9

15 1 0
                                    

"Palaging sinasabi ng iba na mapanakit ang pag-ibig. Pero mali sila. Masakit ang maiwan. Masakit ang malinlang. Masakit ang umaasa. At pag-ibig lamang ang tanging makakapawi ng sakit. Sa lahat ng bagay, pag-ibig lamang ang di magagawang makapanakit."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Unti-unting namilog ang mga mata niya at bumagsak ang mga kamay niya na kanina'y nakahalukipkip pa.

"Akala ko ba 'you don't date to have fun, you date to marry' ha?"panggagaya ni Miracle sa akin. Kitang-kita ang inis sa mukha niya.

"Hindi mo naman siguro agad ako sasagutin diba?"bagamat kinakabahan, biniro ko parin siya. Nakita ko rin na umalis na sina Shaun at Julie.

"Alam mo Tim, di mo naman kailangan gawin yan dahil naaawa ka na mahal ko parin yung taong iba na ang gusto. Wag mong isugal ang pagkakaibigan natin para sa bagay na hindi sigurado. Please."mahinahon na pakiusap niya. Nakakunot parin ang noo.

"Sigurado akong gusto kita, Miracle. Hindi naman importante kung sagutin mo ko o hindi. Kung abutin man ng ilang taon. Wala akong pakialam. Basta liligawan kita."pagkukumbinsi ko sakanya.

"Tim, alam mong siya parin ang mahal ko. Di ko alam kung kaya kong magmahal ng iba. Kaibigan kita. Mahalaga ka sakin. Ayokong mawala ka sakin dahil lang sa kalokohan mo. Madaming iba diyan na siguradong mamahalin ka. Iyong wala kang kahati. Tim, mas deserve mo iyon."naluluhang sambit niya.

"Hindi ko naman sinabing mahalin mo ako. Liligawan kita. At kung dumating man yung araw na may magustuhan kang iba, o kung magkabalikan kayo, palalayain kita. Hayaan mo kong iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga. Hayaan mo kong protektahan ka."tinignan ko siya diretso sa mata. Nasasaktan ako dahil umpisa pa lang, wala na kong pag-asa pero okay lang sa akin iyon. Susugal ako. Kahit alam kong masasaktan lang ako.

Simula nang makilala ko si Miracle, maraming nagbago sa buhay ko. Tinuruan niya akong magtiwala ulit. Nandiyan siya tuwing nasasaktan ako. Ilang buwan pa lang kaming magkasama pero malaya ko nang nasasabi sakanya lahat ng nararamdaman ko. Hindi ako natatakot magkamali kapag nandiyan siya. Hindi ako nahihiya kasi alam ko na pumalpak man ako, hindi niya parin ako huhusgahan. Kaya siguro hindi ko napansin na nahuhulog na rin ako sakanya.

Hindi na ako kinausap ni Miracle hanggang matapos kaming kumain. Tahimik rin siya sa biyahe. Nirespeto ko iyon. Ayaw kong maging sanhi pa ng pag-aaway naming ang pangungulit ko. Pero hindi rin ibig sabihin non na susuko na ako.

Pinahinto ko na ang sasakyan sa tapat nila aling Ising, natanaw ko rin si Samuel na nagliligpit ng mga upuan. Katatapos lang din siguro ng selebrasyon nila. Lumabas ako ng sasakyan para pagbuksan si Miracle.

"Pasensya na kung nabigla ka sa sinabi ko, Miracle. Hindi naman ako nagmamadali kaya nga manliligaw ako. Naiintindihan ko naman na mahal mo pa siya. Gusto kitang protektahan. Sana pagbigyan mo ko..."sabi ko pagkababa niya.

Bumuntong-hininga siya. "Pag-isipan mong mabuti, Tim. Sana alam mo na pwede kang masaktan kapag pinilit mo yang panliligaw mo."sagot niya.

"Handa ako doon, Miracle. Sige na lumakad ka na. Maligayang pasko ulit. Sana di ko nasira ang gabi mo."di ko napigilan ang pagkalungkot sa huling sinabi ko. Naging dahilan ito ng pag-angat niya ng tingin sa akin. Dahan-dahan siyang umiling at ngumiti.

"Mali ka. Sobrang saya ko ngayon. Salamat ng marami."sabi niya saka kumaway at naglakad na palayo.

Masaya akong nagdrive paalis dahil sa huling sinabi ni Miracle. Pagkauwi ko sa bahay, patay na ang mga ilaw at mukhang tulog na ang lahat. Kumuha lamang ako ng tubig sa kusina at umakyat na. Nang nakapagbihis na ako, sinilip ko ang cellphone ko at nagulat ako dahil may mensahe si Miracle. Binuksan ko agad ito.

Pahimakas.Where stories live. Discover now