13

12 0 0
                                    

"Mamahalin kita sa lahat ng paraan na pwede kong gawin."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi mahirap alagaan si Coffee. Madalas ay tulog lang siya at gumigising para kumain. Pero napansin ko na sa tuwing umuuwi ako galing sa eskwela at sa part time job ko na pagod, sinasalubong niya ako para kulitin. Napapangiti na lamang ako sa tuwing tumatakbo siya papunta sa akin. Katulad ni Miracle, napapasaya niya ako.

Ilang linggo pa lang ang nakalipas mula noong ma-ospital si ate Stacey. Batid kong hindi madali para sakanya ito pero pinapakita niyang malakas siya. Nagkaroon din ng pagiiba sa ugali niya. Tahimik na lamang siya at seryoso palagi. Bihira na lamang siya ngumiti, sa tuwing kasama na lamang niya si Jamey. Pero alam ko ding pagpapakitang tao lamang ito. 

Madalas  siyang overtime sa trabaho at maaga kung umalis. Siguro pagtatrabaho ang napili niyang paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman.

"Ate." tawag ko sakanya bago siya tuluyang lumabas ng bahay.

"hmm?" tamad na sagot niya.

"Naiintindihan ko kung iyan ang paraan mo ng paglimot. Pero wag mo parin abusuhin ang katawan mo. You should get some rest too." paalala ko sakanya.

Nginitian niya ako at tumango.

"Salamat, Tim. You're a great brother, really." sagot niya sakin habang nakangiti.

"You should smile more often Ate. You're more beautiful when you're smiling." sumilay ang matatamis na ngiti sa labi niya. Bahagya ring namuho ang luha sa kanyang mga mata.

"Sige na. I'll go ahead." pagpapaalam niya.

Tumango ako at ngumiti na rin.

Bumalik na ako sa kwarto para maligo dahil may klase pa ako. 

Mag-aalas siete nang makarating ako kina Aling Ising. Naabutan ko na naman si Tessa na naglilinis.

"Susunduin mo si Ate?" bungad niya sa akin.

"Ah oo. Sabay na kami papasok." sagot ko.

"May regalo ka na sa kanya?" tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko.

"para saan?" nalilitong tanong ko.

"Dalawang araw mula ngayon, kaarawan na niya. Hindi mo alam?" umiling lamang ako.

"Ano ba sa tingin mo ang magandang regalo, Tessa?" 

"Noong sila pa ni Kuya Shaun, binigyan siya palagi nito ng mga bagay na may kaugnayan sa paru-paro. Paborito niya iyon e." pagkukwento niya.

"Ah." yun lamang ang naisagot ko.

Maya-maya pa ay dumating na si Miracle. Katulad ng lagi niyang ginagawa, sinalubong niya ako ng ngiti.

"Tara na?" anyaya niya. 

Sabay na kaming nagtungo sa eskuwelahan. Bagamat tinitignan siya ng mga tao. Makikita kay Miracle na hindi niya iniinda ito. Mas kapansin pansin din ngayon ang ngiti niya at maaliwalas na mukha.

Simula noong pumayag si Miracle na huwag nang takpan ang kaniyang mukha, karamihan sa ka-eskuwela namin ay nagulat. Ang iba ay bahagyang natakot pero dahil likas na palakaibigan si Miracle, hindi padin siya iniwasan ng mga tao. May iilan na may panghuhusga padin kung tumingin sakanya pero kahanga-hanga na hindi siya nagpapaapekto dito.

"Birthday mo pala sa susunod na araw?" tanong ko habang naglalakad kami pauwi.

Nilingon niya naman ako at halatang nagulat siya na alam ko.

Pahimakas.Where stories live. Discover now