11

14 1 0
                                    

"Iyo ang pinakamagandang pares ng mga mata na aking nakita sa buong buhay ko."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

WARNING: Matured Content (Harassment)

Sandali siyang nanahimik at umiyak na naman. "Ayaw kitang bigyan ng panyo kasi sabi ng mga nakakatanda, papaiyakin ka daw ng taong mag-aalay ng panyo sa iyo e. Pwede bang itong palad ko na lang?"biro ko para pagaanin ang sitwasyon. Hinarap ko ang mukha niya sa akin at pinunasan ang mga luha niya. Ngumiti ako sakanya at hinalikan siya sa noo. "Maganda ka. Di mo kailangang itago iyang mukha mo sa mga buhok mo."paniniguro ko sa kanya.

"Tim natatakot ako."sabi niya basag parin ang boses niya.

"Saan naman?"naguguluhang tanong ko.

"Kasi nagugustuhan na kita."sagot niya na nakapagpatulala sa akin. "Natatakot ako na baka pinapagaan mo lang ang loob ko ngayon. Na pagkatapos nito iiwasan mo na ako. Na katulad niya, iiwan mo rin ako."naluluhang sambit niya.

"Dahil ba diyan kaya ka niya iniwan?"may bahid na inis na tanong ko. Wala siyang kwenta kung dahil lang dito kaya niya iniwan si Miracle.

Umiling siya at ngumiti. "Alam niya na ganito ang itsura ko noon pa. Sa katunayan, siya pa nga ang nagturo sa akin na mag-bangs para kahit papaano ay matakpan ang pilat ko. Simula noong ginawa ko iyon, parang tanggap na ako ng lahat ng tao."nakangiting sagot niya. "Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin dahil dito, Timothy."umaasang sambit niya.

Inangat ko ang jacket ko saka siya hinarap. "Nakikita mo ang mga ito?"sabi ko habang tinuturo ang braso ko. "Parehas lang tayong may pilat. Magkaiba ang pinagmulan at kinalalagyan pero pareho lamang na naging bunga ng pasakit. Ngayon, kung ayos lang sa iyo, pwede ko bang malaman kung anong naging sanhi nito?"tanong ko habang hinahaplos ang pilat malapit sa kaniyang mata.

"Labing-tatlong taon ako noong umuwi kami sa Sitio Palentino probinsya nila papa, para magbakasyon. Abogado kasi si papa kaya sobrang stress niya noong panahon na yon. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na marami siyang kinalaban na malalaking politiko. Karamihan ay sangkot sa droga o korapsyon. Di natatakot sa mga pagbabanta nila si papa dahil mas importante sa kanya ang kanyang moral. Doon ko siya mas lalong hinangaan dahil kahit na buhay man niya ang maging kapalit, ipaglalaban niya parin kung ano ang tama. Noong nanalo siya sa kaso laban sa Gobernador ng isang lalawigan, napagdesisyonan muna niya na magbakasyon kami para rin siguro makapagpahinga. Pero sadyang tuso ang mga politiko na iyon. Nagpadala sila ng mga tauhan sa probinsya namin para magmanman. Napansin ko iyon. Lagi kasing may nakatanaw sa aming bahay. Ipinagsawalang bahala ko na lang dahil imposible namang masundan nila kami. Masyadong liblib ang Sitio Palentino para marating nila. Nakita nila na walang mga bodyguards o ano pa man na pwedeng prumotekta sa amin kaya sinamantala nila iyon upang loobin ang bahay namin isang gabi bago ang kaarawan ko. Nagising ako noon sa iyak at pagmamakaawa ni mama na wag siyang galawin dahil may sanggol sa sinapupunan niya. Tumakbo ako palapit sakanila at napalingon sa akin si mama. Sinabi niya na..."napahinto siya dahil sa pagbuhos ng kanyang mga luha. Inabutan ko siya ng tubig pero hinawakan niya lamang ito.

"Sinabi niya na kung pwede ako na lang dahil pasakit naman daw ako sakanya at kinamumuhian niya ako. Tumawa ng parang demonyo ang lalaking may hawak ng palakol. Lumapit siya sakin saka ako sinakal. Mahina ako. Hindi ko kayang lumaban sa kanila. Tinignan ko si papa na nakaratay na sa sahig hinang hina na siya at kumakalat na ang kanyang dugo. Patuloy na tumulo ang luha ko lalo na noong sinabi sa akin ni papa na tumakas ako. Na lumaban ako para makawala. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa taong sumasakal sa akin, diniin niya ang palakol sa kaliwang bahagi ng mukha ko. Inaasahan ko na pipigilan sila ni mama pero patuloy lang niyang hinihiling na pakawalan na sila. Binagsak ako sa sahig ng lalaki at lumakad papunta kay mama. Tinaga niya ng paulit ulit sa harap ko si mama hanggang sa mawalan siya ng malay at tuluyan nang malagutan ng hininga. Noong papalapit na muli sa akin iyong lalaki, dinampot ko iyong kutsilyo malapit kay papa at tinarak ito sakanya. Humingi ako ng tawad kay papa saka tumakbo na palabas para makahingi ng tulong. Mabuti na lang at walang kasama iyong lalaki. Nakatakas ako. Ilang minuto pa ang nilakad ko bago nakarating sa bahay ng isa sa mga kaibigan ni papa. Wala nang magulang pareho sina mama at papa at nag-iisang anak si papa. Dinala ako ni Mang Hector dito sa Maynila at iniwan kay tito Mario. Siya na ang nakasama ko simula noon."mahabang pagsasalaysay niya.

Pahimakas.Where stories live. Discover now