay pang makasagot dahil umalis na ako sakay ng sarili kong sasakyan.

In a short period of time ay nakasundo ko ang matanda kaya kahit papaano ay nag-aalala ako sa kalagayan niya ngayon. I just hope that he's fine.

-----------

Waves of Love Series 2: Crashing Waves(Strong Love)✓[Completed]Where stories live. Discover now