8

11 1 0
                                    


"May mga pagkakataon na nagpapalaya tayo hindi para itaboy ang mga tao na mahalaga satin kundi para makita kung sino sakanila ang pipiliing manatili kahit na may pagkakataon naman na silang lumayo sa atin."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ika-24 na ng Disyembre ngayon. Katulad ng nakaugalian, abala ang lahat sa paghahanda para sa salu-salo mamayang gabi. Dito kasi sa bahay palagi nagse-celebrate ng pasko ang mga kamag-anak namin. Iniiwasan ko ang plastikan kaya maganda na rin na hindi ako dito magpapasko ngayong taon.

Nagluluto na sina manang at mama. Si ate naman ay pinasyal saglit si Jamey kasama ni kuya Jasper. Si papa, nasa kompanya pa pero uuwi yon panigurado bago dumating ang mga bisita.

Nilapitan ko si mama para tignan kung may maitutulong ako. Kahit di ako dito magpapasko, gusto ko parin na kahit papaano ay may maitulong ako kay mama.

"Timothy, anak. Di ka raw dito magpapasko sabi ng ate Stacey mo?"tanong ni mama paglapit ko sa kusina.

"Opo, Ma. Kasama ko po yung kaibigan ko na mamamasyal po. Uuwi rin kami pagkatapos. May matutulong ba ko, Ma?"sagot ko.

"Nako! Araceli, mukhang may nililigawan na itong binata mo."biro ni manang kay mama.

"Okay nga iyon, manang para hindi puro libro ang pinagtutuunan ng pansin nitong si Timothy."sagot ni mama.

"Sino ba iyang pinopormahan mo TJ?"pang-uusisa sa akin ni manang. TJ ang palayaw ko noong bata pa ako. Ngayon ko lang ulit narinig na may tumawag noon sakin. Mas sanay ako sa Timothy o Tim.

"Wala pa po akong nililigawan pero kung tinatanong niyo po kung sino ang kasama ko mamaya, si Miracle po. Kaklase ko po iyon saka kaibigan."pagpapaliwanag ko.

"Kaibigan lang ba talaga?"pang-aasar ni manang.

Natawa na lang ako dahil tuwang-tuwa sila ni mama sa pang-aasar sa akin.

"Wag mo na asarin manang. Baka mag-iba pa ang timpla niyang si Timothy. Osiya, sa kwarto ka na muna Timothy kaya na naming tapusin ito."sabi ni mama.

Tumango ako saka nag-paalam na aakyat na muna. Inayos ko ang susuotin ko. Naisip kong mag-longsleeve na lang dahil lagi na lang ako nakajacket. Tinext ko rin si Miracle na susunduin ko na lang siya pero tumanggi siya dahil baka magalit daw ang tito niya. Di ko na lang siya pinilit kahit pa gustong gusto kong personal na ipaalam siya sa tito niya.

Alas-otso ng gabi pa ang usapan namin ni Miracle pero dahil excited ako, alas-singko pa lang ay paalis na ako ng bahay. Hiniram ko iyong sasakyan ni ate dahil ayaw ko namang gamitin iyong sasakyan ko lalo na at andiyan si papa ngayon sa bahay.

Walang alam si Miracle kung saan kami pupunta. Hindi rin naman kasi siya nagtatanong. Kaya kahit na hindi ko naman binalak na surpresahin siya, sa tingin ko ay masusurpresa siya.

Dumiretso muna ako sa mall para bumili ng jar. May gagawin kasi ako doon sa butterfly garden mamaya. Bumili narin ako ng mga puwede naming kainin habang nasa biyahe. Dito rin namin napagkasunduan ni Miracle na magkita kaya dumaan na muna ako sa isang bookstore dahil maaga pa naman.

Naghanap ako ng libro dahil nabasa ko na iyong huling nabili ko. Born Blue ang napili ko. Isinulat iyon ni Han Nolan. Hindi ko kilala yung author pero sa tingin ko, maganda naman ito. Binayaran ko na yung libro at lumabas na ako. Dinala ko muna yung mga binili ko sa sasakyan. Bumalik ako sa loob at pumasok ako sa isang fast food chain, doon na ako naghintay kay Miracle.

Pahimakas.Where stories live. Discover now