12

24 1 0
                                    

"Dito sa magulo at nakakapagod na mundo, ikaw ang kapayapaan ko."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagpalipas pa kami ng ilang oras doon tumulak na ulit kami pauwi ng Maynila. Nakakapagod ang biyahe kaya nakatulog si Miracle sa sasakyan. Hinatid ko na rin siya diretso kina aling Ising at umuwi na rin.

Nadatnan ko si ate na umiiyak sa sala. Patay na ang lahat ng ilaw. Wala ring tunog ang kaniyang iyak kaya kung hindi mo siya makikita ng malapitan ay di mo malalaman na umiiyak siya.

"Ate-"di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumakbo papunta sa akin at umiyak ng umiyak. Niyakap ko rin siya at hinagod ang likod niya.

"Tim naguguluhan ako."humahagulgol na sabi niya. Kinalas ko ang yakap ko sakanya at pinaupo siya sa sofa.

"Anong nangyayari, ate? May problema ba kayo ni Kuya Jasper?"sabi ko saka pinunasan ang luha niya.

"Pakiramdam ko may iba siya...Pero imposible iyon. Alam mo kung paano ko pinaghirapan ni Jasper. Mula high school kami na. Nag-iipon na lang kami at magpapakasal na kaya di ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ito."lumuluhang sabi niya.

"Nahuli mo ba siya? May text ba? May tumawag?"umiling siya. "Kung ganon, paano mo nasabi na may iba siya ate?"nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko rin alam, Tim. Pero nararamdaman ko. Nag-iiba na siya. Noon, kahit sobrang busy na namin nagkakaroon parin siya ng time para sakin. Pero ngayon...kahit text bihira na. Naiintindihan ko na mahirap maging doktor. Alam ko na maraming pasyente. Buhay ang hawak niya oo. Pero may kilala din naman akong mga doktor na mas mataas pa ang katungkulan sakanya. Napanatili naman nila ang relasyon nila. Ako rin pagod na rin ako. Mahirap din naman ang trabaho ko. Pero ginagawa ko ang lahat para magka-oras ako sakanya. Bakit siya di niya magawa?"daing niya.

"Napag-usapan niyo na ba ito?"tanong ko sakanya.

"Oo. Kanina...sa cellphone."humihikbing sagot niya.

"Anong sabi niya tungkol dito?"sabi ko habang inaayos ang gulo-gulo niyang buhok.

"Maghiwalay na daw muna kami. Ang toxic na daw."sagot niya saka bumuhos ang luha. Kilala ko si ate. Hindi siya territorial at clingy kay kuya Jasper. Pero imposible rin na may iba na si kuya Jasper. I know how much he loves ate Stacey. Nasaksihan ko iyon.

Hinatid ko na muna si ate Stacey sa kwarto niya para makapagpahinga. Tinawagan ko si kuya Jasper pagkatapos ko magbihis.

"What is it Tim? Pinatawag ka ba ng ate mo?"bungad niya sakin.

"Hindi kuya. We need to talk."walang-alinlangang sagot ko. Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Okay. Lets just talk tomorrow. Im tired now. Kaka-out ko lang sa trabaho."tumango ako sa sinabi niya kahit pa hindi naman niya ako nakikita.

"Sige Kuya. Just text me kung saan at anong oras. Pasensya na sa abala."sagot ko.

"Okay Tim. No problem."sabi niya saka binaba ang linya.

Humiga ako at tinakip ang braso sa mga mata. Di ko na napigilan ang pagtakas ng luha ko. Sana naman hindi na maulit kay ate iyong nangyari kay mama. Ayoko na...ayoko nang makita na namang may nasasaktan sa kanila.

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang itsura ni ate kanina. Sobrang nasasaktan siya. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Alam ko na kahit anong gawin ko, di ko mababawasan ang pagdadalamhati niya. Gusto ko sila protektahan lagi pero lagi rin akong pumapalpak. Sa huli, nasasaktan parin sila.

Pahimakas.Where stories live. Discover now