10

14 1 0
                                    

"Malaki ang pagkakapareho ng liham at litrato. Madalas, masasaya lamang ang makikita rito. At kung nanaisin mong malaman ang reyalidad sa likod nito, kailangan mong intindihin at usisahin ang bawat detalye ng pagkakagawa nito."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong buwan na ang nakalipas nang magsimula ang semestre na ito. Mas lalo kaming napalapit ni Miracle. Dahil na rin siguro di na namin kaklase si Shaun. Kahit papaano ay naitutuon niya na sa akin ang atensyon niya. Batid kong di niya ko kayang mahalin sa ngayon pero masaya na ako sa tuwing napapangiti ko siya sa mga simpleng bagay na nagagawa ko para sa kanya.

Marami kaming pagkakaiba ngunit ito rin ang nagiging dahilan kaya nagkakaintindihan kaming dalawa. Katulad na lamang ng pagtingin sa takip-silim. Para sa akin, ito ay wakas pero para sakanya ito ay simula. Wakas ng pagdurusa at pahihirap at simula ng pangangarap na sana ay may magbago na sa bukas na haharapin niya.

Pinayagan na akong manligaw ni Miracle. Yun nga lang, hindi ako sigurado sa mga ginagawa ko. Hindi pa ako nakakapanligaw buong buhay ko. Araw-araw binibigyan ko siya ng isang bugkos ng rosas. Nagpa-part time job ako sa kompanya na pinagtatrabahuan ni Ate Stacey bilang encoder para magkaroon ako ng sariling pera. Ayaw kong umasa sa pera ni papa. Ayokong manggaling sa kanya ang perang ginagastos ko sa taong napupusuan ko.

Palagi kitang pipiliin.

Sa lahat ng pagkakataon.

Sa lahat ng sitwasyon.

-Timothy James

Napangiti ako matapos makita ang pag-angat ng labi ni Miracle nang mabasa ang note ko sa ibinigay kong bulaklak. Matagal pa niyang tinitigan ito bago napansin na nakatayo ako malapit sakanya.Inilagay na niya ito sa locker saka naglakad papunta sa akin.

"Timothyyyyyyyy!"sigaw niya habang papalapit sa akin.

"Miracle Zephaniah. Kumalma ka. Napakataas na naman ng energy mo. Di mo kailangan isigaw ang pangalan ko. Kahit bumulong ka pa ay pupunta ako sayo."natatawang sabi ko.

"Pasensya! Na-eexcite lang ako kasi mamaya na yung presentation ng spoken poetry natin."nagagalak na sabi niya.

"Oo nga pala. Anong tema ng tula mo?"tanong ko. Totoong nakaligtaan ko na ngayon ipepresent yung spoken poetry pero nakabisado ko naman na iyon.

"Di ako nakagawa e..."malungkot na tugon niya.

"E bakit ka naeexcite? Naeexcite kang bumagsak?"inis na sagot ko.

"Excited akong marinig ang pyesa mo."seryosong sabi niya.

"Sa loob ng tatlong buwan, araw-araw kitang pinapadalhan ng rosas na may kasamang akda ko. Hindi ka na dapat maexcite dahil lahat ng akdang naiisip ko, ikaw lamang ang paksa. Ikaw ang puso ng mga tula ko, Miracle."sinabi ko iyon ng nakatingin diretso sa mata niya.

"Harot mo."biro niya saka naglakad na palayo.

Sumunod na ako sakanya. Nagtungo na kami sa sunod naming klase. Sa auditorium ito ginanap. Hindi puno ang mga silya ngunit marami ang mga studyante. Meron ding iilang mga propesor na manonood. Mapapansin mo na kabado ang mga estudyante. Nakakapagtaka lamang kasi mga journalist ang mga ito ngunit ganito ang kanilang tugon sa mga ganitong klaseng aktibidad.

Naghanap na kami ng mauupuan ni Miracle. Bago pa kami makaupo, natanaw ko na si Shaun. Dalawang klase siguro ang narito dahil nakikita ko rin ang ilan sa mga kaklase niya. Nakalingkis ang braso ni Julie sa braso ni Shaun at nakasandal ang ulo nito sa balikat ng lalaki. Akala mo nagd-date sila at hindi na iniisip ang mga nakakakita sa kanya.

Pahimakas.Where stories live. Discover now