6

18 6 0
                                    

"Sa mga panahon na binigo ako ng mga bituin naroon ka upang palitan ang kalawakan."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang sumunod na araw, pinagpatuloy namin ang paglilibot pero hindi na kami nag-interview pa. Kumuha na lamang ako ng mga litrato at video para sa aming documentary. Ang iba ko namang kagrupo ay nagsimula nang magsulat ng magiging flow nito.

Sa paglalakad ko, natanaw ko ang ilog sa dulo ng mga kabahayan. Mukhang tahimik rito at tanaw na tanaw ang bundok sa kabilang baryo.

"Magandang puntahan iyan pag malapit na mag-takipsilim."sabi sa akin ng isa sa residente doon. Siguro'y napansin niyang binalak kong pumunta roon.

"Sige po. Pupunta po ako roon mamayang hapon."nakangiting tugon ko.

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad at pagkuha ko ng litrato. Nakakatuwa pa nga dahil nakikisama talaga ang mga residente, ang mga bata ay gustong gusto magpakuha ng litrato. Alas-dose ng tanghali nang matapos ako. Pumunta muna ko sa ilalim ng puno upang magpahinga.

Pinagmasdan ko ang mga bata nakakahanga dahil sa kabila ng mga pinagdadaanan nila ay nakakaya parin nilang ngumiti. Sa ngayon ang pangarap ko ay ang magamit ang kakayahan kong magsulat para mabago ang mga pananaw ng mga tao. Sana sa pamamagitan noon ay mas maintindihan ng ibang tao ang kanilang kalagayan. Sana kung nabigo man sila ng mga nakalipas na henerasyon, sana tayo hindi na.

Maya-maya pa ay nagring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot.

"Hello ate?" pagbungad ko ay ate Stacey.

"Tim, kasi pangalawang araw ko na napapansin na di umuuwi si papa. Tapos tinanong ko si mama, ang sabi niya nasa resort daw natin sa Apayao si papa. Pero kasi Tim... nakita ko si papa sa mall kanina. Tapos kasama niya si Tita Maricris. Uhm nagtatawanan sila. Sa tingin mo Tim... niloloko kaya ni papa si mama?"bahagyang humikbi si ate marahil ay kanina pa niya pinipigilan umiyak.

Nasapo ko ang ulo ko dahil hindi ko inaasahan na maiisip ni ate iyon. Bagamat matagal na simula noong nalaman namin ni mama ang kagaguhan ni papa, di parin namin sinasabi sa dalawa kong kapatid. Tapos ang mokong na tatay ko, pinakilala pa ang babae niya na investor daw sa kumpanya. Napakahusay diba?

"Look, ate. Wag tayo agad mag-conclude. Abogado ka pa naman tapos ganyan ka. Wag mo ito pangunahan ng emosyon mo. Baka nakauwi na si papa at nagpasama iyong si Tita Maricris. Hindi ba't kaibigan nila mama yon noon pa? O kaya naman baka nagkaroon ng meeting sa mall na iyon. Nagtatawanan lang naman sila diba?"pinilit kong kumbinsihin si ate dahil ayokong masaktan siya sa katotohanan na ang pinakamamahal niya ama ay walang kwenta.

"Oo. Nagtatawanan lang naman sila. Tama ka nga Tim. Baka masyado lang ako nag-overthink. Buti talaga sayo ako una tumawag. Osiya. Salamat Tim. Mag-iingat ka diyan."medyo magsiglang bati na niya.

"Okay ate. Wag ka ulit iiyak...lalo na pag wala ako sa tabi mo. Mag-iingat rin kayo jan."sagot ko saka ibinaba ang tawag.

Di ko na napigilan ang sarili ko at tinawagan na si papa. Tinatapik tapik ko ang paa ko sa lupa sa pagkakainip dahil ang tagal niyang sagutin.

"Tim-"sabi niya na agad ko rin pinutol.

"Gago!"sigaw ko sakanya.

"Ano na namang problema mo? Nasa meeting ako ngayon. Sinasayang mo ang oras ko Timothy!"may awtoridad na sabi niya.

"Wala akong pakialam sa mga ginagawa mo pero utang na loob kung makikipaglampungan ka sa babae mo siguraduhin mong hindi makikita ng kahit sino sa mga kapatid ko! Kasi putangina kapag nakita ka pa ulit ni Ate o lalo na ni Jamey, sisiguraduhin ko na di mo na ulit masisilayan kahit anino nila!"dire-diretsong sabi ko saka binaba yung tawag.

Pahimakas.Where stories live. Discover now