3

36 6 2
                                    

"May mga storya na sadyang nakatadhanang magsimula at may mga bagay na kailangan nang matapos."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Napano kamay mo?" tanong niya.

Tinitigan ko lamang siya. Hindi katangkaran hanggang balikat ko lamang siya. Sobrang puti, mali, maputla siya. Payat siya. Mahaba ang buhok niya ngunit may bahagi ng mukha niya na natatakpan ng buhok kaya't di ko gaano makita ang kabuuan ng mukha niya. Katamtaman lamang ang laki ng mata niya. Ang mata niya ay kulay hazel brown na lalong nagpapungay rito. Halatang hindi siya purong Pilipino. Maninipis ang kanyang mga labi. Matangos rin ang kanyang ilong.

Natauhan ako noong bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Hoy. Tinatanong kita." Sabi niya habang pinipigilan tumawa.

"H-ha?" wala sa sariling tanong ko.

"Hatdog. Hahahahah. Ulitin ko pa ba? Sabi k-" pinutol ko na agad ang pagsasalita niya.

"Hindi. Naintindihan ko yung tanong mo pero nagtataka ako. Bakit mo ako kinakausap?" sagot ko.

"Suicidal ka. Tama ba?" pagbabalewala niya sa tanong ko.

"Hindi." Sagot ko sabay yuko. Tinanggal ko na din yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Nakakailang kasi, pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.

Nginitian niya lamang ako. Ewan ko kung bakit pero kakaiba ang pakiramdam ko sakanya. Parang iba siya sa mga nakausap ko na. Hindi ko alam kung may kailangan lang ba siya sa akin pero parang totoo ang mga pinapakita niya sa akin.

"Miracle Zephaniah Avila." Sabi niya sabay abot ng kamay sa akin.

Nakangiti siya. Isang ngiti na matagal ko nang hindi natatanggap. Ngiti na walang bahid ng panghuhusga.

Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti.

"Kung binabalak mong pasukin ang mundo ko, wag na. Wala kang makikita. Malulunod ka lang." sabi ko.

"Bago pa lang ako dito. Wala pa akong kaibigan. Ayos lang ba sa iyo kung sasamahan mo muna ako? Magkaklase tayo sa isang subject. Journ din kasi ako. Nga pala, san nanggaling yung sagot mo kanina? Ang lalim." Sunod sunod na sabi niya.

"Siguro hindi ka pa mulat sa tunay na mundo kaya nakakaya mo pang tumawa, ngumiti, at maging masiyahin ng ganito. Kung tutuusin, hindi naman malalim ang sagot ko... teka umupo nga muna tayo roon." Sabi ko sabay turo sa may bench malapit. Nakakailang na kasi mga mata ng mga studyante.

Tumungo na kami roon at umupo. Tinitigan niya ako na tila ba naghihintay ng mga susunod na salitang mamumutawi sa bibig ko.

"Katulad nga ng sinasabi ko kanina, hindi malalim ang sagot ko. Siguro. Baka. Pwedeng... mababaw ka lang talaga." Nag-aalinlangang tugon ko.

"Hoy! Grabe ka naman! Di ako mababaw! Sadyang humanga lang ako sa ideya at lawak ng pag-iisip mo!" sabi niya saka tumayo.

"Pwede bang hinaan mo ang boses mo at maupo ka? Nakakahiya. Pinagtitinginan tayo." Pabulong na sabi ko.

Sumimangot lang siya saka umupo. Nanahimik siya ng panandalian. Siguro natauhan ni siya. Siguro ayaw na niya akong kausapin pa.

Tatayo n asana ako at aalis ng bigla siyang nagsalita.

"Siguro may mapapait na pangyayari sa buhay mo na naging dahilan kaya ka nagkaganyan. Siguro nakakulong ka sa parte ng storya mo kung saan ayaw mo nang kumawala. Siguro nalulunod ka sa mga bagay na umu-ukupa sa utak mo. Pero sana alam mo na ikaw rin ang may hawak ng susi ng kwarto na kinakukulungan mo. Nasa iyo ang desisyon kung pipiliin mo bang umahon sa kinalulubugan mo o mas pipiliin mong magpakalunod dito. Sana batid mong ikaw ang manunulat ng storya mo kaya't mayroon kang kapangyarihan na ilipat ang bawat pahina nito. Oo. Totoong hindi natin kayang maitakda ang pwedeng mangyari, pero mapipili natin ang magiging paraan ng pagtugon natin sa mga ito."

Huminga siya ng malalim, ipinikit ang mga mata, tumingala sa kalangitan at saka patuloy na nagsalita.

"Madami ka pang dapat na malaman sa mundo. Hindi ka pa ganap na mulat. Nakakulong ka pa sa iyong sarili. Subukan mong dumilat at makikita mo ang reyalidad. Wag kang gumaya sa mga taong nakakakita ngunit bulag, nakakarinig ngunit bingi, nakakapagsalita ngunit tikom ang mga bibig." Lumingon siya sa akin saka ngumiti.

Hindi ako sumagot, bagkus ay yumuko lamang ako. Hindi dahil sa ayaw ko siyang kausapin kundi dahil sa batid ko na may parte ng aking pagkatao na nagsasabing tama siya.

"O ayan!" sabi niya saka abot ng isang piraso ng papel.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.

"Fb account at cellphone number ko. Isinulat ko rin ang pangalan ko baka kasi nakalimutan mo na agad. Kontakin mo na lang ako kung nais mo kong kausapin muli. Mauuna na ako! Salamat sa oras." Sabi niya saka naglakad palayo.

"Sandali!" sigaw ko. Naging sanhi naman ito ng paglingon niya. "Timothy James Dela Vega." Dagdag ko saka tumalikod at naglakad na rin palayo.

Batid ko na hindi tamang makipagkaibigan pa. Pero wala naman sigurong mali kung sa pagkakataong ito, susubukan ko.

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong hinanap ang laptop at telepono ko na matagal tagal ko nang hindi nagagamit. Hinanap ko ang pangalan niya sa sa facebook pero isang account lamang ang tumugma dito. Hindi niya litrato ang nakalagay rito kundi larawan ng isang paru-paro. Hindi ko sigurado kung siya ito pero nag-iwan parin ako ng mensahe.

"Nais ko pang makarinig ng mga salita galing sayo." Iyan lamang ang sinabi ko.

Sinubukan kong kalkalin ang account niya ngunit nakaprivate ito. Tanging litrato ng mga paru-paro, rosas, at takip-silim lamang ang nakikita ko kaya't napagdesisyonan ko na lamang na ihinto ang ginagawa ko. Nagbihis ako at nahiga na sa kama.

"Malalim rin naman pala siyang tao. Mali ata ang panghuhusga ko sa kanya. Sa tingin ko, naiintindihan niya ako." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Kahit papano ay may magandang nangyari sa akin sa araw na ito. Siguro ay magkakaroon na ako ng kaibigan. Pero di ko sigurado kung totoo.

Sana matulungan niya akong isara ang libro ng aking nakaraan at simulan nang isulat ang ngayon.

-----

;

Pahimakas.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora