17

5 1 0
                                    

Ikaw parin sa kahit anong panahon.

------------------------------------------------------------------------

Hindi ko na rin alam dapat kong gawin.

Bagamat nagaalala ako para kay Jamey, alam kong mas mainam rin na huwag na muna ako magpakita kay ate Stacey. 

Sigurado akong mas makabubuti kung umalis muna ako sa ospital sa mga oras na ito.

Naglakad ako ng naglakad, hindi ko na rin napansin na nakarating na pala ako sa palaruan malapit kina Miracle. Alam kong mali ngunit umasa akong naroon siya. 

Ngunit wala.

Umupo ako sa isa sa mga bench doon. Huminga ng malalim saka hinayaang umagos ang aking mga luha. Hinayaan kong lumabas ang mga luha at sakit na ilang taon nang namamalagi sa aking puso at isipan.

Hindi ko napapansin ngunit nasusugatan ko na naman ang braso ko. Siguro nga pisikal na sakit lamang ang makakatulong upang makalimutan ang hapdi na dulot sa puso at isip.

Nang nagtuloy tuloy na ang pag agos ng dugo mula sa mga braso ko, hinayaan ko na lamang ito at saka yumuko. Maya maya pa ay may naramdaman akong humawak sa palapulsuhan ko. Hindi man ako tumingin. Hindi man siya magsalita, ramdam ko, sigurado ako kung sino siya.

Nang iangat ko ang aking mukha nasilayan ko ang kanyang ngiti. Ngiti na nagsasabing nandito ako para sayo. Mga matang handang umunawa. Mga taingang handang makinig. Mga kamay na handang umalalay.

Bago pa man siya magsalita ay niyakap ko na siya. Sa mga oras na yon wala na akong ibang maisip kundi ang hagkan siya.

"Salamat." humihikbing sabi ko.

"Makikinig ako." sagot niya habang hinahaplos ang likod ko.

"Pagod na ko, Mira... sobrang pagod na." tila nagsusumbong na ani ko.

Tumango lamang siya. Wala siyang ibang sinabi. Hinayaan niya lamang akong humagulgol at maglabas ng sama ng loob. Nakinig siya, tulad ng sinabi niya.

Nang naubos na ang aking sasabihin. Bumitaw na kaming dalawa sa pagkakayakap, pinunasan niya ang mga luha ko at ngumiting muli saka umupo sa tabi ko.

Panandaliang katahimikan ang pumalibot sa aming dalawa. Unti-unti tila lumalaki ang distansya sa pagitan naming dalawa. Saka ko lamang naalala na ngayon nga lang pala ulit kami nakapag-usap dalawa. Saka lang bumalik sa isip ko na may kapiling na pala siyang iba.

"Sorry Mira. Nawala sa isip ko na-"

"Wala naman dapat ihingi ng tawad, Tim. Lagi ako handang makinig." pagputol niya sa akin.

"Pero hindi ba't matagal na tayong hindi nag-uusap? Wala ka nang obligasyong makinig sakin." sagot ko.

"Ikaw lang naman itong lumayo. Nagulat na lamang ako at iniiwasan mo na ako. Iniisip ko rin kung anong problema pero kahit naman naintindihan ko na, ayaw mo na rin naman makipagusap pa." tugon nito.

"Tulad ng sinabi ko, gusto kong maging masaya ka, Mira at ayaw kong maging dahilan pa ng problema niyong dalawa." pagpapaliwanag ko.

"Bakit naman kami magkakaproblema?" sagot nito habang bahagyang natatawa.

"Gusto kita. Alam mo yun at hindi ko alam kung mawawala pa to. Hindi ko alam kung kaya ko bang makita kayong magkasama. Sa totoo lang hindi ko na alam kung gusto lang ba kita o mahal na kita. Gustong gusto kitang makuha sa kanya. Gusto kitang angkinin. Pero kahit na ganon mas pipiliin ko paring lumayo lalo na kung doon ka mas sasaya." dirediretsong sagot ko.

"Salamat, Tim. Salamat sa pagmamahal na kaya mong ibigay. Pero hindi ko din kayang suklian iyon. Ganonpaman, palagi parin akong handang makinig. Pwede ka parin magsabi sakin ha? Pwede mo kong kailanganin. Pero hindi kita pwedeng mahalin."

"Siya padin talaga no? Kahit ilang taon pa siguro ang lumipas. Siya lang. Minsan iniisip ko. Paano kaya kung nakilala kita ng mas maaga? Paano kaya kung nauna ako? May magbabago kaya? Kung ganon kaya ang nangyari, kaya mo ko mahalin?" bagamt nakangiti ay naluluhang tanong ko.

"Hindi ko hahayaan na makapasok ka ng tuluyan sa buhay ko... ganon ka kahalaga para sa akin, Tim." mahinang sagot nito.

"Mira. Pipitasin ko parin ang rosas bagamat puno ito ng tinik. Handa akong masugatan. Handa akong masaktan. Pero kung mas nais mong palayain kita, handa rin akong bumitaw. Kasi ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Mira. Hindi kita ikukulong sa mga palad ko. Hindi kita ilalayo sa bagay o tao na labis na makakapagpasaya sayo pero maghihintay ako. Kung sakaling naisin mong patuluyin ako sa buhay mo, handa padin ako. Alam kong masaya ka ngayon sakanya, at masaya akong masaya ka. Nasasaktan ako pero mas pipiliin ko laging makaramdam ng kirot sa puso ko basta't may ngiti sa labi mo. Piliin mo laging maging masaya Mira. At kung kailanganin mo ako, maaasahan mong handa akong makinig sayo gaya ng pakikinig mo tuwing kailangan ko ang mga taingang tatanggap ng mga pait ng buhay ko. Salamat, Mira... at mahal kita." sambit ko saka idinampi ang labi sa kanyang noo. 

Tumayo ako at naglakad palayo.

"Tim. Hindi kita kailanman malilimutan. Salamat sa lahat lahat." aniya habang nakangiti.

"Magkikita tayong muli." sagot ko sakanya.

Tumango siya ng dahan dahan at tuluyan na akong umalis.

Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon na ng improvement sa kalagayan ni Jamey. Bagamat hindi padin siya nakalalakad ng maayos, bumalik naman na sa dati ang sigla niya.

"Kailan ka ba babalik dito, anak? Hindi naman na umuuwi dito ang papa mo kaya  bumalik ka na ha?" sabi ni mama isang araw ng tumawag siya sa akin.

"I'll just finish this sem ma. Maybe next week." sagot ko sakanya.

Dito na muna ako nagstay sa El Constancia dahil nararamdaman kong hindi komportable si ate sa tuwing nakikita niya ako sa bahay at sigurado akong mas makatutulong kay Jamey kung wala siyang makikitang pag aaway o ilangan sa bahay namin.

Madalas akong tumawag para kumustahin siya. Nang gumising siya, ilang araw makalipas ang aksidente, panay ang hingi ng tawad niya dahil daw di siya nag-ingat.

"Sorry kuya, I made everyone cry. Sorry for being irresponsible kuya." sabi niya habang lumuluha.

"No Jamey. It's not your fault. We cried not because we thought that it was your fault. We cried because we are worried about you. Kaya take your meds always, eat healthily and be well, okay?" sagot ko sakanya.

"Yes kuya. I will be strong again so that I can protect you from anyone who tries to hurt you."

Napangiti ako ng naalala ko ang sinabi na iyon ni Jamey.

It just feels so nice that someone as little as her wants to protect me. She reminds me so much of Miracle.

Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin sa palaruan noon, hindi na kami muling nagkita. Wala na rin akong narinig na balita tungkol sakanya mula noong pagkarating ko dito sa El Constancia.

Maya-maya lamang ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa pinsan kong si Zedd.

"Tim, nawawala si Mira." 

"Panong nawawala?" agarang reply ko.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pading reply si Zedd kaya napagdesisyonan ko nang bumiyahe pabalik.

"Please be safe Mira. Don't make me regret staying away from you." paulit ulit na sambit ko.

----

;

Pahimakas.Where stories live. Discover now